Ang putek ni Watty nagloloko! Kaya dinelete ko yung chapter 43 at pinalitan ulit at pinublish! Sumunod din yung 44, nauuna kasi yung mga huli kong pinupublish! At nahuhuli talaga yung chapter 43! Grr, By the way! Thank you sa previous comments and Votes, PM niyo lang po ako sa gusto ng dedic. ENKYO! :)))
Ivan’s POV
Nakakaurat naman ‘tong manglinis oh, kanina pa ako punas ng punas sa mga upuan at lampaso sa sahig! Sabi kasi sakin ni Jade pagpasok namin tigdala-dalawa daw para mabilis ang paglinis. Pero 30 minutes na ang nakakaraan! PUCHA AKO LANG ANG NAGLILINIS! Kung hindi lang ito babae, binatukan ko na ‘to ng pagkalakas lakas! Alam niyo ba ang ginagawa niya? Nakaupo sa second row kanina tapos ngayon sa third row na ng upuan na naka-indian seat at kukuha ng lollipop at itatapon ang balat nito sa pinaglalampasuhan ko—
“Hoy! Ba’t mo ginawa yun!?” pikon kung sabi, tinapon niya kasi yung plastik sa sahig eh!
“Yung alin?” inosenteng sagot niya at dila ng dila sa lollipop niya
“Pa-inosente ka pa!” dabog ko
“Ang alin nga?” pa sweet niyang sagot sabay kain ng lollipop, I fake a smile and glared at her
“Anong alin!? Pulutin mo!” ngumiti lang siya
“May pupulutin ba?” sinamaan ko na ng tingin, pa-inosente pa rin
“Putek! Pulutin mo! Ang lapit nung basurahan oh!” halos isigaw ko na sabay turo ng basurahan
“Ah talaga? Malapit naman pala eh, edi itapon mo” mahinahon niyang sabi at binaling ang atensyon sa cellphone niya at dila ng dila sa lollipop, kung ako ang dinidilaan niya matutuwa pa ako eh. Joke! HAHA!
I sigh, sign of defeat. Walang gana ko itong pinulot at lumapit sakanya, nasa tabi niya kasi yung basurahan kaya umakyat pa ako para makarating sa third row. Pinapahirapan talaga ako ng babaeng ‘to, sa laki ba naman ng quad dito pa kami malapit sa stage kaya isusunod ko pa yun! Gusto ko nga siyang pagtripan eh!
“Ambait nomon” pangangasar niya, sumimangot lang ako ngumiti siya ng nakakaloko. Walang gana akong bumaba at nanlulumo akong napatingin sa sliding door kung saan nandun si Matt at Denise, nahulog siya pero agad namang nasalo ni Matt, dumidiskarte ang leche. Napalingon ako ng may sumigaw
“Ay Denise!” nagulat ako ng biglang na-out balance si Jade, lumaki mata ko ng tumama ang kanang paa niya sa steel nung upuan “Ah—KABLAG!” shet!
Nakita kong unti-unting gumulong si Jade, nasa baba na kasi ako kaya ang ginawa ko nalang ay ang humarang sa matigas na lalandingan niyang end nung steps. Bahala na si batman! Nang malapit na siya agad ko siyang niyakap. Urgh! Bagsak kaming dalawa nauntog ulo ko, shet sakit! Narinig ko siyang umungol, gago Ivan mas masakit yung sakanya!
“J-jade” p*ta! Nawalan siya ng malay! Agad akong umayos at inalog siya “Guys! Tulong!” sigaw ko at pinagtatapon naman agad nila ang mga dala nila at tumakbo samin, inalog alog ko siya ngumiti ito ng nakapikit. Nagulat ako ng napasigaw ito
“Ivan?”
“Jade!” yan ang sigaw na dinig ko habang papunta sila samin
“Shet ang sakit!” ungol niya, masakit ang!? “P*ta ka Ivan, ayusin mo ang pwesto natin” sakit na sakit niyang sabi habang namumulang dumilat, napatingin naman ako. Nakabuka ako nasa gitna siya habang ang kamay niya nasa dibdib ko.
“Jade! Ayos ka lang?! Ikaw Iv—POK!” sulpot ni Grey, sinapok naman siya ni Monique
“Nakita mo namang namumula siya at mukhang nasasaktan! SAN BANDA ANG AYOS DIYAN!?” Monique
“Ano ba yang ayos niyo!? Anlaswa!” Sienna
“Inggit ka lang eh” dagdag ni Seth, agad naman siyang binatukan ni Sienna
Wala na akong paki-alam sakanila kaya inayos ko ng upo si Jade, at hinawakan sa magkabilang braso
“Ahh!” nagulat ako sa pagsigaw niya
“Anong masakit!?” sigaw ko
“Wala ‘to” nakita kong medyo nakatabingi ang kanang paa niya, Shet! Agad siyang tumayo pero natumba “Aww!” sabay himas niya ng pwet, napatawa naman yung walo
“Ang gago mo naman Jade oh! Alam mo namang hindi mo kaya! Trying hard ka!?” sigaw ko sabay hawak sa braso niya at tingin sa buong katawan kung may masakit pa ba inayos ko ang paa niya tuwid, napangiti naman siya
“Nag-aalala ka!?” sumimangot ako
[Jade’s POV Girls-3 Boys-2]
“Shet! Ivan dumudugo ilong mo!” nagpanic siyang tinakpan na pagmabaho ba, ganun! Yung tip ng ilong ko ang tinakpan niya, kinuha ko lang ang kamay niya ng mahinhin at napapunas naman ako sa ilong ko, andami ngang dugo sa pagkauntog siguro ng ulo ko at biglang napaupo “Tumingala ka! Tingala!” Pero agad naman akong napangiti
“Mukhang mas nag-aalala ka” ngumiti ako ng nakakaloko agad niya akong sinapok kaya dumami ang labas ng dugo
“Oh shet! Ang gago mo kasi eh” kinuha niya ang panyo niya sa likod at pinunasan ang ilong ko, hinawakan ko ang kamay niya at napangiti namula siya! BWAHAHAHAA!
[Jade’s POV- Girls-3 Boys-3]
“Popcorn nga Seth! May romance atang magaganap dito eh” asar na sabi ni Sienna sabay siko kay Seth
“Halika nga dito babes, gayahin na ‘tin sila” inakbayan naman siya ni Seth, di man lang umangal si Sienna! Umupo sila sa bakanteng upuan at kumain
“Landi mo Seth! Tayo rin Monique” umupo din si Monique malapit kina Sienna sumunod naman si Grey
“E—“
“Sige Luke, subukan mong tanungin ako” inis na putol ni Erin kay Luke
“Kakamustahin ko lang si Jade! Feeling ka din eh” asar na sagot ni Luke, binalewala nalang siya ni Erin
“Ayos ka lang ba Jade?” paninigurado ni Erin tumango lang si Jade, si Denise naman inaalalayan ni Matt. Eh!? “Ikaw Denise? Bakit ka inaalalayan ni Matt?” pagtataka ni Erin, napatingin naman yung apat na nakaupo
“Ahem, n-nahulog kasi siya. Masakit daw balakang niya” nahihiyang sagot ni Matt, tumango naman kami habang inuupo niya si Denise malapit kay Jade, ang caring ng gago! HAHA!
“Wait, Jade ba’t hindi pantay ang paa mo?” napatingin naman ako, parang twisted yung nasa right!
“Masakit ba?” binawi niya ang kamay na nakakapit sa panyong nasa ilong ko
“Ayos lang ako!” paninigurado niya, nagnod lang kami pero nagulat din ng kumapit si Jade sa balikat ko at agad agad na tumayo kaya lang napasigaw siya sa sakit ng matumba
“Gago! Napakagago!” sigaw ko nakayuko kasi siya sa dibdib ko, rape-pin ko to eh! Tigas ng ulo! “Bakit ang tigas ng ulo mo!?” galit kong sabi sakanya, narinig ko siyang humikbi “Hala! Jade sorry!”
“Mas gago ka! Sinubukan ko lang! Hindi ko kasi magalaw ang kanang paa ko! Hindi ko magalaw!” suntok siya ng suntok sa dibdib ko, hinawakan naman siya ni Erin sa braso pero ako ang nagpaupo sakanya
“Erin, Luke buksan niyo ang pinto dadalhin ko si Jade sa clinic” nagnod naman sila at lumakad papuntang pinto ng quad, tumayo naman ako at binuhat si Jade. Shet! Nakalimutan ko nadaganan niya pala ako, medyo masakit ang hita ko sa bagsak kanina. Pero di ko pinansin, pa-ika-ika akong lumakad napansin naman ni Matt
“Ivan ayos ka lang?” tumango ako “Den, halika buhatin din kita” nainggit ata! “Diba masakit balakang mo? Halikana” nang matanaw ko sina Erin na nagpapanic napakunot ang noo ko
“Anyare!?” sigaw ko, nakayuko lang pala si Jade sa dibdib ko nakalagay ang dalawang kamay niya sa leeg ko at humihikbi “Wag kayong magpanic!” bulyaw ko “Bilisan niyo! Dalawa ang injured dito!” hinarap naman ako ni Luke na namumutla
“Shet! WERE TRAP!” lumaki naman mata ko, napatingin ako kay Jade. TULOG!
BINABASA MO ANG
Mess with the DELINQUENTS
Подростковая литература[ON-GOING] Romance/Humor?!/Teen Fiction/PURE FICTION *SORRY NO SOFTCOPIES* NO COMPILATION* Sa Elites School kung saan mayroong grupong tinatawag na A-Prince, lugar kung saan may mga DELINQUENTS, grupo ng mga Bitches, mga shungang feeling Gangsters...