Chapter 12.
PI. PI. PI talaga. Ayokong magmura. Ayokong sabihin 'yung buong word ng mura kaya hanggang PI lang talaga ako. Si paminta kasi, e.
Isang araw na ang nakaraan matapos ang araw na 'yon pero lutang pa din ako. Iba ang epektong dala sa akin ni Pepper.
Una, iyong gwapo pala siya. Pangalawa, artista pala siya. Pangatlo, gusto niya ako. At panghuli gusto niya akong ligawan.
Kumusta naman iyong feeling na liligawan ka ng isang gwapong artista? Ang haba naman ng buhok ko. Paano nangyari ito? Parang hindi kapani-paniwala, e.
"Uy, Ella. Kanina pa kita kinakausap. Lutang ka?"
Napatingin ako kay Frances. Wala pa akong pinagku-kwentuhan ng tungkol kay Pepper kasi ang hirap i-explain at sigurado akong hindi nila ako papaniwalaan. Pero kasi, parang kailangan ko itong mailabas at kailangang mai-share.
"Ano ba 'yon?"
"Tinatanong kita kung tapos ka na do'n sa project natin."
Actually, natapos ko na siya. Nai-type ko na siya sa microsoft word at tapos na lahat lahat. Ipi-print nalang kapag ipapasa na.
"Oo. Ikaw ba?"
"Talaga? Buti ka pa. Sinong na-interview mo? Anong work?"
Sasabihin ko ba? Kasi, e. "Artista."
Nanlaki ang mga mata ni Frances. "Omg. Artista?! Sino 'yan? Daniel Padilla? James Reid? Enrique Gil?"
Tumawa ako. "Clue, may teleserye siya ngayon."
Lalong nanlaki ang mga mata niya. Sinipat niya ang noo ko. "Wala ka namang sakit 'di ba, Ella? Seryoso ka ba sa sinasabi mo? Hindi ka ba nag-i-imagine lang? Ayos kalang?"
"Seryoso ako."
"Holy bricks! So it's true?! I cannot! Artista, na-interview mo?! Paano? May selfie ba kayo? Patingin naman!"
Sa lahat naman, nalimutan ko palang makipag-selfie kay paminta. Pero sabagay maiisip ko pa ba 'yon? E pagkatapos kong um-oo sa kaniya na ligawan niya ako, nagmadali na akong umuwi. Pinahatid niya ako sa driver niya at...
At PI ulit! PI talaga. Hinalikan niya ako no'n sa pisngi.
Pakiramdam ko, isa na akong ganap na dalaga. Ganito pala ang feeling na para kang high dahil sa kilig? Kaloka. Kahit kailan, hindi ko pa iyon naranasan.
"Wala pala kaming selfie."
"E? Paano ako maniniwalang artista nga ang na-interview mo?"
"Hindi mo naman kailangang maniwala, Frances, e."
"Kaloka ka. Sinong backer mo? Paano ka nakalapit sa artista? Waaa, kainggit. Paano?"
Paano nga ba? Sa Tinder? Dahil sa Tinder? Susme.
"E, secret." Natuto na akong mag-secret ngayon. Nang dahil kay Pepper.
"Grabe, Ella. Nasaan ang hustisya? Naka-interview ka ng artista! Napaka-swerte mo naman! Ikaw na ang pinagpala!"
Kung alam mo lang Frances. Iyon palang naka-interview ako, ganyan na reaction niya. Paano pa kaya 'pag nalaman niyang nililigawan ako ng isag artista?
"Tumahimik ka na nga. Ikaw talaga." Sabi ko. Wala akong balak ipagmayabang sa kanila na nililigawan ako ng isang artista pero parang nakaka-proud din. Parang mapapatanong ako sa sarili ko ng..
Ganoon ba kalakas ang karisma ko? Ganoon ba ako ka-ganda? Ganoon ba ako ka-appeal? Para kasing hindi naman ako makapaniwala. Napaka-simple ko. Kahit pananamit ko, nakapa-simple lang din. Kumbaga, nothing special. Pero heto, talagang nililigawan ako ng isang artista.