Ika-apatnaput isang kabanata //

1.8K 27 0
                                    

Chapter 41:

Madaling lumipas ang oras para sa mga masasayang tao.
Ngunit para sa mga naghihintay, daig pa ang traffic sa tagal.

Matapos ang nangyari ng gabing iyon halos hindi na payapa ang puso ni Tonyang. Iniisip niya kong papaano niya mapapalambot ang

pusong bato ni Aling Soling na ngayon ay naka-black na damit dahilan daw ng hindi siya masaya.
Nanatili din sa tabi ni Tonyang si Terence, tumutulong din sa pag-iisip ng best way para mapatawad ni Aling Soling si Mang Ricardo.

"Keziah, ano sa palagay mo ang dapat nating gawin kay Nanay para mapatay niya si Itay?"
Malungkot na nakapangumbaba si Tonyang ng mga panahon na iyon, isang araw na ang nakakalipas at tila hindi parin maalis sa isipan

niya ang nangyari noong nakaraang gabi. Wala naman siyang galit na naitanim sa puso pagkatapos niyang malaman ang dahilan kong

bakit nawala nalang bigla sa harapan nila ang tatay niya. Ngunit ang gumagambala sa kanya ang galit na nasaksihan niya sa kanyang ina.

"Bakit hindi kaya suyuin ulit ni Mang Ricardo si Aling Soling?" Suggest ni Keziah, na abalang naglalaro ng flappy bird sa bago nitong selpon.

"Suyuin? Hindi ko alam kong madali lang iyon pero kilala naman natin si Nanay diba? Mahirap siyang suyuin, ako nga noong gusto kong

malaman kong asan si Itay eh halos lagyan niya ng masking tape ang bibig niya dahil ayaw niyang sabihin."
Bumuntong hininga si Tonyang, hindi niya alam kong may pag-asa pa na mapatawad ni Aling Soling si Mang Ricardo.

"Oh, kung hindi madaan sa santong dasalan. Edi daanin sa santong.. $@(*^$*(@^~ AHHHHHHHY! hindi ko mabet tong score ko sa flappy bird,

badtrip. Nakakainis." Binack na ni Keziah at inilock ang phone saka hinarap ang malungkot na si Tonyang, sa pagkakataong iyon ay

nalungkot din siya.

"Friend, okay lang iyan.." sabay akbay ni Keziah sa kanyang besfren na si Tonyang. "Ang life parang flappy bird, kahit alam mong

napakaimposible na malampasan mo ang isang bagay hindi ka parin susuko. Susubukan at susubukan mo parin. Dahil alam mo sa huli na

kahit ilang besis kang madead susubukan mo paring mag-umpisa makamit mo lang ang highest score."

Proud na pinaliwanag iyon ni Keziah kahit ang layo ng topic niya sa usapan pero may sense din kahit papaano. Iyon ang naging dahilan

kong bakit napabuntong hininga ulit si Tonyang. May isa lang siyang naintindihan sa sinabi ng kanyang bespren iyon ay 'wag sumuko.

"Tama ka Keziah, 'wag dapat akong mawalan ng pag-asa kahit napakaimposible. Gagawin ko lahat para maging maayos ang pamilya ko."
Kampante na ngayon si Tonyang, sanay na siya sa pakikipaglaban. Sanay na siya sa pag-aayos. Minsan inakala niya sa sarili niya ay isa na

siyang fixer na nag-aayos ng mga nasisira at nabubuwal na relasyon. Isa na iyong nasa mansyon siya dati.

"Ganito lang naman iyan Tonyang, kung gusto mo ulit maayos sina Aling Soling at Mang Ricardo, hayaan mong matutunan ulit nilang

mahalin ang isa't isa."

Napakunot noo si Tonyang sa sinabi ng kaibigan. "Natutunan bang magmahal?" Ang alam niya kasi ang pagmamahal ay kusa nararamdaman

na kapag ang taong iyon ay nagparamdam sa'yo ng saya ay matatawag na iyon pagmamahal. Walang learnings. Pure unexpected feelings

lamang.

"Oo naman."

"paano mo nalaman?" humarap na si Tonyang sa kaibigang malapad ang ngiti.

"Sa wikihow, sabi doon may ilang steps para matutunan mong mahalin ang taong dati ng nagpawala ng nararamdaman mo. Baka nga

makatulong iyon saiyo bigay ko later iyong link."


Alam ni Tonyang na minsan talaga si Keziah hindi sineseryoso ang problema. Ngunit kahit ganoon ang kaibigan niya alam ni Tonyang sa

sarili niyang mainaitulong din ang makulit niyang kaibigan.

Pagkatapos ni Tonyang at Keziah na mag-usap ay pumunta muna siya sa labas. Gusto niya magpahangin. Mapag-isa. Ang busy na si Terence

na ngayon ay tumutulong sa mga gawain ni Aling Soling ay hinayaan niya munang doon. Nagtunggo siya sa dalampasigan. Nagtungo siya

sa isang lugar na madaling puntahan ng mga taga-roon.

Ang lightroom. Hindi kalayuan ang lugar na iyon, ngunit hindi rin dinadagsa ng tao dahilan narin na maraming nagsasabing marami daw

unwanted creatures dito. Pero hindi na inisip ni Tonyang ang mga ganoong haka-haka pumunta siya roon at inakyat ang pinakatuktok para

matanaw ang tinatagong beautiness ng lugar nila.

Pagkarating niya salugar ay nagpakawala siya ng hangin mula sa kanyang baga pagkatapos noon ay biglang humampas sa katawan niya

ang sariwang hangin.

Napakasarap. Iyon ang una niyang naramdaman. Parang tinanggay pansamantala ng hangin ang lungkot na nararamdaman ng puso niya.

Parang biglang nanibago ang magulo niyang buhay. Tinanaw niya ang lawak ng karagatan. Niyakap siya ng kapayapaan.


"Kahit 10 minutes lang.." Bigkas niya sa sarili. Kahit 10 minutes lang na manatili siya roon, kahit 10 minutes lang na iparamdaman sa kanya na

payapa ang buhay niya.

"kung pwede ko lang takbuhan lahat ng problemang nararanasan ko ngayon, kung pwede ko lang pabayaan.."

Tumingala siya sa kalangitan. Masaya siya. Naramdaman niya ang gusto niyang maramdaman pero.. pero bigla ulit sumagi sa puso niya.

Parang may kulang. Parang may naiwan, parang may mali.

Hindi siya tatakbo. Lalaban siya. Kahit alam niyang napakaimposible na lalaban parin siya para sa nanay niya, sa pamilya niya.


Buntong hininga ang pangwakas niyang ginawa bago siya bumaba, ngayon lalaban siya. Pupuntahan niya ang tatay niya para mag-usap at

tulungan na gumawa ng paraan para mabuo ulit ang pamilya nila.

Sa bawat hakbang niya umaasa siya na hindi parin siya papabayaan, unang una ng panginoon at pangalawa ay ang sarili niya. Sa bawat

hakbang niya, hindi niya alam na natutumba siya.

Mabilis na nangyari. Hindi niya nagawang humawak. Mabilis siyang nagpagulong gulong mula sa walang katapusang hagdan. Sa bawat

pagdampi ng katawan niya sa mga palapag nakakaramdam siya ng sakit, ng kabiguan, ng pagkabagsak. Hindi siya makahawak sa kahit ano

mang bagay na nadadaanan ng katawan niya.

Mabigat ito. At halos sa ilang palapag na nadadaanan niya mula sa kanyang pagkahulog sa hagdanan ng Lightroom. Pagulong-gulong siya.

Gusto niyang umiyak dahil wala siyang makapitan, wala siyang masandalan. Hanggang sa naramdaman niya ang huling sakit na tumama sa

buong katawan niya. At ang source ng sakit na iyon ay sa ulo niya.

Pagkatapos niyang naramdaman ang sakit na iyon, wala na siyang maramdaman. Ni halos wala narin siyang marinig. Ang paningin niya ay

unti-unting lumalabo. Hanggang sa naramdaman niyang gusto niyang matulog dahil pagod na pagod siya. Gusto niyang matulog.

***
HAPPINESS! KASI NAKAUPDATE DIN SA WAKAS! AYON, ONGOING KASI ANG PAGTATAPOS NAMIN SA THESIS NAMIN. AT MAHIRAP, SOBRA. PERO OKS LANG NAG-EENJOY NAMAN SI AKO. AT BILANG GIFT KO SA INYO DAHIL NAG-EENJOY AKO SA GINAGAWA KO DAHIL MALAPIT NG MATAPOS HETO NAG UPDATE! YEHEEEEEY!

GUSTO KO RIN ISHARE SA INYO ANG ISA SA MGA OBRA KA ULIT, SHORT STORY LANG SIYA. DON'T WORRY BAKA ARAW ARAW NA ANG UPDATE KO DIYAN KASI TAPOS NAMAN NA SIYA PERO KAPAG MAY READERS NA. :)))  PLEASE CLICK THE EXTERNAL LINK.

MAY NAGBABASA PA BA? MAY TUMUTUTOK PA BA?

COMMENT AT VOTE NA!!

P.S. NEED SOME READERS OF THIS NOVEL FOR NEW SET OF DEDICATION LIST.

THIS YAYA IS INLOVE WITH YOU BOSSING ('wag munang basahin)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon