Ika apatnapu't pitong kabanata //

1.6K 24 2
  • Dedicated kay To myself
                                    

Dedicated ito para sa sarili ko, wala lang para may thrill. Enjoy reading.

Chapter 47

Natapos ang mapayapang dinner sa pagbabati ng bawat isa ng "goodnight". Napagpasyahan din ni Tonyang na hindi na magpahatid kay Terence mula sa guest room dahil nais niya ay asikasuhin ni Terence ang ama. At sa ibang dahilan she feel so exhausted about the happening kani-kanina lang.

With the noise that come from the glass of wine because of the ice tackling between the surface of the glass. Nilibot ng mga mata ni Mr. Gotianan ang buong paligid ng mansyon. Nasa veranda siya that time at inaaksaya ang nalalabing oras bago matulog kasama ang bote ng red wine. Isa pa, hinihintay niya ang pinatawag na anak dahil matagal na silang hindi nakakapag-usap. Bumuntong hininga siya he admit to his self na sobrang namiss niya rin ang Pilipinas. Ilang buwan din siya sa New York para asikasuhin ang trabaho niya roon. Bussiness as usual.


"Pa, gusto niyo raw akong makausap." Naalerto ang sistema niya noong narinig niya ang tinig ng anak. Saka siya napangiti. Facing the whole ambiance of his mansion nilagok niya muna ang natitirang wine sa baso saka humarap sa nag-aabang na si Terence. At bago niya umpisahan ang talakayan nila ay inalapag niya muna ang baso sa malapit na lamesita. He took a deep breath.

"Nakakamiss pala din ang Pilipinas." He sighed. Nabigla si Terence sa narinig niya sa ama. He never expected na ganoon ang pabungad nito. Or baka may gusto pa itong ipahiwatig. Ewan, hindi din niya alam. Basta 'wag lang dumating sa point na pag-usapan ulit nila ang paglilipat ng pangalan ng daddy niya sa pangalan niya sa Gotianan Industrial Estate which is ayaw niya dahil magulo sa mundong iyon at wala doon ang kanyang passion. Kuntento na siya sa GT trading company na hinahawakan niya ngayon.

"Nakakamiss po talaga ang Pilipinas dahil may mga bagay ka na hindi mo kayang matatagpuan sa ibang bansa. At sa bansang nakagisnan mo lang matatagpuan." Ngiting mungkahi ni Terence. Hindi niya alam kong asa kondisyon ba ang sagot niya. Unti-unti ay nacoconvert ang usapan nila ito a father and son conversation. Napakasimple at witty. Walang bussiness affiliations, walang profit , capital o assets ang involve.
Bago pa man tumungon si Mr. Gotianan sa sagot ng anak ay nagsalin muna siya ng wine sa baso saka binigay sa anak.

Hindi naman tumanggi si Terence at tinanggap ang offer ng kanyang daddy.


"Alam mo Terence. Isa ka sa mga bagay na masasabi kong isang halimbawa ng sinagot mo saakin." Informal na sagot ng kanyang ama. Hindi siya sanay aaminin niya. Ngayon niya lang naranasan ito. He thinks that his father is in good shot today.

"Papaano niyo naman po nasabi?"

"Because you can't find your happiness in other place. You've find your happiness here. And I'm proud that you are finally moved on from the past that hurts you everytime that you're waking up. Nalungkot ako ng mga panahong hindi man lang kita masamahan o hindi man lang kita mapasaya bilang isang ama. Natatakot ako na baka magalit ka dahil sa mga pagkukulang ko. But seeing you with someone that you love must is the greatest thing that I can say I'm proud of." Sa lahat ng narinig niya ng oras na iyon, iyon na yata ang pinakadabest sa lahat. Pakiramdam niya ay nanalo siya sa kaso laban sa other companies. Pakiramdam niya ay siya na ang pinakaswerteng tao sa buong mundo.

"..and son, thank God you've finally grown up. Hahaha." pagbibiro pang hirit ng ama. Nakitawa narin si Terence. Now, alam niya na walang hadlang sa kanila ni Tonyang. Aaminin niya na naging kabado siya kanina sa pagpapakilala ng babaeng sinisinta niya. Mitikuloso at higit sa lahat background awared itong tatay niya. Ngunit hindi hadlang iyong estados ni Tonyang sa relasyon nila. Ngunit gusto niyang makasigurado. Sa huling pagkakataon gusto niyang tanungin ang ama.

"You mean that okay sa inyo si Antoneitte?".

"Of course. Wala namang problema sa kanya. Alam mo Terence kung iniisip mo na mitikuloso ako sa background ng mga taong makakasama mo sa buhay ay diyan ka magkakamali. And one thing ha, parang she has a similarities with Gabriella. Your best friend? Yeah, parang may hawig siya doon."

Napangiti nalang si Terence, napansin din pala ng ama niya na may pagkahawig sila ng best friend niya dati, ng minamahal niya dati.


"But anyway, Im so proud of you. Better to help Antoneitte about her dreams. Alam kong mataas ang pangarap ng batang iyon." For the last statement that Terence heard from his father he assure everything from that single promise. And that conversation ended when his dad taps his shoulder making him realized that for the first time ginawa iyon ng ama sa kanya. "Thank you Dad."



PINAGMAMASDAN ni Tonyang ang mga bituin sa kalangitan ng mga oras na iyon saka napatanong sa sarili, "May mahuhulog kayang bituin ngayon?" Dahil kung nagkataon gusto niyang magwish dito. Alam niyang kwentong bata lang ang mga ganoong habit pero naniniwala siya na may chance na matupad ang wish niya. Kinakabahan pa kasi siya kanina dahilan ng pagharap niya sa Lion ng Gotianan. Hindi rin siya makatulog dahil isa ito sa mga dahilan. Pangalawa naman ay hindi parin siya natutunawan sa sobrang dami ng kinain niya kanina. Kaya napagdesisyunan niyang tumambay muna sa Gazebo at magpalipas oras. Sakto, the sky is clear that time at hindi niya mapigilang mapatingala dito.

At habang pinagmamasdan ang mga bituin hindi niya mapigilang maisip ulit iyong mga nangyari kanina. Nakaramdam siya ng hindi belong sa group at hindi siya komportable sa titig sa kanya noong Icy. Pakiramdam niya ay nilalamon siya nito using the tingin thingy. At lastly naiirita siya sa hindi malamang kadahilanan. Habang abala siya sa pag-eextract ng mga nangyayari kanina ay abala din si Icy na lumilibot sa mansyon.

"Ilang buwan narin akong hindi nagagawa dito and it seems na napapabayaan na ng management na ingatan itong mansyon. Tsk." Hindi mapigilan ni Icy na laitin ang kalagayan ng mansyon. Ilang buwan narin siyang hindi nakakakabisita dito. At sa isang buwan na iyon ngayon lang siya nabadshot ulit. Nababadtrip siya dahil sa isang dahilan at iyon ay ang babaeng feeling niya umagaw sa kanyang iniirog na si Terence.

"Ugh." She rolled her eyes pag naaalala niya iyon. Lalo na noong proud na pinakilala ito sa buong pamilya Gotianan. At dahil doon mas lalong uminit ang kanyang ulo at upang hindi sumabog ang kagandahan niya ay ibabaling nalang niya sa maid na napadaan sa likuran niya.


"YOU!!" Mabilis niyang point sa naglalakad na maid na agad nafreeze dahil sa tawag ni Icy. Nagulat si Janice, ang maid na dinuro ni Icy.

"Bakit po?" Kaya sa sobrang gulat at takot ay nanginginig pa ang boses nito na kausapin ang babaeng nagpoint out sa kanya.

"Ilang buwan ka na dito sa mansyon?!" Walang gana ngunit may halong inis sa boses ng dalagang masungit. Pakiramdam tuloy ni Janice ang maid na napadaan na mayroong red tide itong si Icy.

"Mga limang buwan na po akong nandito."

"So naabutan mo iyong babaeng yagit na iyon?" Describe niya kay Toneitte with irration level sagad sa bones.

"Sino pong babaeng yagit?" Inosenteng tanong ni Janice na mas lalong nagpainit ng ulo ni Icy. She rolled once again her eyes kulang nalang ay para itong roleta sa ikot.

"Ganyan na ba talaga kayo? Mahihina ang ulo? Oh God, Ang babaeng yagit is yong girlaloo na basta nalang nag-'hi' dito sa mansyon para agawin saakin si Terence."

"Ah si Antoneitte po." Response naman agad ni Janice.

"Yes, that annoying girl."

"Halos kasabayan ko lang po siya. Ang swerte nga po niya eh, kasi siya ang unang nagpabago sa ugali nitong si Sir Terence. Ang tapang tapang niya. Ang akala nga namin noon wala pang isang month titiklop na itong si Tonyang at magreresign pero umiba ang ihip ng hangin dahil si Sir Terence ang tumiklop, ibig sabihin non si Sir Terence ang nafall-in love kay Tonyang at napakaganda ng lovestory nila. Nakakakilig." Parang isang timang si Janice na ikwenikwento ang behind the scene na nangyari kung bakit si Tonyang at Terence.
Lingid sa kaalaman ng chismosang Janice ay pumuputok na ang upper ventricle ng utak nitong si Icy dahil sa mga naririnig nitong imformation. At meron siyang narinig na something that makes her confused.

"Kasabay? What do you mean by that?"


"Kasabay, ibig sabihin po ay nakasabay ko rin siya na magtrabaho dito sa mansyon. Dati po kasi siyang kasambahay dito bago po siya naging girlfriend ni Sir Terence. Ang swerte nga po niya eh."

