Chapter 9

24.8K 1.3K 520
                                    

Chapter 9

Ito iyong araw na pinakahihintay ko. Hindi dahil excited ako kung hindi dahil kinakabahan ako. Myerkules ngayon. Guess what? Anong mayroon sa araw na ito? Mabuti na lamang at hindi ganoon kahalaga ang araw na ito sa school. Kumbaga walang quiz, walang assignment at wala namang gaanong mawawala sa akin kapag um-absent ako ngayon. Para sa project ko naman ang gagawin ko kaya hindi ako papasok ngayon. Hindi lang basta basta gagala lang at magla-lakwatsa.

Tiningnan ko ang itsura ko sa salamin. Mukha naman akong disente at maayos naman ang suot ko. Nakalugay lamang ang buhok ko at naglagay ako ng clip sa gilid. Gumamit lamang ako ng powder at lip balm. Ayos na ito. Hindi ako pupunta sa party para mag-make-up or kung ano man. Nagsuot lamang ako ng simpleng skinny jeans at blouse na kulay abo.

Tumunog ang phone ko at rumehistro sa screen ang pangalan ni Frances. Sinagot ko agad iyon.

"Hello?"

"Oy, Ella! Nasaan ka? Andito na si mam."

Huminga ako ng malalim. I'm sure, hindi makakapaniwala itong si Frances sa gagawin ko. "Absent ako."

"Oh my. What the evergreen chenes chuvarlu! Ikaw? Ikaw, si Ella? Si Ella? Si Meriella Punongbayan, absent? What happened? Anong nangyayari sa mundo? May zombie apocalypse na ba?!"

Naningkit ang mga mata ko habang nakikinig kay Frances. "OA mo sa part na 'yan."

"Grabe siya. So, totoo nga? Absent ka?"

"Oo nga."

May mga tao talagang magtatanong tapos kapag sinagot mo, hindi pa agad maniniwala na akala mo nagbibiro ka o nagsisinungaling.

"Bakit nga? May nangyari ba? Emergency?"

"Wala."

"So anong dahilan? May boyfriend ka na? At ngayon, may date kayo? OMG!"

Ang lawak ng imagination. Kapag absent ba, at hindi emergency ang dahilan, maaaring boyfriend agad ang dahilan?

"May lakad ako. Para sa project natin."

"Oh. Pero bakit hindi mo gawin sa saturday? Or sunday?"

"Kasi ngayon available iyong napili kong tao for interview." Paliwanag ko.

Bakit ba ako paliwanag ng paliwanag? At bakit ba kinakausap pa din ako ni Frances kung andoon na si mam?

"Kaya pala."

"At ikaw, bakit hindi mo pa tinatapos ang tawag kung andyan na si mam? Sige na. Makinig ka diyan." Sabi ko.

"Oo na! Psh. Goodluck sa interview!" Aniya.

"Thanks." Namatay na ang tawag kaya binalik ko ang phone ko sa bag ko.

Huminga ako ng malalim. Ano kayang mangyayari sa unang pagkikita namin ni paminta? Nakakakaba talaga. Hindi ko alam kung bakit ganitong kaba ang nararamdaman ko.

Tiningnan ko muna ulit ang phone ko bago umalis. May message pala ko from Tinder.

Pepper: See you later. Give me your number para ma-text kita.
Me: Okay. 09090909099.

Grabe ang kabog ng dibdib ko. Normal pa ba talaga ako?

Pepper: I'm excited to see you.

Ako din? Excited ba ako? Kinakabahan ako, e. Kumusta naman kaya ako mamaya kapag kaharap ko na siya?

Me: Ako din. See you later.
Pepper: Alright. I'm off.

Hindi na ako nagreply. Nag-sign-of-the-cross ako. Gawain ko na kapag paalis ako ng kwarto ko, isa pa, para na rin kumuha ng confidence kay God.

TINDERellaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon