Chapter 11

31.1K 1.3K 434
                                    

Wala akong portrayer na lalaki dito pero isipin niyo nalang si Mario Maurer si Pepper. Haha.

Chapter 11.

NAPALUNOK ako. Hindi ko kasi alam kung tutuloy pa ba ako, o hindi. Mali ang basta nalang magtiwala sa mga taong kakikilala mo pa lamang. Pero si Pepper, artista siya. Hindi naman niya siguro ako gagawan ng masama 'di ba?

"Hey, Ella? Are you okay?"

"Uh, pwede bang sa labas nalang tayo mag-usap?"

"I can't. Alam mo naman, Ella. I'm an artist and I can't just go in public."

Naiintindihan ko naman iyon. Pero kailangan ba talaga, sa condo niya ako dalhin? Natatakot din naman ako. Hindi naman porket gwapo at artista siya, mapagkakatiwalaan na siya. Hindi rin natin masasabi kung ano ang takbo ng isip nila. Baka mamaya ay bigla na lamang nila akong saksakin, ibenta ang laman-loob o kaya molestyahin. Ayokong isipin ang mga bagay na 'yan, pero hindi ko maiwasan.

"Pero kasi..." Ayokong isipin ni Pepper na easy-to-get ako, kumbaga para madali akong mapaniwala, ganoon. Baka mag-take advantage siya, tho, hindi naman ako kagandahan para pag-aksayahan niya ng panahon.

"Are you afraid of me? Kung sabagay, nangangagat ako.."

Nanlaki ang mata ko at napatingin kay Pepper sa tabi ko.

"Rawrrr!"

Naningkit ang mga mata ko. "Huwag mo nga akong biruin ng ganyan. Ano, kasi... Bagong magkakilala palang tayo. Hindi naman sa hinuhusgahan kita pero medyo hindi ko alam kung magtitiwala ako?"

"Aray, Ella. I'm harmless, okay? Kung gusto mo mag-hire tayo ng security guard sa building para mag-abang sa labas ng unit ko. Para kung may gawin man akong masama sa 'yo, isang sigaw mo lang, may tutulong agad sa 'yo."

Huminga ako ng malalim. "Oo na, sige." Pumayag na ako. Mukha naman siyang sincere at valid naman iyong dahilan niya, e. Artista nga naman siya at hindi pwedeng basta basta lamang siyang kumalat sa public lalo't kasikatan niya ngayon dahil sa ongoing teleserye niya.

Hay, hindi ko pa rin mapaniwalaang kasama ko si Pepper Chua---na napapanood ko minsan sa teleseryeng iyon, pero hindi ko agad napansin kanina.

"Good, don't worry. Hindi naman tayo magtatagal. I just, you know. Want to talk about you, your interview, and I want to cook for you."

Ang lakas ng kabog ng dibdib ko. Iba pala kapag kaharap mo na 'yong taong nakilala mo lamang sa chat, ang matindi lang no'ng sa akin, hindi ko in-expect na ganito siya ka-gwapo at ka-bigtime. Akala ko naman kasi, talagang hindi siya gwapo at simpleng tao lang.

"Ella..."

"H-Ha?"

"I'm really happy that I already met you."

Ayan na namana ng pagkabog ng dibdib ko na hindi ko maintindihan ang dahilan kung bakit patuloy itong kumakabog. Para saan?

"Masaya din ako." Sagot ko.

"You know what? Para akong batang na-e-excite kanina bago ka makita. No doubt, you're prettier in personal."

Napalunok ako. Pinupuri ako ng isang lalaking gwapong artista. Oo, pinupuri niya ako. Sinong mag-aakalang mangyayari ang ganito? Na ang simpleng babae ay makaka-chat ang isang artista at alam mong mahirap abutin.

Ibig sabihin ay hindi dapat mawalan ng pag-asa ang mga fangirls na mapansin ng mga idols and crushes nila na artista?

Kasi nangyari sa akin, e. Hindi ko man siya idol o crush, ando'n pa rin 'yong katotohanang nakausap o naka-chat ko ang isang artista. One of the most unbelievable moment of my life.

TINDERellaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon