Ika-apatnapu't limang kabanata //

1.7K 27 3
                                    

Chapter 45

MAALINSANGAN ANG PANAHON SA LABAS at halos mapatag na ang tinatapakan ngayon ni Tonyang dahil kanina pa siya pabalik balik sa paglalakad. Naiinis at naiinip siya dahil binawalan siya ni Terence na umuwi muna o maglibot libot man lang sa labas ng mansyon. Hindi rin niya makausap ang mga katulong na naroon lalo na ang kaibigan niyang si Sher dahil abala sila sa pag-aayos dahil balita niyang may darating daw na bisita.

"Amboring. Kainis." Napasabunot siya sa humahaba niyang buhok. Napansin niya iyon napabuntong hininga siya. Ang bilis pala ng panahon. Dati hanggang balikat lang ang buhok niya ngayon ay lampas balikat na.

Napa-pout nalang siya. Iyon ang uso ngayon kaya naki-uso narin siya. Nag-isip siya ng paraan para aliwin ang sarili.

Upo, tayo, lakad. Ilang ulit niyang ginagawa. Hanggang hinahawi siya ng kanyang mga paa palabas ng guest room. Malapit lang ang guest room sa may garden kaya naisilayan niya na agad ang tirik na silahis ng araw sa labas na pumapalo sa Gazebo.

"Bahala na." Monologue niya sa sarili. Bahala na kung saan siya mapunta. Ang importante sa kanya at iniisip niya ngayon ay hindi tumubo ang ugat sa kanyang mga paa dahil sa sobrang boring ng buhay niya.

Naglakad lakad lang siya. Pumasok sa living room. Nakita pa niya ang ilang katulong doon na nag-aayos at naglilinis. Napayuko naman siya. Siya lang ang walang ginagawa.

Kaya naman lumapit siya sa mga ito at nakitulong narin. Ngunit sandali lang iyon dahil sinita siya ng isa sa mga katulong.

"Naku Tonyang, dont dare to care sa amin yah now. You're not longer a yaya this time around. You are one of our prinsesa na." Conyong kausap sa kanya ng isa sa mga yaya. Napahinto naman si Tonyang sa pagtatangka niyang pagpunas sa mga furniture na nandoon. Gusto niyang magpasaway. Gusto niyang tumulong kaya lang ayaw naman niyang maging pasaway. Kaya nakiusap siya.

"Wala na kasi akong ginagawa eh. Naboboring ako. Pakiramdam ko napakawalang kwenta kong tao kapag wala akong ginaga--"

"Naku wag mong sabihin iyan bata ka." Singit ni Aling Maricar, isa sa mga nandoon na matandang katulong.

"Mayroon ka paring kwenta kahit hindi ka na longer na yaya. Mapapansin ka ba ni Young Master Terence kong wala kang kwenta. Tsk. Go ka nalang sa 3rd floor. May recreational room doon, pwede ka doon." Suggest naman ni Sheila. Ang katulong na nagpupunas ng furniture.

Bumuntong hininga nalang si Tonyang. Namimiss na niya ang department nila. Matagal na rin siyang hindi nakakabonding sa mga ito. Pero ayaw niya rin namang maka-abala. Yumuko nalang siya at tumungo sa 3rd floor.

Nakarating siya sa 3rd floor ngmay guhit na lungkot sa kanyang mukha. Hindi niya aakalain na dumating sa punto ng buhay niya na napakalungkot at napakaboring. Tumingin siya sa paligid ng 3rd floor. Natatandaan niya dito din ang opisina ng mga amo niya. May mga way din kasi iyon. May arrow na nakaturo sa east papunta sa offices at mayroon naman sa south iyon ay sa recreational room. Pero mas nanaig sa kanya ang north kung saan nakalocate ang Library. May kung anong pumasok sa kukute niya at gusto niyang magbasa ng libro ngayon.

Nagdire-diretso siya ng lakad. She open the door. At parang nasa isa siyang fantasy story dahil nasilaw ang kanyang mga mata. Nasilaw ito sa sobrang dami ng libro dinaig pa ang Philippine Library kung meron man non.

Pumasok siya at binagtas ang kahabaan ng short hallway papunta sa mga shelves. Antique na modern ito kong idedescribe. May mga lumang libro nakalagay dito. Pero makikita mo parin na angat ito ngayon sa henerasyon. May mga nakalagay din sa mga wall na portrait painting ng mga famous writer sa pagkakaalam niya dahil naroon si William Shakespeare. Tantya din niya gawa lahat iyon ng master niyang si Karence.

THIS YAYA IS INLOVE WITH YOU BOSSING ('wag munang basahin)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon