Chapter 13
KINAKABAHAN ako. Kasi nasa labas si paminta, naghihintay. Iba ang ganitong pakiramdam. Kahit kailan, hindi ko pa nararamdaman ang ganito.
Dati naman, kalmado lang ako. Pero ngayon, natututo na akong kabahan, at 'yong pakiramdam na hindi mapakali.
"Hoy, Ella! Hindi ka pa lalabas?" Tanong ni Frances. Naglalabasan na sila ng room pero mas gusto kong magpahuli. Ayoko kasing may makakita sa akin na mga kaklase ko.
"Ah, mauna na kayo. Aayusin ko pa 'tong gamit ko." Sabi ko. Kahit ang totoo, sinadyan kong ilabas ang mga books ko para lang kunwari ay may ayusin ako.
"Hindi, hintayin na kita."
Nanlaki ang mga mata ko. "A-Ah, hindi ba, magmo-mall pa kayo? Sige na, una ka na. Baka hinihintay ka na nila Nichole." Sabi ko.
"Oo nga pala. Sige, mauna na ako ha! Ingat, Ella!"
"Ingat!"
Nakahinga ako ng maluwag. Ganito pala 'yong feeling kapag may tinatago ka. Siguro ganito din 'yong feeling nung mga kabataan na tinatago ang boyfriend or girlfriend. Tipong patago magkikita. Tapos iiwas sa lahat para hindi makahalata na may kikitain ka. Mahirap pala at nakakakaba. Pero minsan, hindi talaga natin maiiwasan maglihim lalo na't kailangan.
Kailangan talaga. Kumusta naman 'yon? Artista lang naman ang kakatagpuin ko.
Nagtext na si paminta na nasa labas na siya ng school. Dumiretso daw ako sa kotseng itim na nakaparada malapit sa coffee shop sa tabi ng school.
Baka kasi kapag may makakita sa aking kaklase ko ay magtaka sila kung bakit sasakay ako sa isang mamahaling kotse. Though, alam naman nilang mayaman ang Tito ko, at minsan nakakasabay ako sa pinsan ko sa kotse nila ay kapag papasok lang at hindi sundo. Mas sanay silang makita akong nag-aabang ng jeep tuwing uwian.
Tinapos ko na ang pag-aayos ko ng gamit ko. Huminga ako ng malalim saka sinaraduhan ang bag ko. Ayos na lahat. Lalong lumalakas ang pagkabog ng dibdib ko.
First time ko na susunduin ako dito sa school ng isang lalaki at manliligaw? Iba talaga ang feeling.
Tumayo na ako at sinakbit ang bag ko. Ako nalang ang naiwan dito sa room namin. Samantalang nuon, ako lagi ang nauuna sa paglabas ng room kapag uwian na. Nasa unahan lang naman kasi ang upuan ko kaya malapit lang ako sa pinto.
Paglabas ko ng room ay marami ng nagsisilabasan na mga estudyante. Oras na kasi ng labasan. Bumaba ako sa first floor saka dumiretso palabas ng gate.
Habang naglalakad ay para akong tanga na super alerto. Dahil baka may nagkakalat na kaklase ko.
Natanaw ko ang itim na kotse ni paminta. Mas lumakas pa lalo ang pagkabog ng dibdib ko. Ipapakonsulta ko nga sa doctor 'to.
Huminga muna ako ng malalim bago tuluyang lumapit sa kotse at kumatok sa bintana. Para tuloy akong 'yong mga badjao na kumakatok sa bintana ng mga sasakyan at nanlilimos.
Nagbukas ang pinto sa likod kaya sumakay na ako. Hindi na ako tumingin pa sa kung saan kasi baka may makakita pa sa akin.
"Hi, Ella!"
Napahawak ako sa dibdib ko. Nakakagulat 'tong si paminta. Ngiting-ngiti ba naman na halos magdikit na ang mukha namin. Magkatabing magkatabi kasi kami.
"H-Hi." Alanganin akong ngumiti. Kung kanina kumakabog lang ang dibdib ko sa kaba, ngayon ay kakaibang pagkabog na---na hindi ko alam kung ano.
"You looked tense. Are you okay?"