66

1.5K 39 13
                                    

Sa Wakas NakaUD rin! Yun ngalang, naging magulo na ang storyang to. Lutang ako Guys, sorry. Pero pagnatapos ko 'to EEDIT ko siya. Mula simula hanggang Wakas, gusto ko na rin pong matapos to kaya Uso Fast Forward! HappyReading.

Denise’s POV

 “Kasi, kasi siya ang babaeng matagal ko ng hinahanap na akala ko ay Ikaw!” Di ako makapagsalita, masyado na akong naging madaldal simula nung dumating sila kanina. Di ako makagalaw, matagal na hinahanap? Akala niya ako? Yun pala siya? Oh my Dee! Para akong gaga. Ilang segundo akong natahimik, nag-iisip. Sasagot na sana ako ng may dinugtong siya na ikinayuko.

Tumawa siya ng mahina, halata namang pilit “At mabuti na rin yun na hindi ikaw, dahil kung ikaw yun. Mas lalo lang akong mahihirapang iwasan ka” Napaangat ang ulo ko at kunot noo kong tinanong sakanya ang tanging salitang naisip ko

“Mahihirapang iwasan, ako?” sabay turo sa sarili ko “B-bakit mo ako iiwasan?” Hinawakan niya ang magkabilang braso ko at mahina akong niyugyog. Siguro to put sense in my mind

“Dahil, dahil kahit alam kong may mga bagay na di pwede. Patuloy pa rin tumitibok ito” sabay turo niya sa kaliwang dibdib niya “Denise, lumayo ka na. Hanggat maaga pa” Di ko maintindihan. Lumayo ako, hanggat maaga pa?

“Bakit may due date ka ba? Sabihin mo lang at—“ Di ko na natuloy ang sasabihin ko ng niyakap niya ako, biglang bumilis ang tibok ng puso ko “Matt..” Tanging nasabi ko

“Denise, gusto kitang protektahan at alagaan, ayaw ko rin sanang layuan ka. Pero, masyadong komplikado” Matapos niyang sabihin yun, napaluwag ang mahigpit niyang yakap sakin at tinalikuran niya ko. Pero bago pa siya makalayo, humakbang ako at hinigit ang braso niya at sabay sampal sakanya

“Masyadong komplikado!? Matapos mong aminin ang nararamdaman mo, masyadong komplikado?! MASYADO KANG GAGO! Yan dapat ang sabihin mo!” Naiiyak kong sigaw, At..

At bigla akong nahulog sa kama. Napamura ako ng marealize na panaginip yun. Tapos hinawakan ko ang dibdib ko, mabilis ang tibok ng puso ko. Langya, totoo pala yun. Nangyari yun sa Star City, matapos ko siyang sampalin may salitang tumatak sa isip ko bago namin marinig ang sigaw ng mga taong nakakitang nahimatay nung oras na yun si Jade.

“Sige lang ilabas mo galit mo. Dahil sa pinasok niyo. Malabong, di kayo madamay. Nakigulo kayo, oo. Pero di namin kayo hahayaang masaktan at madamay. Kaya, please. Stay away from us, stay away from the Delinquents”

Bell rings, nagsitayo na kaming lima at lumabas ng classroom. Para kaming mga zombie, mga walang buhay kung maglakad. Last two weeks na ang nagdaan matapos ang nangyari sa Star City, ibig sabihin 4 months na kami dito, September na. Di ko alam kong anong nangyari nung last two weeks na Sunday sa kanila, pero halata naman may nangyaring di maganda. Napatingin ako kay Jade na balisa, nakalabas na pala siya ng Ospital. Nag-aalala nga kami sakanya dahil dalawang araw palang siya sa Ospital nun nang lumabas siya. Pinilit niya kasing magpa-discharge kahit na ganun ang sitwasyon niya, stress lang daw yun at pagod pero bukod sa sinabi niya naghihinala ako sa kinilos niya. Palagi siyang may dalang kit kasa-kasama niya at minsan humihiwalay siya saming apat. Weird pero di ko siya kayang kausapin tungkol dun, siguro nga stress lang siya.

Kaya hindi ko nabanggit ang limang Delinquents dahil hindi sila pumapasok, mag-two-two weeks na rin. Nakakalungkot dahil napabalitang, bumalik na sila sa dati nilang lugar o pwesto. Ibig kong sabihin, sa Leisure Room na sila nag-aaral, halos di na sila naming makita. Mas mabuti na siguro yun nang wala kaming poproblemahing lima. Hindi ko rin mahagilap ang makulit na Boyfriend ni Monique. nasabi niya rin kasi na nakitulog siya noong gabing yun sa Condo ni Grey para mahatid niya ito kinaumagahan sa Airport. Kaya siguro parang timang, walang tulog at panay ang check sa cellphone simula nun. Miss na siguro si Grey.

Mess with the DELINQUENTSTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon