Ika trenta'y syete na kabanata //

2K 32 1
                                    

Chapter 37

"Andyan na sila!" Sumisigaw na si Aling Soling noong nakita niya ang presensya ng dalawang lovebirds para sa kanya. Ngunit sa dalawang taong nakita niya tila ba may isang malaking pader ang pumapagitan sa dalawa. Mas malaki pa sa Great wall of China.

Hindi parin makalimutan ni Tonyang ang lahat, pakiramdam niya nawala ang purity niya sa sarili. After noong nangyari kanina sa may tailoring shop hindi na siya muling nagsalita. Hindi narin siya nagtangkang tumingin kay Terence kahit napaghahalataang may tinatago siyang kahihiyan.

Samantalang ang binata hindi mapalagay dahil kanina pa lumalayo ang dalaga sa kanya, gusto niya itong lapitan. Pero hindi niya magawa dahil narin sa nakita niya kanina't nangyari. Hindi niya mapigilang magblush.

"Oh, kamusta ang shopping niyo?!" Si Aling Soling ang nagsisilbing taga-ingay sa ambiance na punong-puno ng pressure. Nagtaka naman si Kai dahil napapansin niyang kanina pa hidni nagkikibuan ang dalawa pagkatapos nilang mamili sa tailoring shop.

"Okay naman po 'nay. Naging MAAYOS naman po ang lahat. Sige po magbibihis na po ako. Ano na po kasing oras eh."

Ng marining ni Aling Soling ang oras ay hinablot niya ang braso ni Terence saka tinignan ang relong pambisig nito.

"Oo nga, alas sais na. Ganoon pala kayo katagal sa palengke ah. Sige, magbihis na kayo't mag-ayos."

At habang nagsasalita si Aling Soling ay pumasok na si Tonyang, hindi pinakinggan ang sinabi ng nanay. Doon nagkaroon ng pagdududa si Aling Soling, pakiramdam niya ay may mali sa kinikilos ng anak. Paiwas at tila ba tulala. Kaya sinundan ni Keziah ang best friend.

"Anong nangyari doon?" Hindi niya tuloy mapigilang magtanong sa mga lalaking nasa harapan niya.

"Hindi ko nga po alam eh, pagkatapos naming bumili ng damit eh nagmadali na siyang umuwi. Tapos noong nasa sasakyan siya hindi man lang siya kumikibo." Paliwanag ni Kai na isa rin sa mga nagtataka. Kaya napa 90 degree angle ang tingin ni Aling Soling kay Terence na agad namang kinabahan dahil sa mga titig ng matanda na nagpapahiwatig ng 'anong ginawa mo sa anak ko?'.

Pero nagkibit balikat nalang ito at nagpaalam na pupunta na sa loob para makapaghanda narin sa pageant. Sumunod si Kai at si Aling Soling ay naiwang parang hanging hidni alam ang nangyayari sa kanyang paligid.

"Anong katol kaya ang nasinghot ng mga iyon at parang nasa ibang planeta sila?". Nagkibit-balikat narin siya. "hays, makahanda na nga para sa mamaya."

---

Habang tahimik ang buong paligid at tila ba naghahanda ang lahat sa masibagong event mamaya. Si Tonyang ay halos gusto ng magpakamatay gamit ang unan dahil hindi maalis sa isipan niya ang nangyari sa tailoring shop. Hubad siya, actually half naked lang at naka-underwear lang siya ng pang-itaas pero feeling niya nakita na ang kabuuan niya. Ganoon siya ka-oa kaya iyong bestfriend niyang si Keziah na kanina pa nakikinig sa malachoral na pag-iinarte ni Tonyang ay naiinis na.

"AYOKO SUMALI! AYOKO! AYOKO SIYANG MAGING PARTNER!!!! PAKIRAMDAM KO NAWALA NA ANG LAHAT NG SAAKIN! PAKIRAMDAM KO HINDI NA AKO MATINONG BABAE! MADUMIIIIIII AKO!!!!!!" *PAK!* "ARAY!"

Sa sobrang OA niya hindi na napigilan ng kaibigan niya na batukan ito para tumigil at para narin malaman kong bakit siya nagkakaganoon.

"PROBLEMA MO!? Kung ano ano pinagsasabi mo diyan? Naiputan ka nanaman ba ng kalapati? Akala mo naman end of the world mo na."

Tapos nagbadya nanaman umiyak si Tonyang noong narining iyong end of the world. Pakiramdam niya ganoon na nga ang katauhan niya. END NA. Hindi na siya pure.

"EHHH.. kasi... Keziah!!!!!!! Nakita na niya!!"

Bigla naman nabilaukan si Keziah, kasi noong oras kasing iyon eh umiinom siya ng milo.

THIS YAYA IS INLOVE WITH YOU BOSSING ('wag munang basahin)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon