51- Elevator

1.8K 45 3
                                    

Naiwan utak ko sa swimming pool, LUTANG NANAMAN! HAHA, kaya ngayon lang nakapag UD. Salamat po sa previous comments and votes! May moment po si Seth at Sienna na epal si Sugar!

Jade’s POV

[Monday]

Para akong tanga. Nakaupo lang sa bench, nakatingin sa stretching nina Erin at Alexa. Volleyball team kasi ang may practice sa kabilang court naman ay ang mga basketball athletes nagwawarm up. Alam niyo naman diba? Pilay ako, HAHA! Di joke lang, may tungkod. Di pa rin makalakad ng maayos dahil nung Saturday nalaman nung yaya kong may pilay ako dinala niya ako sa hospital at nalaman kong maswerte pa rin ako dahil kahit twisted ito ipahinga ko lang daw para makabalik ito sa dati dahil kung hindi baka hindi na ako makabalik sa swimming team. Kaasar diba? Kaysa naman sa tumunganga ako sa nagpapractice ng swimming pinili ko nalang ang manood kila Erin, siya kasi ang umaalalay sakin.

“Jade, halika na?” salubong sakin ni Erin

“Tapos na ba kayo?” pagtataka ko

“Ahh warm up lang yung kanina, basics ba” tumango naman ako at inalalayang patayo ni Erin nang papadating sina Ivan at Luke, wala si Grey, Seth at Matt. Nagkatinginan kami ni Ivan pero agad niyang iniwas ang tingin niya, ehh? Cold treatment lang!? Anyare dun?!

“Ahh Jade? Alis na ba tayo?” natauhan ako sa sinabi ni Erin kaya tumango nalang ako sabay na kaming naglakad paalis ng court malapit sa field

“Saang building si Monique?” tanong ko dahil Monday ngayon kanya kanyang clubs kami

“Ahh! Sa labas sila ng Academy, building A. Sa kabila lang, may sariling building yung cooking class eh” tumango naman ako

“Si Sienna? Di ko siya natanong kanina eh, para alam ko naman kung saan ako pupunta pagnagpatuloy na ang pagva-volleyball mo”

“Ano ka ba? Di yan tatagal ang pilay mo, siguro sa thursday ayos na yan” pagcocomfort sakin ni Erin “Nga pala sa Gym sila, sa katabing building lang ng building A. Ayon ohh” sabay turo niya ng may dalawang palapag na building

“Ba’t tig dadalawang palapag yan?” parang bata kong tanong, napatingin naman si Erin sakin

“Seryoso di mo alam?”

“Malamang, itatanong ko pa ba kung alam ko din naman?” ngumisi ito

“Sa building A, sa first floor niyan Art Club” uhhmm, si Denise andyan “Second floor niyan cooking class, sa building B ang first floor niyan Gym kung nasaan si Sienna second floor niyan sa dancing club at singing club” tumango naman ako, oh readers gets niyo? Taas paa kung OO, HAHA! Ang building A at B ay may bridge na nag-uugnay dito para di mo na kailangan pang bumaba makapasok lang ng Building A sa building B, at Building B sa Building A.

“Ah ganun ba? Sige Erin balik na tayo ng classroom, dun na natin hintayin yung iba” tumango naman si Erin at inalalayan ulit ako hanggang makapasok sa Academy

[Corridor]

“Uhm Jade? Wait lang ha? Bibihis muna ako at maliligo sa locker room”

“Ah okay lang Erin, hihintayin kita” nginitian ko naman siya

“Jade, ihahatid nalang kita sa classroom” napakunot noo naman ako “Kasi maliligo ako baka manigas ka diyan kakahintay” tumawa ako ng mahina

“Shucks! Mabuti pa nga! Alam ko kung gaano ka katagal maligo!” kinurot niya naman pesnge ko “Awchh!”

“Tumataba pesnge mo Jade!” sinamaan ko naman siya ng tingin “Di totoo! Di ako nangangasar insan, pramis!” bago ko pa siya hampasin ng tungkod tumakbo na siya sa locker room

Mess with the DELINQUENTSTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon