May problema ba?" Tanong naman ni Jenn.
"Ha? Wala yun hehe. Tara na't magluto" sabi ko na lang.
Nakita ko na sila Marine, JM at Brandon na magkakasama.
Lumapit saken si Marine, naka Tshirt at naka shorts siya pero sobrang gwapo pa rin niya.
Di ko siya pinansin at nagpatuloy lang sa pagluto.
Niyakap niya ako sa likod at inamoy.
"Hmmmmmm. Ang bango naman ng mahal ko" bulong niya saken.
At nagtawanan sila Anna at Jenn sa kilig,
Pilit kong tinatago yung kilig ko dahil na rin sa galit ko sakanya.
Inamoy niya uli ako.
"Hmmm bango bango talaga" sabi pa niya at nakayakap pa rin sa likod ko.
"Bakit kaya di ako kinakausap ng mahal ko?" Sabi naman niya.
Tinanggal ko yung pagkakayakap niya saken sa likod at pumunta naman ako sa may dagat at umupo.
Sinundan pala ako ni Marine at tumabi siya saken.
"Palubog na yung araw oh" sabi ni Marine at nakita ko kung gano kaganda yung araw. Yung parang kinakain siya ng dagat sa pagbaba. Yung reflection ng araw sa dagat, Sobrang ganda at nakakamangha.
"Bakit di mo ko kinakausap?" Paglalambing ni Marine.
"Sabi kasi ni Dan magkasama kayo ni JM, kayong dalawa lang!" Inis kong sabi.
Tumawa siya ng malakas habang tinitignan niya kung gaano ako naiinis.
"Bakit ka tumatawa?!" Galit kong sabi
"Hahahhaha sorry mahal. Ang cute mo kasi pag nagagalit hahaha" sabi niya na nangaasar.
Nainis ako at tumayo pero hinawakan niya ako at hinila uli paupo.
Mas malakas siya at napaupo ako uli at umupo siya sa likod ko ng nakayakap. Sobrang sarap maramdaman ng init ng yakap niya, feeling ko talaga safe ako sakanya.
"Mahal, naalala mo si Anna nung pumunta siya sa kwarto natin kahapon? Sabi niya nagbabago na daw si Brandon? Kinausap lang kami ni Brandon at sinabing bibigyan niya ng surprise si Anna mamayang gabi. Gustong gusto daw ni Anna yung singsing na nakita nila sa mall nun, e walang pera si Brandon. Kaya gumawa siya ng paraan para makaipon at mabili yung singsing na yun. Walang babae si Brandon, loyal yun at saka nagpapatulong lang bigyan ng romantic na setting mamaya. Ayun lang yun, wala naman ibang close si Brandon dito kundi ako, si JM at Dan lang kasi kami magttropang Marine diba?" Paliwanag ni Marine saken habang nakayakap pa rin siya sa likod ko.
"Bakit sabi ni Dan kayong dalawa lang?" Tanong ko naman.
"Ano kaba, magkasama kami nila Brandon mahal. Hindi ko naman hahayaang mangyari yun kasi alam kong ayaw mo magkasama kaming dalawa eh. Di ko po gagawin yun" sabi naman niya. Ramdam ko sa boses niya yung pagka sincere.
"Sorry kung OA ako magreact"
"Hahaha Ang cute mo kaya magselos. Ang sarap picturan" pang aasar pa niya.
"He!" At inenjoy na nameng dalawa yung sunset.
Gabi na at kumakain na kami. Sobrang ganda ng dagat sa gabi. Hindi malakas ang alon, bilog na bilog ang buwan, sobrang presko ng hangin at sobrang nakakarelax.
Biglang tumayo si Brandon, Marine ko, JM at Dan at pumunta sa dagat.
"San pupunta yung mga yun?" Sabi ni Anna.
"Hindi ko rin alam" sagot ko.
Maya maya gumawa sila ng bonfire malapit sa dagat at tinatawag kami.
Tumayo naman kami at iniwan na namen yung pinagkainan namen.
BINABASA MO ANG
My Marine Love - Pinoy M2M Story
Teen FictionSundan ang buhay ni Pat (isang Electrical Engineering Student) sa piling ni Elmer (isang Marine Engineering student).