Ika trenta'y sais na kabanata //

2K 33 2
                                    

CHAPTER 36

"Head." Walang mood na sabi ni Terence ng oras na iyon. Medyo hindi siya sanay na maraming tao sa paligid niya, lalo na't nakikita niya rito ang pagkarural ng mga taong naroon. Maingay, every corner he will hear a screamed coming from a nanay who will sita her child. A laugh by the tricycle driver who just pass by to that karenderya.

Pakiramdam niya nasa isa siyang circus.

"Okay! Tail ako!"

Saka pinaikot ni Tonyang ang coin sa may lamesa. Naglalaro sila ngayon, oo, kung sino ang manalo sa kanila ay siyang pipili ng ulam. Nagulat nga si Terence noong si Tonyang ang nagpakana noong game na iyon.

Umikot ikot lamang ang coin, iniisip ni Terence pag nagkataong siya ang nanalo. Pupunta nalang siya sa fastfood chain at ililibre ang mga kasama niya ng tanghalian. 'Wag lang dito sa lugar kung saan hindi siya makakapagconcentrate na kumain.

Ngunit, tila ba pinaglalaruan siya ng kapalan ng barya.

Nabigo siya't natalo. Mula sa huling ikot ng piso ay tumambad na kailangan niya ng tanggapin na dito sila kakain.

"YEAH! I wooooon! Nanalow ako!" Masayang pahayag ni Tonyang.

Tumayo na ang dalaga at nagtunggo sa counter. Sagot niya ang order nila ngayon, kahit KKB. Excited narin siya sa mga oorderin niya.

"Ano sayo?" Tanong noong babaeng mataba na nakaduster na nagsusukat ng ulam. Tumingin si Tonyang sa mga choices of dish doon. At habang iniiscan iyon ng kanyang mata napapalihim siyang ngumiti.

"Isa nga pong dinuguan, pakbet, dinakdakan,  at  papaitan. Limang kanin po, tapos sabaw."

And after that, para siyang nag-order sa fastfood sa sobrang bilis na maghain noong babaeng mataba na nakaduster na nagsusukat ng ulam. Nakisuyo siya na ipadeliver nalang iyong mga order sa lamesa nila.

Naaalibadbaran at tila ba tagatak na sa pawis si Kai at Terence. Pinagpapasensyahan lamang nila. Mainit ang lugar, kulong at maraming tao. Dumating si Tonyang na nakangiti habang may sumusunod sa kanyang waiter na hindi naman kagwapuhan, totoy ito at may uling pa sa pisngi.

Inisa-isang binaba noong waiter ang mga inorder ni Tonyang, at dahan dahan rin na lumuluwa ang tingin ni Terence at Kai. Napapalunok ng wala sa oras at pakiramdam nila ay kakain sila ng tanghalian sa isang tribo na ang mga pagkain ay indigenous food.

"Ano ito?" Reklamo ni Terence noong matapos ng iserve iyong ulam sa kanila. Tinuro niya iyong dinuguan na hindi niya alam ang pangalan ngunit alam natin.

"Dinuguan." Proud na sabi ni Tonyang.

"Di--di..nugu..dugo?" Gulat na pahayag ni Terence, hindi niya akalaing nakaserve sa kanya ay isang dugo na ulam.

"Opo, masarap po ito. Try niyo po." Makulit na sabi ni Tonyang, at kahit ayaw ni Terence napilitan siyang pagmasdan ang dalaga habang nilalagyan iyong plato niya ng dinuguan.

"Ah, ako nalang kukuha.." kabado parin niyang sabi. Hindi siya makapaniwala na kakain siya ng indigenous food. Kaya naman inagaw na niya iyong kutsara kay Tonyang, ngunit umilag ang dalaga at ngumuso pa ito.

"Gusto ko subuan kita." Makulit nitong sabi.

"AHAH. AHA. Nabulunan ako." Kumuha naman ng pansin si Aling Soling dahil hindi makapaniwala na may kilig factor din palang tinataglay itong si Tonyang. Kaya umalalay na si Keziah para iwas gambala.

Dahan dahan naman inanggat ni Tonyang ang kutsara na may lamang kanin at dinuguan. Dahan dahan din tinignan ni Terence ang kilos noong kutsara na papunta sa kanya. Kinabahan siya at gustong tumakbo. Ngunit huli na. Naisubo na sa kanyang precious mouth na tanging 800php pataas lamang na pagkain ang dapat dumaan doon.

THIS YAYA IS INLOVE WITH YOU BOSSING ('wag munang basahin)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon