Chapter Two

171K 5.8K 496
                                    

Mallory

Mom and Dad had always wanted a son. Pagkapanganak sa akin nakitaan ng bukol ang ovary ni mommy kaya kinailangan tanggalin iyon. Dahil doon hindi na ako nasundan pa, kahit plano talaga nilang magkaroon ng dalawang anak.

Maybe that was the reason they were so fond of Tisoy. Binabalik-balikan nila si Tisoy, sinasama nilang kumain sa labas pagkatapos namin magsimba. They bought him new clothes and a pair of slippers. He was a little cleaner now compared to the day we first met him, and he gained a few pounds too. Natutuwa sina mommy at daddy tuwing may nakikita silang improvement kay Tisoy. Hindi nila alam na nagseselos ako dahil may iba na silang binabalingan ng atensyon nila bukod sa akin. I felt like I was no longer the center of their universe. I hated that feeling. I started to hate Tisoy too.

"Hindi ka pa din ba umuuwi sa tita mo?" Tanong ni daddy habang kumakain kami.

Umiling siya habang ngumunguya. "Pinalayas na niya ako, saka ayoko na talagang bumalik doon. Gagawin na naman akong punching bag ng asawa niya."

"Saan ka nakatira ngayon?" Mom curiously asked.

"Wala, kahit saan lang. Kahit saan ako maabutan ng antok, doon ako na tutulog pero madalas nasa tabi ako ng simbahan."

"Nag-aaral ka pa ba?"

He shook his head. "Hanggang grade two lang ako pero kapag may nakukuha akong mga libro sa basura, tinatago ko yun doon sa gilid ng simbahan yung walang makakakita tapos binabasa ko. Lalo na yung libro sa eskwelahan. Natututo naman ako sa mga binabasa ko, ganun din naman sa eskwelahan. Kung ano ang nasa libro, yun din ang tinuturo nila."

"Gusto mo pa bang mag-aral?" Dad asked.

"Kung ako lang, syempre gusto kong ituloy yung pag-aaral ko kaso wala naman akong magulang na mag-eenroll sa akin, wala akong pangbili ng uniform, wala akong baon. Yung dapat na oras ko para sa pangangalakal para may makain ako mapupunta sa oras sa eskwelahan. Kaya hindi na lang." Kibit-balikat na sabi niya.

Dad smiled at him. "Alam mo, matalino kang bata. Sa pananalita mo pa lang alam kong matalino ka."

Tisoy smiled back at him, shaping off his pair of dimples. "Talaga? Ikaw pa lang nagsasabi sa akin niyan."

"Ako din. Tingin ko matalino kang bata." Mommy said and then she shifted her gaze to dad. "Kaya nga naisip namin na kung gusto mo, kung gusto mo lang naman, tumira ka muna sa bahay namin. Kami na ang magpapaaral sa'yo at magbibigay ng lahat ng kailangan mo. Sayang naman kasi. Mabait at matalino kang bata, we don't want it to go to waste."

Tisoy stopped, he looked shocked. And I was as shocked as him.

"I'm not going to share my room with him!" Nakasimangot na sabi ko.

"You don't have to share your room, honey. We still have two spare rooms remember? Tisoy can use one of it." Mommy tucked some lose strands of my hair behind my ear. I wanted to protest. Natakot ako na baka mabaling na ang lahat ng atensyon nila kay Tisoy. Hindi lang tuwing Sunday ako may kahati sa mga magulang ko, he'd be with us everyday. Paano kung mas mahalin nila si Tisoy kaysa sa akin? Paano na ako?

"But mommy, I don't want him to live with us." I whined.

The excitement on Tisoy's face disappeared.

Sandaling nagkatinginan sina mommy at daddy. Mom stroked my hair as I frowned at them. "Mallory, anak, maswerte ka kasi nakakapag-aral ka. Nandito kami ng daddy mo na nagmamahal sa'yo. Hindi lahat ng bata meron nang kung anong meron ka. Hindi maganda ang ganyang ugali. Masarap sa pakiramdam ang nakakatulong ka. Kung ikaw ang nasa posisyon niya, gusto ko rin may tumulong sa'yo katulad ng ginagawa namin ng daddy mo ngayon."

PrideTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon