Ika-tatlongpu't isang kabanata //

2.3K 43 3
                                    

Chapter 31:

"Stress?" Napatikham si Kai noong oras na iyon habang gumawa na siya ng paraan para kausapin ang kapatid na si Terence. Dalawang araw pagkatapos ng party naging matamlay na ang kanyang kuya. Marahil dahil siguro parin sa nangyari sa pagitan ni Dianne at Tonyang.

"No." Maiksing reply ni Terence habang abala siyang nilalamutak ang pulutang nasa table at isang can beer.

"so dapat talaga hindi na iniinform yang Dianne na iyan para hindi na makapanggulo pa."

Alam naman talaga ni Kai ang puno't dahilan kung bakit naging matamlay ang kapatid niya. Hindi naman kasi siya manhid, mas lalong tanga. Alam niyang dahil iyon kay Tonyang. Ngunit hindi niya sinisisi ang dalagang nagpatibok ng husto sa puso ng kapatid. Sa totoo lang mas nanaig pa ang kasiyahan niya dahil may isang taong nagpapabago kay Terence. May isang babaeng nagiging dahilan ng pag-iinarte ni Terence. Sa pangalawang pagkakataon.

Umupo siya sa tabi ng kapatid. Kumuha ng isang can beer na nasa tabi ni Terence saka binuksan at ininom.

"Alam mo pwede mo namang isangguni ang problema mo saakin eh, matutulungan kita. Alam kong gulong gulo ka na, gusto mo ng mapakawala ang iyong nararamdaman pero wala kang masabihan, wala kang mapapagkatiwalaan. Ngayon andito na ako, para sayo. Paraa sayooo~"

Hindi alam ni Terence kong ano nanamang brand ng katol ang nahithit ng kanyang kapatid. Pero naging masaya siya doon. Noong una akala niya ang laki niyang bugok para hayaan lang ang minamahal niya na masaktan. Nagkulang siya, ngunit hanggang ngayon hindi niya masagot ang tanong sa kanyang isipan kung saan siya nagkulang.

Pagkatapos ng panahong kinalas ni Tonyang ang hawak ni Terence sa kanya parang iyon din ang panahong nakipagkalas na ito ng nararamdaman, masakit. Iyon ang unang pagkakataon na makita niya ang sarili niya na nasasaktan siya. Gusto niyang pagtawanan ang pangyayaring ito. Dahil buong buhay niya wala siyang nararamdamang sakit.

Sinundan niya ang kanyang prinsesa umaasa na maayos ang lahat, ngunit sa pagsunod niya mas lalong naramdaman niya ang pait ng buhay. Mas lalong dumilim ang puso niya, at hindi na pula ang dumadaloy dito. Nawalan siya ng lakas.

Nakita niya na niyakap ni Florence, ang kapatid niya si Tonyang. Nasaktan siya. Oo, hindi dahil nagyakapan sila ngunit dahil mas nakita niyang mas masaya ang mahal niya, mas secure ito, sa iba.

"Dude, hindi naman sa kinakampihan ko si Florence, pero kasi hindi ka pa handa eh. Oo binibigyan mo siya ng needs niya. I mean binibihisan mo siya ng magarbo, pinaganda, pinakain ng masarap. Pero hindi ibig sabihin noon napatunayan mo na ng buong buo ang pag-ibig mo sa kanya. Dude, take this advice better na ipakita mo sa kanya ang isang bagay na hindi nahahaluan ng karangyaan o pera. Lagi mong itatak sa utak mo ordinaryong tao lang si Toneitte, hindi sanay sa mga ganitong gawain natin. Awang awa nga ako sa kanya kagabi noong tinutuligsa siya noong pangit na Dianne na iyon eh, pero no choice kundi iyon talaga ang totoo."

Napakunot noo si Terence sa sinabi ng kanyang kapatid pagkatapos niyang ikwento ang nagiging dahilan ng pagiging matamlay niya.

"So what do you mean?", tanong ni Terence na hindi parin nagets kong anong nais sabihin ng kapatid.

"May nabasa ako na isang libro, Para kay B ang title sabi niya doon “Hindi mo pwedeng mahalin ang isang tao nang hindi mo minamahal ang hilaga, silangan, timog at kanluran ng kanyang paniniwala.“ Ibig sabihin, hindi mo pa talaga masyadong kilala si Toneitte para sabihin mo na sobrang mahal mo siya. Oo mahal mo siya, pero kilala mo ba kong saan siya galing, kung sino tatay at nanay niya, kong anong pangalan ng pusa nila, kung ilang taon na siya. Hindi. Dahil kapag nagmahal ka dude dapat alam mo kung sino siya. Kaya nga nauso ang panliligaw eh, para malaman mo kung anong gusto niya doon makakaroon kayo ng common thing." And Kai sipped his can beer and make him more energized.

THIS YAYA IS INLOVE WITH YOU BOSSING ('wag munang basahin)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon