Dahil perfect ko ang quiz, magse-celebrate ako mamaya. Kakain ako ng cornetto. Tama, cornetto lang, masaya na ako. Be-be-be-bente!
Kahit halos lagi akong perfect sa quiz ko, hindi ko 'yun pinagmamayabang, though, malaking bagay sa akin 'to. Siyempre para ma-maintain ko iyong grades ko at hindi ako matanggal sa dean's lister. Sayang din naman ang scholarship 'no!
"Ella, tara mall." Yaya ni Frances.
"Anong meron?" Tanong ko.
Sa akin kasi, kailangan laging may dahilan kapag magmo-mall. Kunwari, may bibilhin ako or gusto kong manood ng sine---kapag die hard fan ako ng particular movie. Hindi ako 'yung kapag trip lang manood ng movie, manonood na agad. Nagtitipid pa rin naman ako kahit may savings ako. Kumikitang pangkabuhayan ako sa mga classmates kong nagpapagawa ng projects and research, e.
"Magha-hunting ng boys!" Ngiting-ngiting sagot niya.
Tinaasan ko siya ng kilay. "Wow, naha-hunting na pala ngayon ang lalaki. Upgrading na talaga ang mundo, ano? Dati hayop lang ang hina-hunting, e."
She rolled her eyes at me. "Hay, naku Ella. Hindi literal na mangha-hunting. Means, magtitingin-tingin. You know.."
Nasapo ko ang noo ko. "Magtitingin-tingin? Ano 'yun, panindang damit sa ukay ukay, ganern? Alam mo, mas gusto kong tingnan 'yung picture ni Lee Min Ho sa likod ng notebook ko kesa mag-hunting ng boys."
"Ang KJ mo talaga, Ella!"
"Hindi ako KJ. Alam mo namang mahalaga sa akin ang oras ko saka ayokong gumastos."
"Duh, ililibre ko!"
Umiling ako. "Hindi pa din. May gagawin pa ako. Remember, 'yung project natin na sinabi kanina."
Sana online mamaya si Pepper kasi siya ang napili kong i-interview.
"Oo na. Ikaw na ang may time is gold." Inirapan niya ako. "Basta sa friday, sasama ka na sa mall ha. Magsho-showing na 'yung favorite movie natin!"
Ngumiti ako. Magsho-showing ang How to be a Single, at natatawa ako sa title. Hindi ko siya favorite. 'Yung mga actress na nasa casting ang favorite ko. "Alam ko." Sagot ko. "Sige na pumunta na kayong mall. Uuwi na ako."
Tumango siya saka hinila 'yung isa naming classmate. Kumaway siya sa akin, ganoon din ako.
Lumabas na ako ng campus at nag-abang ng jeep. Nakasakay naman ako agad.
Pag-upo ko ay napansin kong ilan lang kaming sakay kaya ang layo ng agwat namin nung isang lalaki na busy sa phone niya.
Kumuha ako ng coins sa purse ko saka inabot ang bayad ko.
"Bayad po!" Sabi ko.
Umaasa akong aabutin nung lalaking mas malapit sa driver. Pero abala siya masyado sa phone niya. Feeling ko naglalaro.
"Bayad!" Ulit ko. Medyo nilakasan ko pero hindi pa rin niya ako pinapansin.
Huminga ako ng malalim. Isang malakas na sigaw ang kailangan ko.
"Ba---"
"Sandali, miss! Uma-attack lang ako! Sandali!"
Nalaglag ang panga ko sa in-akto ng lalaki. Anong attack attack naman 'yon? Ano ba siya? Terorista?
Lumipat na lamang ako sa kabilang side at dahan dahang lumapit sa driver saka inabot ang bayad ko. Grabe 'tong lalaki na 'to hindi maabala. Uupo upo do'n sa malapit sa driver tapos hindi marunong kumuha ng bayad. Kainis.
"Asan na, miss?" Tanong nung lalaki.
Inirapan ko siya. "Ayos na. Umunlad ba ang Pilipinas sa pag-attack mo?"