-Bliss POV-
(Play the video on this side while reading and if you want after ng nyo basahin you can watch the video. Picture nila kris and bliss. some are taken 7 years ago ->)
( photo of little bliss and little kris->)
Nasa kwarto ako ngayon at tinitignan ang mga pictures namin ni kris at yung ring na binigay nya sakin nung nangako siyang mamahalin nya ako ng sobra at ipaglalabasan sa kahit na sino. Nasasaktan ako sa tuwing naaalala ko yun, halong tuwa at galit sa sarili ang nararamdaman ko. Siya…. kaya nyang gawin lahat para sakin, sarili nyang magulang kaya nyang kalabanin para sakin, kaya nyang iwan lahat para samin. Pero ako….. HINDI KO KAYA. Unti-unting tumulo ang luha ko at wari bang ayaw na nitong tumigil pa. Ang swerte ko kay kris, sobrang pagmamahal ang binibigay nya sakin kaso madami pa akong gustong patunayan, madami pa akong pangarap na gustong matupad.
Sobrang hirap ng desisyon na to dahil mahal ko si Kris. Totoo yun, pero hindi sapat yung pagmamahal na yon para maging matapang ako at ipagpalit ang mga pangarap ko. Dahil ngayon pamilya ko ang dapat kong unahin at kahit pa sarili kong kaligayahan ay dapat kong isakripisyo.
Alam kong magiiba tingin ni kris sakin at baka kamuhian nya pa ako. Iisipin nya na nagawa ko siyang ipagpalit sa kaginhawaan or it will end up pa na iisipin nyang mukha akong pera. Tama ang mommy ni kris, I don’t deserve kris hindi ako worth it para sa love ni kris. Kris deserve someone much more better than me. Hindi ko ina-underestimate ang sarili ko pero mahirap lokohin ang sarili.. mahirap sabihin sa sarili ko na ‘ako! Ako ang nararapat kay kris’ na ‘dapat sakin lang si kris’ kahit alam ko naman sa sarili ko na hindi ako nararapat para sakanya. Hindi masamang tao ang mom ni kris, actually sobrang bait nya dahil kahit alam kong dapat kinamumuhian nya ako dahil sa mas pinili ko ang WEALTH kesa sa LOVE ay nagagawa padin nya akong tratuhin ng ayos ang pinakamsakit na salitang binitawan nya lang sakin ay ang salitang “YOU DON’T DESERVE MY SON’S LOVE” . Alam ko naman na pagsubok lang nya sakin yun, I know tita carmine that much kasi nga kababata ko si kris kahit na di kami close or hindi ako nageexist sakanya ay kilalang kilala ko siya dahil sa mga kwento ni kris. Pero alam ko ding inaasahan na nya yon mula sakin kaya nga umpisa palang ayaw na nya sakin para sa anak nya.
Mahal ko naman talaga si kris eh, Pero kasi no choice na ako, Nangako ako sa sarili ko na iaahon ko sa hirap ang pamilya ko. Na-ipapamukha ko sa magaling kong ama na hindi namin siya kailangan na kahit wala siya ay kaya naming mabuhay. Nasasaktan ako sa tuwing nakikita kong nahihirapan si mama sa pagtataguyod samin pinipilit nyang maging ina at ama samin pero ang mas masakit sakin ay tinatago nya na nahihirapan na siya pinipilit nyang mag mukhang okay lang kahit ang totoo naman nyan ay hirap na hirap na siya. Kahit may sakit siya ay todo kayod padin siya para samin at kasalanan lahat to ng magaling kong ama, alam kong hanggang ngayon ay mahal padin ni mama ang tatay ko dahil gabi gabi nya padin itong iniiyakan habang tinitignan ang litrato nito, ang sakit kasing isipin na nagawa nya kaming lokohin, na may iba pala siyang pamilya na nagawa nya kaming pagmukhaing tanga at masama sa ibang tao. Naging kabit ang nanay ko ng hindi nya nalalaman at wala kaming kaalam alam na anak lang pala kami sa labas at mi-singko hindi nya kami nagawang suportahan. Kaya wala ng makakapagpabago pa ng isip ko, walang mangyayari kung pride ko pa ang iisipin ko. Hindi na ako aatras. Buo na ang loob ko sa disisyon na ginawa ko. Minsan lang dumating ang ganitong pagkakataon at hindi ko hahayaang masayang lang to. Mas mahalaga sakin ang pamilya ko… KAYA KONG GAWIN LAHAT AT KAHIT PA TALIKURAN ANG SARILI KONG KALIGAYAHAN.
Sa totoo lang Sobrang saya ko nung bumalik siya dahil tinupad nya yung pangako nyang babalik siya para sakin at pagbalik nya magiging masaya na kami pero yung sayang yun pala panandalian lang. 7 years kaming walang communication, 7 years kaming nagtiis, 7 years kaming nagintay, 7 years kaming umasang dadating din yung panahon na magkakasama kami at magiging masaya. 7 years…. 7 years na mauuwi lang sa wala… 7 years na pangako at paghihintay na katumabas lang ay 2 months.
BINABASA MO ANG
Perfect Match
RomanceHanggang saan mo ba kayang magtiis at magintay para sa taong mahal mo? Paano kung siya na mismo yung nagbibigay ng dahilan para iwan mo siya? Sapat na ba yung alam mong mahal ka nya para lang mag stay pa sa isang relasyon na walang kasiguraduhan? _S...