Ika-trenta'y singko na kabanata //

2K 31 4
                                    

Chapter 34

"SAAAAAAAAAAAN RAFAELLL UGGGGH!"

Nagsimula na ang saya sa San Rafael. Mula sa ingay na binubuo ng mga street dancer na akala mo nakawala sa hawla kung makasigaw habang pumaparada sa kalsada.

Masayang pinapanood iyon ni Tonyang, minsan pa nga eh napapapalakpak pa siya. Hindi niya kasi alam na despite na ilang buwan siyang nalayo sa nanay niya eh nandito ulit siya sa kanyang sinilangan.

"Ang saya mo no." Puna tuloy ng amo niyang kanina pa tumititig sa kanya.

"Ah, nakakautwa po kasi kapag nakakapanood ka ng ganito. Ang sasaya nila, kaya hindi mo mapigilang mahawa sa mga ngiti at tawa nila." Paliwanag ni Tonyang na sa unang pagkakataon, hindi humarap sa among nakasimangot. Nakangiti ito, at wala siyang pakialam kong mapuna iyon ni Terence

"Oo nga tama ka." Sang-ayon ni Terence habang inilibot na niya ang kanyang mga mata sa mga nagsisigabong performance ng mga naroon, at pumupuno sa bawat sulok ng kanyang mga mata ang iba't ibang kulay na hatid ng mga dancer.

Ilang minuto din nagtagal ang kasiyahan na iyon saka tumungo na sila sa may plaza. Sumunod ang dalawa para mapanood ang opening na kung saan itinatag ng outstanding mayor sa San Rafael. Pero gulat nalang si Tonyang noong namalayan niyang dire-dretso si Terence papunta sa may front seat. Napalingon lingon pa siya sa paligid dahil parang walang pakialam ang mga naroon, pinapadaan pa nila ang binata.

Pagkarating doon, biglang lumuwa ang kanyang mga mata noong niyakap siya bigla ni Aling Soling.

"ANAAAAAK!! May dalawang goodnews ako sayo!" Masaya nitong salubong, pero walang pakialam si Tonyang doon sa goodnews na iyon, gusto niya malaman kong anong ginagawa ng nanay niya ngayon dito sa opening eh hindi naman mahilig manood si Aling Soling ng mga ganitong palabas.

"Nay!? Ano pong ginagawa niyo dito!? Di ba nasa talipapa kayo ngayon? Iyong mga tinda doon?" ewan niya kung concern pa siya o nadala lang siya ng pagtataka kaya nasabi niya ang mga katagang iyon.

"Ayon nga anak eh! Isang goodnews iyon, aba! ANg bilis natapos. Alas Diyes palang ubos na kaya may oras pa kami na pumunta dito. Eh anglakas kasing makahatak ng customer itong si ser Kayser." Tapos hinawakan niya iyong balikat ni Kai pertaining na nageexist ito sa harap ni Tonyang.

Saglit naman tumingin si Tonyang sa nakangising si Kai, nagpasalamat din siya bilang ganti sa pagtulong nito sa ina.

"Wala iyon Toneitte, pasalamatan mo itong kapatid ko." Tapos tinap din ni Kai ang balikat ni Terence. Tumingin si Tonyang sa amo. Saka yumuko bilang pasasalamat.

She did'nt utter any words.

Ngumiti nalang si Terence, saka naglahad na ng upo sa mga kasama niya. Pero bago iyon nireveal muna ni Aling Soling ang isa niyang Goodnews.

"Uy, sandali lang, hindi ko pa nasasabi iyong isa kung goodnews!" Reklamo niya kaya nakinig muna ang mga kasama niya sa kanya. "Ano goodnews niyo 'nay?" Tanong ni Tonyang sa ina na masayang masaya. para siyang saing teletubbies na nakakain ng pink custard.

Bumuwelo muna ang ina bago sabihin ang goodnews niya dito. Buntong hininga.

Isa

dalawa..

"KASALI KA SA BINIBINI AT GINOONG NIYOOOOOOOG!!!!!!"

Malakas nitong sabi na halos masapawan na ni Aling Soling ang ingay na ginagawa ng sound system.

"ANOOOOOOOO!" Hiyaw rin ni Tonyang dahil sa gulat, nainis bigla siya sa narinig. "AYOKO NAY ANO NANAMAN GAGAWIN KO DIYAN!" Reklamo niya.

"TATAMBLING!? TAPOS KA NG APOY! Malamang pageant! At hindi ka na pwedeng umayaw, naparegister ko na kayo ni Sir Terence."

Mas lalong nainis siya noong narinig niya na kasali din si Terence.

"NAY! NANDAMAY KA PA!? AYOKOOO! AYOKOOOOO!" Pag-aayaw ni Tonyang. Naningkit naman ang malalaking mata ni Aling Soling. Saka nagdrama.

"SIGEEEEEEE NA ANAAAAAAAAK! PARA RIN SAATIN TO! PARA MAPATUNAYAN NATIN KUNG KANINO TAYO LUMALABAN! PARA SA INA, ANAK AT AMO!" Drama niya, kung may gawad awards lang sa oras na iyon pwede ng sabitan ng kinakalawang na korona si Aling Soling.

Bumuntong hininga si Tonyang, wala na siyang magagawa. Andoon na iyon. Ano pa bang magagawa niya, gusto niya rin mapasaya ang kanyang ina. Tumingin siya sa amo. Aba, mas lalong uminit ang dugo niya noong nakita nitong ngumingiti ngiti na parang gusto ang nangyayari.

Sumingkit ang tingin niya at tinanong ang nanay. Dahil kung may pagkakataon na matakasan niya ang delubyong ito gagawin niya.

"Kailan po iyan nay?"

Nagslowmo na tumingin si Aling Soling sa anak, sana nagslowmo rin ngumiti na parang isang batang walang wrinkles sa mukha at parang forever young ang kinakanta.

"Mamayang gabi." Confident na saad ni Aling Soling.

Gusto tuloy ni Tonyang na mag-eggroll sa munggo, uminom ng lason na expire, o magpasagasa sa bisikleta sa narinig niya na mamaya na agad-agad iyong pageant.

"MAMAYA!? Napaimpossible 'nay na agad agad makaya ko na sumali sa ganyang pageant." Reklamo nito. NAghuhurementado siya dahil ayaw niya talagang biglaan ang lahat.

"Okay lang iyan Toneitte," singit naman ni Kai na nasa tabi niya. Confident pa itong nagsabi ng 'Okay lang'. "..nakaya mo ngang rumampa dati sa show for cause namin sa Manila dito pa kaya. Don't worry, ako bahala sa iyo."

Dahil expert si Kai sa mga ganoong field nagtiwala nalang si Tonyang na magagawa lahat ni Kai mamayang gabi.

Kaya't pagkatapos ng opening program, nagyaya si Terence kay Tonyang na pumunta sa isang botique malapit dito para makapili narin ng susuotin nila mamayang gabi.

"Naku Sir, walang Botique dito. Ukay ukay meron!" Saad ni Keziah.

Biglang kumunot ang noo ni Kai at Terence saka tumaas ang kilay. Si Kai, na pangmayaman ang utak ang nagtanong ng naging dahilan ng pagkunot ng kanilang noo.

"Ano po iyong ukay ukay?" Mangmang na tanong ni Kai. Napangiwi naman si Keziah. Kaya si Aling Soling na ang sumagot noong tanong noong gwapong binata.

"Ah, ukay ukay. Sir iyon iyong ano.. hmm.." Nag-isip pa ito ng malalim bago malutas ang kaso sa kanyang utak. "Doon, ang mall ng mga 200 pesos lang ang budget. HAHAHAHA! Tyaka ano iyon sir, mga imported na mga gamit na damit ang naroon. Naku andami ding magaganda doon!"

"Gamit na damit?" Medyo confused si Terence sa sinabi ni Aling Soling na parang ayaw niya sa mga salitang iyon.

"Oo sir,  Karaniwang galing sa ibang bansa ang mga itinitinda ritong pinaglumaang mga damit at kagamitan na ibinebenta sa napakamurang halaga, depende sa kalidad at klase ng mga paninda o sa tagal nitong maibenta."

Napalunok si Terence. Nakita iyon ni Tonyang, at doon parang may maitim siyang balak. Gaganti siya, gaganti siya sa pagkakaisa nila ngayon sa kanya.

"Nakuuuu! Alas dose na! Sir Kai, Sir Terence, bakit hindi muna tayo kumain sa karinderya! Nagugutom na ako, tapos go tayo sa alam kong Ukay ukay shop dito sa amin!".

Maligayang sabi ni Tonyang. Napatingin naman si Aling Soling sa anak at nagsasabi sa mga tingin nito ang 'seryoso ka anak?'

"tara na!"

Si Tonyang na ang nauna. Hindi niya alam pero ngayon lang siya naging masaya sa mga plano niya.

Sana nga epektib.

AUTHOR'S NOTE:

bibitinin ko muna kayo, hahaha! <3

Comment para may inspirasyon. SALAMAT! <3

THIS YAYA IS INLOVE WITH YOU BOSSING ('wag munang basahin)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon