Ikalabing-anim na kabanata //

3K 46 1
                                    

Chapter 16

"Toneitte?"
Sumigaw si Florence sa loob ng sala hinahanap si Tonyang pero hindi niya makita kong asan ito. Ni hindi din ito nagrerespond sa tawag. Nakita niya bigla si Sher.

"Sher, nakita mo si Toneitte?"

"Ah. si Tonyang po? Ang sabi niya saakin kanina pupunta daw po siya sa Garden para tignan iyong mga halaman."
Medyo blurred na paliwanag ni Sher dahil hindi niya expected na kakausapin siya bigla ni Florence, at mas lalong hindi siya makapaniwalang hinahanap niya si Tonyang.



Naliwanagan naman si Florence na nakuhang impormasyon. Kaya walang kagatol-gatol siyang pumunta sa Garden kong asan daw si Tonyang.
Hindi naman naging mahirap para sa kanyang hanapin ang dalaga dahil narin sa nakita niya itong nasa malapit sa gazeebo. Kaya lang laking gulat lang niya kong bakit ito nakasalampak sa lupa at may mga hawak hawak na first aid medicines. Naalerto siya saka lumapit kay Tonyang.



"Toneitte what happen?"
Medyo gulat si Tonyang ng biglang hindi niya namamalayang nasa likuran pala niya ang kanyang master si Florence, na sa una hindi niya maipaliwanag ang pagtawag nito na parang alalang alala.

"Ah.. Nangyari? wala naman po.."

"Toneitte don't be too humble, imposibleng wala. Eh may hawak kang First Aid kit."


Napatingin si Tonyang sa hawak.

"Ah ito po? Eh si Sir Karence po kasi may sumugod sa kanyang lalaki kanina. Nasuntok siya tapos nasugat. Kaya naman agad akong rumesponde tutal ako naman po iyong nakakita sa nangyari sa kanya."

"What?" parang hindi na masyadong nagugustuhan ni Florence ang nalalaman.


"..imposi--.. Eh ikaw, walang bang nasaktan sayo? o masakit man lang?" Halata na sa pagtatanong nito ang pag-aalala.


"Okay naman po ako." ngumiti lang si Tonyang sa kanya.

"Ah.. sige, ano.. Samahan mo ako."
Iwas na yaya ni Florence kay  Tonyang. Nagulat naman si Tonyang sa sinabi ng amo, hindi niya kasi expect na bigla itong magyaya..

"Samahan saan po?"


"sa drugstore." maiksi lang na pahayag ni Florence, saka tinulungan na si Tonyang sa pagliligpit para makaalis na sila at makabalik ng maaga.

Gulat na gulat naman si Tonyang sa biglaang pag-anyaya ni Florence sa kanya hindi niya lang sanay siguro ang masyadong close nito sa amo.
Pagdating nila sa parking lot ng Gotianan na malapit din sa mansyon, hindi maiwasang mapalibot ang mga mata sa buong paligid. Paano ba naman kasi mabubusog ang mga mata mo sa sobrang dami ng kotse ng magkakapatid. Hindi tuloy maidentify ni Tonyang kong saan dito ang kotse ng master niya.

"Sa Timog tayo bibili ng gamot, doon lang kasi available iyong medicine na iyon. Tapos Toneitte may malapit na convenience store doon, may ipapabili lang ako sayo. Mauna ka doon pagkapunta ko sa drugstore, then sunod nalang ako basta hintayin mo ako doon sa place na iyon okay?"

"Ah... okay.. okay po."

Tumango-tango lang si Tonyang ngunit hindi niya maiwasang putulin ang kanyang pagkaabnormal ngayon din na ang kaharap na niya ay ang pinakamagandang kotse sa balat ng lupa na nakita niya. Di niya mapigilang mapa 'wow'



Pumunta si Florence sa may Driver's seat ng bigla siyang may napansin.


"Where are you going?" Pansin niya kay Tonyang na binubuksan ang backseat door.

"Ah.. sasakay po." sagot naman ni Tonyang, na may question mark sa kanyang mukha.

"wag diyan, dito ka sa harap." He ordered with authority. Napatingin si Tonyang sa turo ni Florence saka bigla siyang napaisip. Isa lamang siyang hamak na mutsatsa at di dapat siya sumasakay sa mga mamahaling kotse gaya ng kotse ng kanyang amo. Dahil mahirap, papaano kong madumihan niya ito wala siyang pambayad.

"Sir, okay na po ako dito." Pangingiit niya. Sa sobrang kulit ng lahi niya hindi napigilan ni Florence na lumapit sa kanya saka kinuha ang mga braso biglang naalerto si Tonyang sa ginawa ng amo. Then binuksan naman ni Florence ang door ng Passenger's seat saka maingat na isinakay doon si Tonyang. Wala ng narinig pang explainations si Tonyang. At hindi narin siya nakatutol pa.


Umikot ulit si Florence saka pumunta sa driver's seat. Umaasa na si Tonyang na aalis na sila ngunit biglang napatingin sa kanya si florence, biglang bumilis ang tibok ng puso niya saka narinig ang mga katagang ito.

"Oh, you must wear your seatbelt." mali, mali siya ng expectation.
Bumuntong hininga nalang siya dahil sa seatbelt pero sa pagbuntong hininga niya biglang lumapit sa kanya si Florence at kinuha ang seatbelt sa side niya. Kahit sabihin niyang ang purpose ng ginawa ng amo niya ay para sa seatbelt hindi niya parin maiwasang kiligin.

Masyadong naintimate siya sa lapit ng amo niya sa kanya. And she could smell the heaven scent perfume of Florence.

"let's go." Florence uttered.



Naging masaya ang biyahe. Hindi maiwasan ni Tonyang na maamaze kahit EDSA lang iyong dinadaanan nila. First time din niya kasing lumabas ulit. Sa pag-apak niya sa manila noong kadadating niya dito hindi na siya nagkaroon pa ng time para makagala. At kahit hindi gala ang ginagawa nila ngayon, nabibigyan parin siya ng chance para matanaw ang manila.



Nakarating sila sa lugar na sinabi ni Florence. Nagpark ang binata malapit sa isang exclusive din na restaurant.  Dahil makapangyarihan ang Gotianan, nagbigay ng parking space ang manager ng restaurant kahit hindi sila kakain doon.

Nagpaalam si Florence na pupunta muna siya ng drugstore sabay bigay ng listahan ng bibilhing ingredients ni Florence. Mukhang ingredients iyong ng isang dessert. Itinuro din ni Florence ang lugar kong saan siya bibili.


quarter to 2, abala sa pakikipagbuno si Tonyang sa mga tinda doon ng napansin niyang may tumatawag sa 3210 niyang cellphone. At hindi siya nagkakamali sa kanya ang tawag na iyon.


KEZIAH..
CALLING..


Mukhang namimiss na siya ng taga roon kaya bigla sigurong napatawag ang mga ito.

>Hello?


>Okay lang ako dito Keziah, wag kang mag-alala, ikaw kamusta ka na diyan??


>Eh si nanay kamusta na?

Bakas sa boses ni Tonyang ang pag-aalala


Hindi umimik si Tonyang naiiyak siya.

<Anaak! Kamusta ka na diyan!? Kumakain ka ba ng sapat? Mababait ba sayo ang mga amo mo?

Halos gusto ng bitawan ni Tonyang ang luha niya sa mata sa pagkakadinig ng boses ng kanyang ina.

>Nay wag po kayong mag-alala okay lang po ako dito, mababait po ang mga amo ko. Kumakain din po ako ng sapat at natutulog ng husto.

nanginginig na ang mga boses ni Tonyang, hindi maipagkakailang may lungkot ng bumabalot sa tinig niya.



>Miss namiss narin po kita nay.

A tear fall from her left eye, pinahid niya iyon at nilakasan ang loob.


>Sige po nay. Kayo din po.

Saka wala na siyang narinig sa kabilang linya. Nakaramdam siya ng matinding lungkot. Ngunit kailangan niyang maging matapang, bukod sa ginusto niya ito may tao pa siyang dapat hanapin.

Lumunok siya para mawala ang pangamba na iyon sa sarili at muli sa pangalawang lunok niya..


KYAAAAH!
OMG!
AY!

Maraming sigaw ang narinig niya mula sa entrance ng convienence store. Naalerto siya sa una akala niya sunog, ngunit nong nakita na niya ang dahilan kong bakit sumigaw iyong mga  tao. Nanlaki ang mga mata niya sa gulat.

Si Sir Florence pala ang dahilan noong sigaw na iyon.. Nakita niya kong gaano kabasa ang polo shirt niya. Ang conclusion ni Tonyang ay tinaponan ng softdrinks ang kanyang mahal na amo, ng isang babaeng nakatayo sa harapan ng kanyang sir. Tinignan niya ito, at nakita niya ang hawak na bote noong girl.

that girl is totally awesome, and beside hindi inaakalang kaya niyang gawin iyon. Because of her appearance of sweetness and her glance that no guy could resist her charm. Maputi ito, at mukhang may lahing chinnesse dahil sa pagkakasingkit ng kanyang mata.


But Tonyang woke herself from a scene that she was watching. She need to go to her Boss and help her out of that scenario. Pumunta siya dala dala ang handkerchief niya, at buong puso niya itong pinunasan.

At sa pagpupunas ni Tonyang, biglang nagreact iyong girl.


"Hey miss, hindi ko alam kong saang lupalop ng convenience store nangaling at kong kilala mo ba iyang pinupunasan mo. Dahil if I were you lalayo ako sa lalaking iyan. Baka kasi magsisi ka pa habang buhay."

Pagmamataray noong girl, hindi maiwasan ni Tonyang na maconfuse, but hindi siya nagpadala doon sa sinabi noong girl. Amo parin niya si Florence. At kong ano man ang nangyari sa amo niya she should still there to help. 

After that umalis iyong girl, umalis narin si Tonyang at Florence sa lugar na iyon. Hindi narin inungkat ni Tonyang  ang nangyari kanina. At habang nasa biyahe sila hindi mapigilan ni Tonyang na mag-alala. lagi siyang sumusulyap sa nagmamanehong si Florence, at hindi naiwasang nahuli siya nito.

"Toneitte, I'm okay. Don't worry."

Ngiti ni Florence sa kanya, nagulat siya hindi niya expect na nahuli siya ng tingin nito.  Hindi nalang siya umimik at nagpatuloy nalang sa pagsisight seeing sa labas ng bintana..

"Toneitte," gulo ulit ng amo niya, gusto niyang wag itong pansinin dahil baka bigla siyang kiligin. Pero no choice siya.

"Po?"

"Naniniwala ka ba sa fate?"
Napakunot noo siya sa tanong ng kanyang boss.

"Fate?"

"Yap.. Fate, iyon iyong pinagtagpo ulit kayo ng taong matagal mo ng hinihintay, at minsan hindi mo naasahang makikita mo ulit"


napatigi siya, saka naalala iyong tatay niya..


"Sir, siguro ngayon hindi pa. Siguro maniniwala nalang ako sa fate kapag nahanap ko na siya."

nagulat si Florence sa narinig. Tinignan niya si Tonyang ngunit malayo na ang tingin nito.

Sinong "siya"?

***
A/N:

May side story po ang chapter na ito.. Please click the external link! :)
Gawa iyan ng mahal kong bebespren! <3

Kaya dedicated itong chapter na ito sa kanya, at hindi pa iyan nagtatapos. Dahil marami pang mangyayari kay Florence at sa girl na kaengkwentro niya. ABANGAN!

THIS YAYA IS INLOVE WITH YOU BOSSING ('wag munang basahin)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon