May pagka-observant ang aking character dito. Malayo sa mga characters ko na may mga humor-iba ito. Kadalasan na nangyayari sa totoong buhay ang plot ng story na 'to. Pero may humor pa din. Bakit ko naisipang gumawa ng story about TINDER? Simple lang, yung mga classmate ko kasi, adik na adik na sa Tinder dahil doon daw nila hahanapin ang forever nila. E'di wow. Haha! Enjoy reading. San ay suportahan niyo at sana may mga maka-relate sa mga scenes and such!
PAALALA: Hindi po ito sponsored ng Tinder App
♡
MARIELLAPumasok ako sa school. As usual, walang bago. Sa sobrang high-tech ngayon, sa halip na libro ang makikita mong hawak ng mga classmate mo, cellphone o kaya iPad ang hawak. What's happening in this world? Hindi ko alam kung anong nakaka-adik sa paggamit ng cellphone. Hindi dahil judgemental ako, kundi dahil pinagti-tiyagaan ko ang Nokia 3210 ko na galing pa sa Ninong ko last last last decade pa, basta! Noong hindi pa uso ang mga touch screen. Maingat ang ako kaya hanggang ngayon, buhay pa siya. Jusko, palakihan o panipisan ang peg ng mga cellphone ngayon. Samantalang 'yung sa'kin, nakakahiyang ilabas kaya minsan kapag may group project at kinukuha nila ang cellphone number ko, ang ibinibigay ko ay number ko pa rin pero never kong inilabas ang cellphone ko sa classroom namin. Eh baka mapagkamalan pa nilang pamato 'tong cellpone kong matibay pa sa bato.
Naupo ako sa upuan ko. Tahimik 'yung iba, kinikilig 'yung iba, nagtitilian ang iba at ang iba naman, abala sa pinapanood sa mga phone nila. All over our room, hala sige! Cellphone! Bidang-bida. Kung sa twitter world, laging trending ang cellphone. Para ngang 'di na mabubuhay ang tao ngayon kapag walang cellphone. Pero iba ako. Nakaka-survive naman ako kahit walang touchscreen na cellphone. Hindi ako ignorante dahil college student na ako. Marami akong nasasagap na impormasyon, ganern. Katulad ng nakakapaglaro daw sa cellphone, nakakausap mo ang taong nasa malayo kapag may wifi ka. Hindi ko pa nga gets noon ang wifi. Ang basa ko pa d'yan noon ay wipi. At ignorante pa ako kung ano ang internet connection hanggang sa malaman ko na gamit iyon ay makakapag-facebook, twitter, instagram, google at kung anu-ano pa kahit cellphone lang ang gamit. Nakakatawa lang 'di ba? Ipagpatuloy natin.
Ang iba, sabi nakakapag-save ng pictures doon sa mga bagong cellphones ngayon. Iyong nokia ko kasi wala namang camera. Akala ko nga digital camera sinasabi nila, cellphone pala. Akalain mo nga namang lahat na ay nasa cellphone. Baka sa susunod pang mga taon, pwede ng magluto gamit ang cellphone. At may tawag pa sila do'n, maya't maya, konting kibot, may sisigaw ng, "selfie!" nalintikan naman. Sa sobrang vocal ng mga tao sa modern world, kahit wala ka sa uso, aware ka naman. Lalo na itong katabi ko, humahagikhik dahil may ka-chat. Mula pa noong isang linggo naririnig ko na ang sikat na chat chat chuva na iyan. Ang tawag nila-Tinder. Marami daw makikilalang gwapo roon, pwede kayong mag-meet personally kapag naka-close mo na ang tao. Ewan ko ba, hindi ko alam kung wala naman akong hilig sa mga ganoon dahil hindi naman ako naghahanap ng gwapo o talagang hindi lang ako nag-gaganon dahil para lang iyon sa mga high-tech na phone?
Sa sobrang observant ko, nakalimutan ko ng magpakilala. Kanina pa ako daldal ng daldal na parang close na tayo samantalang ni first letter ng pangalan ko ay hindi mo pa alam. I am Mariella Punongbayan. Hindi ako mayaman pero nakatira ako sa magandang bahay. H'wag mo ng tangkain pang isipin na ako si Cinderella dahil hindi. Bukod sa hindi ako prinsesa, nasa modern world tayo at alam nating hindi totoo ang fairy godmother. Pero, depende pa rin sa'yo. Sa Tita ko ako nakatira. Mayaman sila pero hindi nila ako ini-spoiled. Tama na raw iyong pinapakain nila ako sa araw araw, pinag-aaral sa magandang university at pinatitira ng libre sa bahay. Pagdating sa material na bagay, wala. Wala talaga. May pinsan ako, si Dina. Ang epilyedo niya ay Makulangan. Siya si Dina Makulangan. Pero siyempre, joke lang iyon. Dina Mendez ang pangalan niya, isa siyang brat na lagging masama ang tingin sa akin. Mabait kasi sa akin ang Daddy niya. Paano naman kasi, ako kaharap ko libro tapos siya palaging mga gadgets ang kaharap. Graduate pa naman ng UP si Tito at siya ang Cum Laude. Kaya umaasa siyang mama-mana iyon ni Dina kaso mukhang malabo. Allergic nga yata 'yan sa libro. Anyways, nai-kwento ko lang siya dahil talaga namin parang Cinderella ang peg ko, pero sabi ko nga kanina, hindi talaga. Ella, ang palayaw ko. Ulila na ako at inampon ako ng Tita at Tito ko.