Chapter 15

35.8K 1.5K 905
                                    

Chapter 15. Last chapter

Narito na ako sa unit ni paminta. Sabi niya, ipagluluto niya ako. Na-excite ako, kasi no'ng una niya akong pinagluto masasabi kong para talaga siyang Chef dahil masarap ang luto niya.

Hindi ako pihikan sa pagkain pero pakiramdam ko, ang gusto ko nalang kainin ay 'yong luto niya.

"Ella."

Nag-angat ako ng tingin. Medyo nakakailang kasi, kaming dalawa lang nag narito. Nagpaalam siya kaninang magpapalit ng damit. Naka-jersey shorts at black shirt nalang siya ngayon. Ang gwapo niya pa din tingnan, aaminin ko 'yan.

"Hm, hindi ako pwedeng gabihin ha?" Sabi ko.

"Yeah. Gusto lang kitang maka-bonding today. And I want to cook for you, always. Sana araw araw." Kumindat pa siya sa akin.

At iyon, nagkaroon din ng epekto sa akin. Iba talaga siya. Ibang iba na tipong buong pagkatao ko ay apektado sa bawat gesture niya.

"Ah.."

"Relax. Manood ka muna ng TV while I'm cooking para hindi ka ma-bored. Alright?"

Tumango ako sa kaniya. "Take your time."

Lumapit siya sa akin. Nakaupo ako sa sofa at tumungo siya sa akin, napakalapit. Lumakas ang kabog ng dibdib ko. Ano...hahalikan ba niya ako?

"Here's the remote control." Binigay niya sa akin, galing sa gilid ng sofa.

Nakahinga ako ng maluwag. Akala ko kung ano na, e. Lumunok ako saka pinilit na pakalmahin ang sarili ko.

Pumunta na siyang kusina at naiwan ako dito sa living room niya. Hindi ko pa rin lubos maisip na heto, para kaming mag-on na nagsasama sa condo unit niya. Imagine, dalawa lang kami dito. Kung sabagay, may tiwala naman kasi ako sa kaniya saka alam ko na wala sa personality niya ang paggawa ng masama.

Saka paano ko ba naman siya hindi pagkakatiwalaan, e gusto ko na pala siya.

Balak ko na nga siyang sagutin ngayon dahil sabi nga ni Frances, iyon ang gawin ko kasi gusto ko na daw si paminta, at si paminta vocal naman siya na gusto niya talaga ako.

Masasabi ko bang swerte talaga ako kasi ang simpleng tulad ko, nagustuhan ng isang mataas na tao. Mayaman, artista, gwapo at mabait. Parang nasa kaniya na lahat ng gusto ng isang babae sa isang lalaki, e. Nakaka-proud na nakakailang din, kasi paano kaya 'yong time na ipakikila niya ako sa mga tao. Hindi pa naman maiwasan ang mga judgemental na tao sa panahon ngayon.

Sigurado akong hahanap at hahanapan nila ako ng butas para masiraan ako. Magkakaroon na ba ako ng bashers? Parang ayoko ng ganoon. Tahimik lang ang mundo ko.

Ayos lang naman sa akin kung hindi ipaalam ni paminta sa lahat. Mas mabuti nga iyong kaunti lang ang nakakaalam, e. Kasi hangga't maraming nakakaalam, marami ding makikialam.

"Ella?"

"Ha?"

"Tikman mo 'to." Sabi ni paminta na may hawak na sandok na mahaba. May parang sauce doon.

Inilapit nya sa bibig ko kaya tinikman ko na din. Ayokong mag-pabebe.

"Masarap?"

Tumango ako. "Masarap!" Sagot ko. Masarap naman talaga. Hindi ko nga lang alam kung ano 'yong pinatikim niya.

"Great. Malapit ng matapos, Ella. Wait for me." Aniya saka ako iniwang muli dito sa salas.

Napaka-swerte ko nga yata kay paminta. Imagine 'yong mga fans ng bawat artista na todo alaga sa idols nila, tipong handa nilang gawin ang lahat para sa idols nila, tapos ako, heto at iyong artista mismo ang gumagawa ng effort para sa akin na, sino ba ako? Simpleng babae lang ako.

TINDERellaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon