Chapter 5

37.4K 1.4K 284
                                    

MERIELLA

Para akong timang na tingin ng tingin sa cellphone ko na touchscreen. Naks! Hanggang ngayon, hindi pa din ako maka-move-on na touch screen na ang phone ko. Namahinga na ang 3310 phone ko. Kailangan naman na talaga niya ng pahinga dahil gamit na gamit na siya. Tulad lang din ng tao, kapag pagod na pagod na, kelangang magpahinga.

Anyway, bakit ako tingin ng tingin sa phone ko? Naghihintay lang naman ako na i-chat ako ni Pepper sa Tinder. Sabado kasi ngayon. Hapon na at halos nagawa ko na lahat ng dapat ko gawin. School stuff like paperworks at pati project ng iba kong classmate, nagawa ko na. Sa ngayon, wala na akong magawa kung hindi ang titigan ang picture ni Pepper sa Tinder.

Hindi ko masasabing gwapo siya kasi hindi talaga. Kumbaga, sinong babae ang papansin sa kaniya? Ganern. Pero no'ng nag-backread ako ng conversations namin, naramdaman ko 'yung guts niya. Kumbaga, do'n ko mas na-realize na hindi nga mahalaga ang looks ng isang tao as long as magkasundo kayo or napapagaan niya ang loob mo.

'Yung isa ko kasing kapitbahay narinig ko one time. Sabi niya, "OMG! Ang gwapo niya! Kailangan ko 'yang maging boyfriend!" Seriously, kapag gwapo, kelangan talaga i-boyfriend. Tapos kapag panget, hindi na? Nasaan ang hustisya. Walang taong perpekto. Oo nga't hindi lahat ay ipinanganak na gwapo o maganda pero hindi din tayo ipinanganak para manghusga ng kapwa.

Saan ka?

Sa gwapo na ubod ng bastos at babaero o sa panget na tapat magmahal?

Aanhin mo ang gwapo? Aanhin mo ang maganda nilang katawan at lakas ng appeal kung bastos at walang respeto ang ugali nila? Wala. Patapon lang din. Maganda sa panlabas na anyo pero sa panloob, pangit.

Minsan, makasalanan talaga ang mga mata natin, e. Mapanghusga.

Beep..

Nagitla ako nang mag-beep ang phone ko. Jusko, bakit ba ako kinakabahan ng ganito? Tiningnan ko kung anong dumating. Kung notification, chat o text ba. Isa lang kasi ang tone nitong phone na ito. Hindi na ako nag-abalang ibahin pa.

Napalunok ako nang makitang sa Tinder ang notification ko. Sino, sino, sino? Bigla akong naguluhan sa nararamdaman ko. Bet ko yatang makitang si Pepper ang nag-chat. Well, siya lang naman ang nakaka-chat ko, so far, na may sense at interesting.

Message from Pepper.

Ayan na nga, ayan na! Kalma, Ella. Kalma lang.

Pepper : Hi, Ella ko.

Ngumiti ako. Online na ang paminta. It's chat time! Ano naman kayang magiging usapan namin ngayon. May sense kasi siyang kausap and ang light ng personality niya based sa pakikipag-interact ko sa kaniya thru chat.

Me : Ella Punongbayan ang full name ko. Hindi Ella Ko.
Pepper : Slow mo talaga. Oo nalang. Kumusta?
Me : Ayos lang. kakatapos lang gumawa ng mga projects and other school stuff.
Pepper : Sipag mo naman. For our future?

Hanudaw?

Me : For our future? Hindi. For my grades.
Pepper : Nagkakamot ako ng ulo ngayon, Ella. Seriously.
Me : Bakit, may kuto ka?
Pepper : WTF. Hahahaha! Lakas, Ella. Lakas mo mambara, slow ka pa. nasa dean's lister ka ba talaga?
Me : Bakit? Grabe naman 'to. Oo, nasa dean's lister ako.
Pepper : May sense of humor ka ba?
Me : Medyo? Depende. Bakit mo natanong?
Pepper : Nothing. Just asking. Anyway, what are you doing right now?
Me : Chatting with you?
Pepper : Sabi ko nga. Hay, Ella.
Me : O, bakit?
Pepper : Wala. I want to ask you something.
Me : Sige lang.
Pepper : Are you single? Do you have a boyfriend?

TINDERellaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon