Chapter 7.
ABALA ako sa pagsasagot ng seatwork nang maramdaman ko ang pagkalbit sa akin ni Frances. Tumingin ako sa kaniya.
"Ella, anong sagot sa number two?"
I rolled my eyes. "Yung totoo, Frances? Essay 'to. Sariling sagot. Hindi kita pwedeng pa-kopyahin. Ano, ire-recite ko sa 'yo itong sagot ko? Ang haba haba nito saka baka sabihin pa ni mam, iisa lang ang utak natin at pananaw."
Napakamot siya sa ulo niya. Hindi kasi nakikinig, e. Paano ba naman, nagti-tinder. Nakabukas ang libro niya. Akala mo talagang nakikinig pero ang cellphone pala niya ay nakaipit sa loob ng libro. Para-paraan talaga, e.
"Hindi ko kasi alam ang sagot, e."
"Analize mo lang. Maiintindihan mo din. Saka sariling sagot mo naman 'yan. Kung ano ang pananaw at reaksyon mo sa tanong, iyon ang isagot mo. Okay?" Sabi ko saka tinuon nang muli ang pansin ko sa papel ko.
Hindi sa nagmamayabang ako. Pero mayroon talagang mga tao na kahit essay, ko-kopyahin pa. Kung nakikinig ka naman sa paliwanag ng professor mo, maiintindihan mo. Kaso ayun, tulad ni Frances. Lutang at masyadong busy sa pakikipag-chat. Ayan tuloy.
Hindi nakinig si Frances. Mahilig mag-tinder si Frances. Walang maisagot sa seatwork si Frances. Huwag tularan si Frances.
"Okay, class. Pass your papers. In a count of five..."
Ipinasa ko na ang papel ko. Nagmadalian pa ang iba sa pagsusulat sa mga papel nila. Mabuti na lamang at natapos ko ang sa akin. Makakauwi na rin sa wakas. Sino bang aayaw sa uwian? Pakiramdam ko nga kapag malapit na ang oras ng uwian, maiihi ako sa sobrang excitement. Nakaka-toxic din naman kasi ang maghapong pagtigil sa school. Nakakatuyot pa ng utak minsan.
"Tara, gala!" Yaya agad ni Frances sa akin.
Umiling ako. "Out ako ngayon. Next week na ang pasahan ng project natin. Kailangannko pabg asikasuhin iyon" paliwanag ko.
Malapit na ang bakasyon kaya nakaka-excite kahit wala naman akong puountahan sa bakasyon. Siguro dahil pahinga muna sa nakakadugong pag-aaral.
"Sus. Makasabi siya ng out, akala mo laging sumasama, e. Saka ano ka ba, next week mo nalang gawin 'yan."
Pinandilatan ko siya ng mata. "Ani, gagawin ko kung kailan pasahan na? No. No, muna. Babawi ako sa bakasyon." Sabi ko. "Mauna na ako sa inyo. Bye!"
Tinalikuran ko na sila at lumabas na ako ng room. Mahirap na, baka harangin pa nila ako.
Pasaway talaga ang mga 'yon. Sigurado ako, day before ng pasahan ng project, doon sila gagawa. Tipong pagpupuyatan pa nila. Pinapahirapan nila ang mga buhay nila samantalang mas masarap gumawa ng project ng mga one week before. Para 'di hassle saka para chill lang.
Paglabas ko ng university ay pumara ako ng jeep. Pagkasakay ko ay hindi gaano karami ang sakay. Kumuha ako ng barya sa coin purse ko saka nagbayad. Pero natigilan ako nang makita ko na naman si Kuyang uma-attack. Binawi ko ang kamay ko. Lumipat nalang ako sa kabilang side ng ipuan.
"Bayad po." Sabi ko sa driver.
Napatingin sa akin si kuyang uma-attack. Kumunot ang noo niya. Sigiro ay namukhaan niya ako.
"Musta? Um-aattack pa din? Umasenso na ba ang buhay mo diyan?" Sarkastiko kong tanong.
Alam kong para akong feeling close pero naiinis pa din kasi ako sa lalaki na 'to.
Tumawa siya. "Oo umasenso na ang clan ko." Sagot niya.
Aba't feeling close din itong si kuya. "May clan ka pa. Aba sosyal. Anong clan 'yan? Sa tribu ba 'yan?" Nakasimangot kong sabi.