56- Gimik part 2

1.7K 40 8
                                    

Grey’s POV

“Kailangan natin nang plano” naalala ko ulit ang sinabi sakin ni Ivan “Ano ba talaga ang nararamdaman mo sakanya? Baka nakahanap ka lang nang ka kompetensya at si Bricks yun?” napaisip ako sa sinabi niya pero agad na umiling at naalala ko pa sagot ko

“Di ko alam, pero basta’t kasama ko siya nakakaramdam ako nang pagkakontento..  pero pag may kasama siyang iba parang guguho ang mundo ko. Di ko rin  mapigilan ang pagbilis nang tibok nang puso ko” nagtinginan sila bago ako binatukan

“Simulan na natin, mukhang tinamaan ka na nga” at ngayon, pang limang araw na paghahanda

Simula nung araw na yun hindi na ako lumalabas pa sa Leisure room, dun na pumapasok yung special teacher namin. Minsan inaabot na ako nang umaga sa LR makagawa lang nang letters para ibigay sakanya araw araw, nagpractice din ako kumanta dahil yun ang plano nung apat! Nakakagago man pero, nakakaexcite at nachachallenge ako! BWHAHAHA. Ako ang nag-asikaso sa lahat, noong Friday sinimulan ko na ang pagbibigay nang mga bulaklak at mga sulat pati na rin mga tinatago kong chocolates. Naasar nga ako eh, ba’t ang corny!? Hindi ko pa kasi nagagawa to sa buong buhay ko. Ewan ko ba kung may naitulong yung apat bukod sa pagsabing kasabwat daw yung dorm one at dorm two na mga basketball players. Mahal nga talaga ako nila! HAHAHA.

“Gago ka! Sabing bilisan mo eh!” sita sakin ni Seth kakalagay ko lang ng letters at white roses sa locker ni Monique “Oh alis na tayo!” napangiti ako habang inaakbayan ni Seth, meheheh! Ang cute ko. WAHAHAH!

Ngayong araw na ‘to, ikakasal ako. BWAHAHAH! Tama nadinig niyo, nanlalambot ang tuhod ko na para bang ikakasal ako. Ligaw lang ‘to Grey, ligaw! Sa kauna unahang babaeng liligawan ko, bukod sa.. wala naman. Habang nagbibihis ako sa boys locker room ay may tumawag, sinagot ko naman ito.

“Oph?”

“Langya ka asan ka na!?” dinig ko ang sigaw ni Luke sa kabilang linya

“Bakit ba!?”

“Sayang ka sa load alam mo ba yun gago!?” napangiti naman ako

“Sa yaman mong yan!? Ilampaso kita sa sahig eh! HAHA!”

“Langya! Naghihintay ka ba nang milagro ha!? Hinahatid na si Monique sa field!”

“Sabihin mo sakanya hintayin niya ko!”

“Pota ka! Halika na dito! Baka ako ang manligaw dito, ang ganda ganda—“

“Wag kang gagalaw diyan kundi babasagin ko bungo mo!” agad kong inend ang call at binitbit na ang 12 red roses na naka arrange, sinuot ko na rin ang tuxedo ko. Woo! Kaya ko ‘to!

Tinakbo ko ang daan papuntang field at nakitang hinahawakan nang dalawang babae si Monique, hindi ko masyadong mahagilap ang mukha niya dahil nakamaskara ito. Kaya tumakbo ulit ako para lang makarating sa mesang hinanda ko kaninang umaga lang, nagkukumpulan naman ang mga iba’t ibang year kaya hindi ako makadaan.

“Prince G-grey!?” sita sakin nang babae, napamura ako nang mahina

“OH MAY GASH! SI PRINCE GREY!” sigaw nung  babae muntikan na nila akong dumugin dala dala ko pa naman ang bulaklak nang umeksena sina Luke at Seth

“Hoy waiter este Prince! Halika na dito!” sigaw ni Luke napanganga naman ang mga babae dahil nakabihis din sila, pero nakamaskara silang apat natanaw ko rin kasi sina Ivan na may kausap. Nang makaalis na ako sa crowd ay sinuot ko na ang maskara ko, saktong sakto naman ang pagdating ko dahil papalapit na siya sa mesa. Pota! Kinakabahan ako, nagulat ako nang inabot sakin ni Matt ang microphone.

Mess with the DELINQUENTSTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon