lka- Dalawampu't dalawang kabanata

2.7K 38 7
                                    

Chapter 22

"and they live happily ever after.." *CLICK* hininto ni Kai ang pagrerecord niya ng eksena sa dalawang taong nandoon sa Gazebo. Ngayon tuwang tuwa ang mga ito dahil sa wakas ay nagawa nila ng maayos ang plano.

"Gusto ko magcomment sa dalawa.." dagdag pa ni Kai habang abala ang tatlo sa pag-aayos ng mga gamit na ginamit nila sa misyon. Ngayon ay babalik na sila sa Manila. Tinawagan narin ni Karence ang driver niya na gamitin ang Cruizer nito para sunduin ang dalawang taong nasa Gazebo. 

"ano naman ang ikokoment mo choconat?" 

bago nagreact si Kai tungkol sa icocomment niya, tumingin ang dalawa pa nilang kasama na si Tonyang at Karence mula sa narinig nila kay Sher.

"Choconat?" sabay pa ang dalawa na tila ba nagulat sa narinig na endearnment. 

"Oo, choconat ang tawag ko sa kanya. Napag-usapan naming dalawa iyon na ang tawagan namin dahil mahilig kasi ako sa choco, tapos si Kai naman mahilig sa mani." pagpapaliwanag ni Sher na naging dahilan ng pag-approb ni Karence.

"Tama, mahilig si Kai sa mani." 

"Dude! Wag bastos!" Agad na react ni Kai, sa isip isip kasi nito iba ang meaning niya kapag naririnig niya ang MANI.

"ikaw lang nag-iisip niyan.." walang mood na sabi ni Karence.

"Eh, Kai ano ba iyong sinasabi mong comment diyan?" sa wakas nagsalita rin si Tonyang na parang pagod na pagod siya at kanina pa siya tahimik. Ngunit nagpakita parin siya ng ngiti sa kanyang mga labi habang pinapanood ang tatlong kaibigang kasama niya ngayon. Kaibigang naging dahilan kong bakit natulungan niya ang kanyang amo. 

"para kasi silang isang lovestory sa wattpad.."

"DUDE NAGBABASA KA NON!?" gulat na sabi ni Karence na medyo napalakas ng boses kaya napahawak bigla si Kai sa mga malalambot niyang labi upang itikom ang bibig nito.

"wag maingay! Humangga ka nanaman saakin kasi nagbabasa ako ng wattpad no? ahahahah!" Medyo proud na sabi ni Kai, habang naglalakad na sila papalabas sa Villa Ramos.

"Eh ang alam ko lang kasing binabasa mo, sagad, fhm mga ganon.." pagbibiro ni Karence. Nakikita na ni Kai at ramdam na niya na mas napalapit na siya sa kanyang kapatid. Na dati eh hindi naman talaga. Siguro, dahil may dumating sa kanilang anghel. At malaki ang utang na loob niya sa taong iyon.

"Siraulo ka talaga! di no.."

"so, bakit nga parang wattpad?" 

"page turning, heartwarming, jawdropping kasi ang lovestory nila." 

*KRUUU KRUUU KRUUU*

Mula sa sinabi ni Kai, biglang napahinto ang tatlo ang tumingin sa kanya. Napa-WHAT look naman si Kai na walang kaideideya sa mga tingin na iyon.

"pre, wag na masyado sa mani okay? cmon let's go." Inakbayan ni Karence bilang isang condolence sign na naawa siya kay Kai dahil walang natawa sa sinabi nito. Umalis sila sa lugar na masayang masaya kahit nakakapagod. Nakarating din sila sa mansyon ng maayos. Napag-usapan nilang humiwalay muna si Tonyang at Sher para di masyadong obyos na may ginawa silang modus. 

Sa kitchen door sa labas dumaan si Sher at Tonyang at napag-isip isip ni Tonyang na umakyat muna sa kwarto ng amo niya tutal eh wala pa ito.

Mula sa taas, pinasok niya ang kwarto. At medyo naiiyak siyang pinagmamasdan ang mga larawang nakangiti ng kanyang amo. 

Alam niya kasing natupad na ang pangarap ni Florence, at kahit mahirap sa kanya tatanggapin niya iyon. Alam niyang mas sasaya si Florence sa piling ni Jazz and she needs to accept it. And one thing nakailangan niyang tandaan ay aalis na siya dito ngayon. Sa mga pinangako niya kay Terence kailangan niyang gawin.

THIS YAYA IS INLOVE WITH YOU BOSSING ('wag munang basahin)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon