-Denise's POV-
Sa isang araw na yung pageant pero hindi ko padin nakikita sila bliss at kristanas. Simula kasi nung monday nag start na ang rehearsal para sa pageant pero mi-isang meeting hindi pinasukan ni bliss. Kahit na si kristanas, miski anino nya hindi ko pa nakikita, diba nga dapat andito na siya kasi dito na siya nagtatrabaho.
"Ano ba denise?! Bat mo ba sila iniisp?! ano bang pake mo sa relasyon nila!?" sabi ko sa sarili ko. "Wait? Parang si bliss yun ha?" napatingin ako sa babaeng nasa di kalayuan sakin.
Naglalakad na kasi ako ngayon papunta sa rehearsal room 2 days nalang kasi Pageant na. Pero bakit ganun yung itsura ni bliss? Bago siya pumasok sa loob ako hinawakan nya muna yung doorknob at huminga ng malalim. Sa itsura ni bliss, parang ang bigat bigat ng problema nya at halatang hindi siya okay. Bakit kaya? Nagaway kaya sila ni kristanas? Si kristanas din kaya malungkot ngayon? AAAAYYYy!! ANO BA!! PAKEALAM KO BA SA SATANAS NA YUN -______-
ang tagal na nakatayo ni bliss kaya nilapitan kona siya.
"Hello bliss!" bati ko sakanya at halata namang ikinagulat nya ang bigla kong pagsulpot.
"u-uy.. ikaw pala miss denise" binigayan nya ako ng weak smile.
"Denise nalang," sabay ngiti sakanya. "Okay ka lang ba bliss? Parang namumutla ka kasi eh?"
"O-Okay lang po ako. hehehe. tara na pasok na tayo"
"Hmm. osige. hehehe. tara na"
Halos kami nalang palang dalawa ni bliss ang kulang lahat kasi ng contestant nagreready na para sa pagrampa nila. Inilapag kona yung gamit ko ng bigla akong lapitan ng Adviser ng G.L.A.M. sila kasi ang namamahala sa mga ganitong event, at pinapasa lang nila sakin to para sa aproval, remember ako po kasi ang President ng Student Council University.
"Miss denise, Magkakaroon tayo ng Special Production Number at kayo ni Miss Gonzalez ang magpeperform. Nakaready na ang piece nyo dun sa may recording room. after an hour dapat atleast ready na kayo ni miss gonzalez. i already told her the instructions. So see you after an hour?"
ABA'Y KAKAIBA DIN TONG TEACHER NA TO HA -____- Anong tingin nyo samin ni bliss ROBBOT!? para ganun kabilis magprocess ng kanta!? -____-
"Ow.. by the way, ikaw sa piano at si Miss Gonzalez naman sa Guitar. So goodluck. see you after an hour. after that be ready to perform that infront of us later."
WOW LANG HA -_________- May pahabol pa talaga! -____-
"Sure ma'am, see you"
ITAPON KO KAYA TONG MATANDANG TO SA ILOG PASIG! -_- palibhasa matandang dalaga, my gosh! lahat nalang ba ng matatandang dalaga ganyan!? LORDDD!!! PLEASEEE AYOKO PONG TUMANDANG DALAGA BAKA MAMAYA MATULAD AKO SA KASUNGITAN NYA T^T
"Denise. ano tara na?" nakangiting aya sakin ni bliss.
"Sige tara na, baka mamaya may matapon pa ako sa ilog pasig eh" -_- poker face kong sagot sakanya.
"hahaha. nako, ganyan talaga yang si ma'am." tumingin siya sa paligid nya. " Ganyan talaga pag matandang dalaga" sanay bulong nun.
"Hahaha. baliw baliwan ka din pala bliss, o tara na"

BINABASA MO ANG
Perfect Match
RomanceHanggang saan mo ba kayang magtiis at magintay para sa taong mahal mo? Paano kung siya na mismo yung nagbibigay ng dahilan para iwan mo siya? Sapat na ba yung alam mong mahal ka nya para lang mag stay pa sa isang relasyon na walang kasiguraduhan? _S...