Mas lalo ng uminit at nagulat ang aura ni Icy sa narinig. She feel that nadowngrade ang pagkatao niya that time. "Pinagpalit niya lang ako doon sa babaeng iyon. Tsk." Mas lalo siyang nagalit. Pakiramdam niya ay wala sa oras magtratransform na siya bigla into a serial killer na rumesulta sa hindi inaasahan niyang pagsugod sa lugar kong nasaan si Tonyang ngayon. Handa siyang hanapin ito sa buong mansyon mabalaan lamang ito.


Habang binabagtas ni Icy ang paligid kong asaan man itong si Tonyang hindi niya maiwasang hindi maiyak sa sobrang galit Since noong bata siya ayaw na ng naaagawan. Ayaw niya ng nasasapawan. She wanted to have her life perfect and complete sa mga taong nais niyang makasama. Ngunit nasira lang iyon advocacy niya sa buhay dahil sa babaeng bigla nalang pumapel sa istorya niya. And she can't blamed anyone but that 'babaeng yagit' na babaeng tinatukoy niya.


Hindi mahirap mahanap kong asaan si Tonyang ng mga oras na iyon. Naaninag kaaagad ni Icy na nasa gazebo si Tonyang at walang dali-dali'y kinundisyon niya ang sarili mula sa nagbabadyang giyera.


"Hi Cinderella." Lumapit si Icy kay Tonyang at binati ito sa pinakasarcastic na tono ng pananalita niya. Nagulat naman si Tonynag sa biglaang pag-appear ni Icy sa harapan niya. Napaisip tuloy siya at mas lalong dumaan sa utak niya iyong nangyari kanina. The way na iginisa siya noong Icy na iyon sa hapag-kainan.

"Hi." Walang gana niyang bati, hindi niya close ito. At mas lalong ayaw niyang maging close ito. Nakukutuban ng kanyang guts na ayaw niya ang aura nito. Hindi compatible sa kanya.

"Ow, Hi lang? Ouch naman. Nag-aasume pa naman tuloy ako na tatawagin mo akong ma'am." Tonyang never understand what this girl on her front trying to say. Naiirita siya dahil sinisira ng babaeng kaharap niya ngayon ang magandang mood niya.

"Hindi ko po alam kong anong nais niyong sabihin." Inosente nalang niyang sagot kahit alam nitong nang-iinis lang itong si Icy. Ayaw niya sa lahat ngn ginugulo siya. ayaw niya sa magulot ngunit hanggat kaya pa niyang magtimpi na hindi patulan itong babaeng basta nalang nanggugulo sa kanya at sa payapang gabi niya ay titiisin niya magbilang kahit umabot pa ito ng isang daan.


Hindi naman mapakali itong si Icy. Gusto niyang sumbagan itong si Tonyang pero nagpipigil siya baka isipin nila Terence na masama siya at ayaw niyang masira ang diskarte niya.

She look to the girl on her front. Naiinis lalo siya. Sa tuwing tumitingin ito sa mukha ni Tonyang ay naaaninag niya ang kapatid niya.

"Wala ka kasing alam kaya hindi mo agad nagets ang nais kong sabihin. Diba high school graduate ka lang? Kawawa ka naman. Utak high school parin utak mo. Kelan mag-uupgrade iyan? Well. Gusto ko lang sabihin sayo na itigil mo na ang pag-iisip mo na ikaw si Cinderella sa fairytale na gaganda ang buhay dahil wala kang pinagkaiba sa mga social climber diyan sa tabi tabi dahil kahit anong gawin mong paglalandi sa mga mayayamang pamilya lilitaw parin ang baho kung saan ka nanggaling. Mahirap ka. Dukha. Ambisyosa."

Hindi na nakatiis pa si Tonyang, tumayo siya at hinarap ang mapanglait na si Icy. Nag-abang naman si Icy sa kung anong gagawin ng dalaga.

"Tumigil na po kayo." Kalmado parin na saad ni Tonyang ngunit sa kailalim laliman ng emosyon niya kanina pa namumuo ang galit.

"Why? Totoo naman ha. Kumpara mo kaya ang sarili mo saamin. You're like a frog seating on a beautiful lily para masabing maganda ka."
Pang-aasar pa lalo ni Icy. Doon hindi na nakapigil si Tonyang.

"Oo mahirap lang ako, pero hindi ibig sabihin noon may karapatan na kayong alipustahin ako.  Dahil kahit saang anggulo man tignan mas may respeto parin ako, kaysa sayo."
Medyo nagulat si Icy sa narinig ngunit mas lalo siyang nathrill. Lumapit siya kay Tonyang na parna g iniintimadate niya ito sa aura niya. Saka binitawan nag nakakaabalang pangungusap. "Tignan natin dukha kung may magawa iyang sinasabi mong respeto."

THIS YAYA IS INLOVE WITH YOU BOSSING ('wag munang basahin)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon