Chapter 3

36.4K 1.3K 313
                                    

MERIELLA

Napangiti ako ng maisulat ko ang huling salita sa aking reaction paper na kailangang ipasa bukas. Assignment kasi namin ito, ang tanong sa reaction paper, "Naniniwala ka ba sa forever?", gusto kong matawa hindi dahil sa tanong kung hindi, anong connect nito sa subject kong Chemistry? Anyways, gusto niyo bang malaman ang sagot ko? Well, oo. Hindi naman ibig sabihin ng forever is laging sa pag-ibig. Maraming pwedeng idikit sa salitang forever. Pwedeng forever nanghihingi ng papel tulad ng classmate ko na sa tuwing may quiz, "Pahinging ¼" Ganern. Pwede ring forever buto-ang kinakain ng mga aso ng kapitbahay namin. Pwede ring forever Chemistry ang itinuturong subject ng professor ko. Pwede ring forever favourite ko ang chocolate marshmallow na nabibili ko sa tindahan sa subdivision na tinitirahan ko. At pwede ring forever crush ko nalang si Coco Martin dahil hindi ko siya ma-reach. And last, forever love ni God sa ating lahat, that's the true definition of forever for me.

Tama na sa salitang forever, dahil kahit naniniwala ako sa forever, wala pa ring forever sa Tinder-na kinababaliwan ng mga classmates ko.

Itinago ko na ang mga gamit ko sa bag ko. Saka tumayo. Naupo ako sa kama ko saka tiningnan ang touchscreen phone ko. Naks, touchscreen na talaga. Pero 'wag kayo, mahal ko pa din ang nokia 3310 ko-itinago ko lamang siya. 'Pagtingin ko, may new messages sa Tinder. At totoo, bigla akong kinabahan sa hindi ko malamang dahilan. In-open ko iyon.

New message from Pepper

Pepper? Ah ito 'yung huli kong ni-heart kagabi. Naalala ko siya dahil sa mala-paminta niyang pangalan. I opened his message at nang ma-open 'yun, may nakalagay na..

You're matched with Pepper

Oh, may nag-heart back pala sa akin. May ilan din pero 'yung iba, walang message. Nag-heartback lang sila. Eh ayoko namang ako ang unang magcha-chat. Ako ang babae eh. Sa ganitong pagkakataon, hindi applicable ang 'ladies first", dapat lalaki ang maunang mag-chat para hindi mukhang desperada.

Tiningnan ko 'yung oras sa phone ko, 10:58. Ginabi na rin pala ako sa pagtatapos ng mga assignments and reaction papers na ginawa ko. Meron din kasi akong classmate na nagpagawa sa'kin. Hanggang ngayong mga oras na ito ay walang nagcha-chat sa'kin. Aba, aba. Ako ba dapat ang maunang mag-chat? Hindi, hindi.

Ipinatong ko sa side table ang phone ko saka tumayo. Tumungo ako sa CR para mag-half-bath para fresh 'pag nahiga na. Sana mamaya, may mag-first move na sa pag-cha-chat para maranasan ko na ang Tinder at nang maintindihan ko na kung bakit kinababaliwan ito ng mga classmates ko-specially girls.

Pagpasok ko sa banyo ay naghubad na ako ng damit. Binuksan ko ang shower saka nagsimula ng maligo. Hindi ko maiwasang maisip kung bakit nga ba hanggang ngayon, single pa rin ako? Enebe! Nagsimula lang akong mag-tinder, naisip ko na ang bagay na'to? No way. Single ako kasi 'di ko pa nakikita ang taong nakalaan para sa akin. Hindi pa tumitibok ang puso ko sa kahit kaninong lalaki. Ang love, hindi naman 'yan minamadali eh.

'Yung kapitbahay kasi namin sumigaw, narinig ko lang. Sabi niya, "OMG, 18 na ako. Kailangan magka-boyfriend na ako!", at dahil doon, napaisip ako. May batas bang dapat kapag 18 years old kana, may boyfriend ka na? Kalokohan. Ano 'yun, uutusan niya ang puso niyang ma-inlove kung kani-kanino basta magka-boyfriend lamang siya, kasi nga 18 na siya? Hindi ko maintindihan kung bakit ganoon. Hindi ba't ang love, kusa 'yang nararamdaman. Walang pinipiling oras, lugar, tao at panahon. Basta titibok ang puso natin. Hindi iyan basta bagay na ipipilit mo. Pipilitin mo ang sarili mong ma-inlove? Very wrong! Kung sa calculator, syntax error 'yan. Kaya maraming naghihiwalay eh. Kasi minamadali nila. Kumabaga, nagka-text lang, nagka-kiligan then kinabukasan sila na. Jusko! Dati nga kinakailangan pang magsibak ng kahoy at mag-igib ng tubig ang mga lalaki bago maka-akyat ng ligaw pero ngayon, isang kindat lang, gora na agad. Honestly, hindi ako naniniwala sa love at first sight. Sa second sight, baka pa. Pero malabo din. Maaari na nagkaroon ng atraksyon sa unang kita pa lamang, pero hindi mo masasabing love agad 'yun. I'm sure, mata ang tumibok no'n, at hindi puso. So dapat, 'Like at first sight", yan ang tama. According to my own opinion lang naman. 'Yung iba kasi, masabihan lang na inlove sa kanila ito, ganyan, bibigay na agad. Ki-kiligin at o-oo agad kasi nga inlove daw sa kanila ang opposite gender nila. Napaka-labo, ano? Panahon nga naman oh. Modern world nga ba? O failed world?

TINDERellaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon