MERIELLA
Nakakamangha. May touchscreen phone na ako-nakakaproud pa dahil hindi ko ito hiningi kundi dahil ito sa kabutihang ginawa ko. Parang sa mga magical stories lang. Iyong mga gumagawa ng kagandahan sa kapwa tapos biglang may lalabas na fairy, at bibigyan ka ng kahilingan.
Narito ako sa kwarto ko. Aminin ko man at hindi, na-excite ako sa new phone ko. Ito 'yung bagay na masasabi kong sa akin talaga. Sinuri ko ang box. Nakasulat ang My Phone Rio 2, naks! Kilalang brand din ito, sa pagkaka-alam ko. At talagang touch screen siya. Walang biro. Search niyo pa sa google. Binuksan ko ang box. Nanginginig-nginig pa ako dahil sa excitement at kaba-dahil hindi ko alam kung paano ko sisimulang gamitin ang phone na ito. Hindi naman ito katulad ng nokia 3210 ko na napakadaling gamitin. Hindi complicated. Ang mga cellphone kasi sa panahon ngayon, parang relationship status sa facebook, it's complicated.
Nang mabuksan ko ang box ay bumungad na agad sa akin ang touch screen phone. May color pa ang casing niya-kulay red. Hindi ko favourite color pero choosy pa ba ako? Pagkatanggal ko ng nakahigang cellphone sa loob ng box ay naroon sa ilalim ang charger nito at may headset pa. Pawang naka-plastic pa. Kinuha ko iyon isa-isa at inilabas lahat sa box. May manual guide pa. Tiningnan ko ang maliit na papel na may guide kung paano gamitin ang cellphone. Tumango-tango ako habang binabasa. Binuksan ko na ang cellphone. Nakaka-3xcite. Napakalayo ng kalakihan ng screen nito sa kumpara sa nokia 3210 ko-aw, magkakahiwalay na pala kami. Wala nga pala talagang forever. Pero dahil mahal ko ang nokia 3210 ko, at dahil sa tagal ng pinagsamahan namin-matagal pa sa relasyon ng katulong at driver ni Tita, hindi ko siya agad-agad makakalimutan kaya itatago ko nalang siya.
Nang mabuksan ang cellphone, nakakapanibago. Makulay kasi hindi tulad ng nokia 3210 ko na black and white-parang mga TV dati, black and white pero para sa'tin maganda na iyon-iba na talaga ang panahon ngayon. Modern world, ika nga nila. Nakakasilaw ang linaw at brightness ang cellphone na ito. Hindi tulad ng nokia-oops, tama na ang paku-compare. Nasasaktan na ang nokia 3210 ko. Kahit naman tayo, ayaw na kino-compare sa iba. Basta ang sinisigaw ng nokia 321o ko, siya ang original, siya ang una-kung sa asawa, siya ang legal wife. Nagjo-joke ako, tumawa kayo.
Sinubukan kong i-tap ang screen, at promise, nangangain ito ng tanga. Lalo't first time. Nakakatakot gamitin dahil hindi ako marunong. Mabuti pa, dalhin ko nalang bukas at magpapaturo ako kay Frances. Mahirap na. Baka masira ko pa-kabago-bago.
Itinabi ko ang phone sa bag ko para hindi ko makalimutan bukas. Baka kasi akalain kong nananaginip lang akong may touch screen na akong cellphone. Kinuha ko ang nokia 3210 ko na kung may mata lang ay alam kong lumuluha na, at kung may bibig lang ito, nagsalita na ito ng, "Ganyan ka, porket may bago, kinakalimutan mo na'ko", tagos 'diba? Pinindot ko ang keypad. Tumutunog-tunog pa ang bawat pagtipa ko sa keypad nito hindi tulad sa touchscreen na walang tunog dahil tap lang-hindi type. Nakita kong may text si Frances.
ELLAAAAAAA! Omg. Kami na ni Gab. Kinikilig ang lola mo!
Napailing ako. Agad-agad, nagging sila na ng Gab na iyon? Hindi pa nga sila nagkikita. Hindi ko talaga maintindihan kung bakit iyong sagradong "oo" dati na kailangan pang magsibak ng kahoy, magpalakas sa mga magulang ng babae bago makuha, walang kahirap-hirap na nakukuha ng mga lalaki ngayon. Sinabihan lang ng I love you, may forever na agad sila. Pero lalong di 'ko maintindihan kung paano ko naging lola si Frances. Nagkibit-balikat ako.
Nireplyan ko si Frances.
Agad-agad? Rush hour ka 'te? Uso mag-isip at magpakipot. Aral muna.
Na-send na ang text ko. Hindi ako excited sa reply niya dahil hindi ako ganoon ka-sipag magtext. May gagawin pa akong report para bukas kaya itinago ko na ang phone ko sa bag ko-kasama ng touchscreen.