8. Madumi sa paningin.

3.4K 55 0
                                    

"Aw" 

Isang malakas na sigaw ang galing sa kusina na ginawa ni Tonyang ng oras na iyon. Kasalanan iyon ng utak niyang nasa ibang planeta at hindi pa bumabalik sa katinuan. Sa bawat kilos niya ay nahahaluan ng pagkatulala. Siguro dahil narin sa namimiss niya ang mama niya na nasa probinsya, pangalawa ay gutom na siya. Pinarusahan siya ng kanyang master. Ang reason, dahil nga sa nasayang na tinola kaninang umaga.

"Oy Tonyang, umayos ayos ka sa trabaho mo dito. Kung ayaw mong mag-goodbye ng maaga." 

Tsismis naman ng isang pangit ngunit sweet na si Alex. Ang isang maid na naglilingkod kay Florence. Mean ito, at bitter. 

"Pasensya na po." Nagpakita naman ng pagpapasensya si Tonyang kay Alex. Inirapan siya nito. Ngunit hindi na niya pinansin iyon. Nagbalik siya sa paghuhugas ng pinggan. Alas onse na at hindi pa umaalis ang kanayng amo. Sinabihan siya na nasa room lang ito tinatapos ang mga papeles na dapat tapusin. At sa kwarto narin ito kakain kaya kong pwede ay magluto daw si Tonyang ng tanghalian. Iyong tanghaliang gusto niya. Bilang kaparusahan ay hindi dapat humingi si Tonyang ng tulong kay Mang Sebas. Umo-o nalang si Tonyang at ginawa ang trabaho. 

At kahit hinang-hina na siya ay kinakaya niya parin.

 Hanggang sa nagbeep ang kanyang cellphone. Kinuha niya ito at binasa ang message na sa tingin niya galing sa kanyang amo.

From: Mayabang na Amo

Pumunta ka ngayon sa kwarto ko, may ipapagawa ako sayo.

-received- 

Napabuntong hininga nalang si Tonyang. Isa na namang utos mula sa kanyang demonyong gwapong amo. Isinara muna niya ang kalan kong saan siya nagluluto ng chicken curry. Nagsimula na siyang humakbang paakyat hanggang sa marating niya ang kwarto ng amo niya.

She opened the door quietly but quickly. Natatakot siya na magkaroon ng malfunction sa mga kinikilos niya.

"Sir." Mahina niyang sinabi ng makita niya ang kanyang  amo na nakatayo sa malapit sa bintana habang ang tingin nito ay nasa malayo.

"Great. You're here. Can I ask you a question?" hindi lumilingon na sabi niya. Nakafocus parin ang tingin ni Terence sa malayo.

"A.. Ano po iyon sir?" 

Sabi naman ni Tonyang, walang kasiguraduhan lahat sa kanya.

"Women's really want something that will make them comfortable and calm. Tanong ko lang, anong mga bagay ang nakakapagpasakit sa mata ng isang babae at hindi nakakakalma kong titignan?" 

Napatahimik si Tonyang at napahawak sa kanyang batok. Mukha yatang sinusubukan siya sa talino nitong amo niya. Ngayon highschool grad lang siya at hindi pa kumakain.

"Eh sir," 

Hindi niya alam ang susunod niyang sasabihin. Nahihirapan siya dahil wala siyang mahagilap na salita na pwede niyang sabihin sa kanyang amo.

"I know you didn't know the answer. But for me, hindi ba, masakit at nakakastress kapag nakakakita ka ng pangit na bagay sa paligid mo?" 

Ngayon hindi na iyon tanong para kay Tonyang, para may gusto ng sabihin ang kanyang amo tungkol sa mga nakakaistress na bagay. 

THIS YAYA IS INLOVE WITH YOU BOSSING ('wag munang basahin)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon