-Kris pov-
Nag vilbrate phone ko, si dad natawag?
“yes dad?”
(busy ka ba bukas?)
“Ahmm. Hindi naman po, bakit po??”
(Pwede bang ikaw ang mag model para sa partnership ng lee group at ng tan group? Tutal ikaw naman ang magmamanage ng company natin sa future)
“MODEL!? Alam kong gwapo ako dad at madaming baba-“
(anak wag mo ng ituloy ang lakas kasi ng hangin dito, feel ko nga babagyo ata sa lakas)
“hahaha, ikaw talaga dad! Mana lang naman ako sayo! Sige po, anung oras po ba tsaka saan?”
(I’ll text you the details, be sure na pupunta ka, don’t let me down.)
“okay dad.”
-end call-
Hay. Nako, mukha lang ako model pero never akong nag model, kahit nga sa company namin gusto sana nila mom na ako ang maging model kaso I refused masyado akong madaming ginagawa at hindi ko hilig yun. Pero ewan ko ba? Parang trip ko ngayon tutal naman wala din ang ginagawa. Pumasok na ako sa loob ng bahay at dumiretso na sa kwarto ko. Yes, you heard me right, may sarili akong kwarto dito sa bahay nila jeff, nagiisa lang siyang anak kaya halos parang magkapatid na kami at anak na ang turing nila tita andrea at tito aldin sakin.
Nagshower na ako at nag boxers, haha, ganyan ka matulog eh! Humiga na ako ng kama maya maya eh nareceive kona yung details na tinext ni dad sakin. Sa isang eco park sa Batangas gaganapin ang shoot at 7am!? Totoo ba to!? -______- tssss.. makatulog na nga lang maaga pa pala ako bukas
-----
5:30am palang nakaready na ako para umalis, mahaba habang byahe to eh -___- mahirap ng malate lagot nanaman ako kay dad nito -____- bumili nalang ako ng 2 coffee sa starbucks. Isang iinumin ko ngayon at isang iinumin ko mamaya sa shoot.
Around quarter to 7 nakarating na ako sa venue, ang daming tao. Nag park ako sa may parking lot malapit sa mismong pag shu-shootan namin. Maya maya may babaeng lumapit sakin.
“Excuse me sir? Are you Mr.Kristofer Tan?” tanong nung babae.
“Yes” then nag smile ako sakanya. Haha. Namula naman ang babaeng to! Psssshhh, mga babae talaga.
Tumingin siya sa mga kasama nya “Guys! Kayo ng bahala kay Mr. Tan.. Si Miss Lee ba tapos nang ayusan?”
“Yes ma’am”
“okay, be sure na ready na si Mr. Tan in 10 minutes.” Tumingin siya sa orasan nya. “ At around 7:30 start na tayo.”
Miss Lee? Siguro siya yung partner ko sa shoot? Binihisan lang naman nila ako at onting retouch.
“alam nyo po sir bagay kayo ni miss lee!” biglang sabi nung bakla.
“Oh? Talaga?”
“Yes Sir! Nako, sa ganda ba naman ni Miss Lee! Haha.” Edi siya na maganda. -_____- mas maganda padin yung bliss ko.
Speaking of bliss after nitong shoot pupuntahan ko siya sa bahay nila. Sunday kasi ngayon kaya naisip kong bumisita sa kanila.
“Ano ready na ba si Mr.Tan?” sigaw nung babae sa labas ng tent.
![](https://img.wattpad.com/cover/5082310-288-k620113.jpg)
BINABASA MO ANG
Perfect Match
DragosteHanggang saan mo ba kayang magtiis at magintay para sa taong mahal mo? Paano kung siya na mismo yung nagbibigay ng dahilan para iwan mo siya? Sapat na ba yung alam mong mahal ka nya para lang mag stay pa sa isang relasyon na walang kasiguraduhan? _S...