Chapter 31 *Special Chapter*

539 18 0
                                    

(A / N :) (very important, pag di binasa ang a/n di nyo to maiiintindihan promise)
Guys, read nyo muna yung next 2 chapter nakalimutan ko kasi ipublish muna
--
KURTNEY'S POV

Tumakbo ako palabas ng resort. Lahat sila nagpanic at nakatingin sakin. Sigaw sila ng sigaw pero di ko pinapansin

"Kurtney! Come back!" Narinig kong saway ng tito ko

"Kurtney bumalik ka ditooo!" Sigaw ni Raiza (new classmate)

"Mami! San ka pupunta!?" Sigaw ni Jana

"Kurtney! Bumalik ka dito!" Sigaw ni Brian

Tumigil ako sandali at humarap sa nangungunang sigaw ni Brian

"Brian, akala mo, mauuto mo rin ako e noh? In the first place, oo napogian ako sayo. Pero sa huli naisip ko. Bat pareho kayo ng pamamlastic na ugali ni Brielle? Bat magkahwig kayo? Magkapatid ba kayo!?" Tanong ko kay Brian. Speechless sya ng may nakita akong babaeng nakaitim na jacket at hinila sya. Tss. Si Brielle yan.

"GUYS, WAG KAYONG MAGPAPANIC, KAKAUSAPIN KO LANG ANG TAONG PINAKAMAMAHAL KO." Sabi ko sa kanila sabay ngiti. Lahat sila naghiyawan at nakita ko ring pumalakpak at ngumiti ang tito ko.

Kahit pa 100,000,000 metres pa yan, tatakbo ako, makausap ko lang si ram.

Takbo lang kurtney. Wag kang susuko. Inalis ko ang sapatos kong may takong at tinapon. Tumakbo nako ng nakangiti. Iniisip ang resulta.

Wag kang hihinto. wag kang susuko. Takbo lang.

Nang nakarating ako sa bahay nila ram ng di namamalayan. Sigaw ako ng sigaw pero walang sumasagot. Naglakad na lang ako pabalik at napadpad sa isang mall. Nakita ko si Ram, Alyssa at Mika. Nakita kong umiiwas ng tingin si Ram habang biglang ngumiti si Mika ng makita ako na hawak ang papel at box

"R-ram... hindi ko alam kung bakit ko nagawa yun kanina. Hindi ko rin alam kung bakit ko nasabi ang mga yun kanina. Pero maniwala ka, Mahal Pa Rin Kita" hindi sumasagot o umiimik man lang si ram.

"Ram naman. Maniwala ka, simula ng pagkukunwari na ito, lagi na lang bumibilis ng tibok ang puso ko. Minsan tumitigil pa nga e. Sabi nga ng iba, your heart only stops when you fall inlove. Maniwala ka. Simula ng mgaing magkaibigan pa lang tayo, di ko alam kung bakit kusang gumalaw ang katawan ko at kusang nagsalita ang bibig ko at ayain kang maging kaibigan. Hanggang sa naging close na tayo. We got to know each other. I was falling inlove with you nun. Manhid ka lang ba talaga?" Sabi ko.

Tumingin sakin ng diretso si ram. Nakatingin sya sa mata ko

"Ako? Manhid? Aba! Kung manhid ako.. bat pa ako pumunta dyan sa Sweet 16 mo? Bat pa ako nakipagbugbugan dun sa Brian na yun? Bat pa ako sorry ng sorry sayo nug nagaway tayo? Bat pa di ako umiyak nun? Bat pa ako nanghihina pag may kasama kang iba? Bat pa kita hinalikan sa labi nuon!? Sabihin mo nga sa akin!? Paano mong nasabing manhid ako samantalang pati ako, nagmamahal sayo!" Sabi ni Ram.

"Manhid ka kasi di mo man lang nahalata! Di mo man lang tinanong kung mahal na ba kita talaga nuon! Oo nga, minahal mo rin ako ng di ko alam pero ram, ramdam na ramdam ko yun. Parang hangin lang yun. Di ko nakikita pero nararamdaman ko. Ram. Magtapat ka nga sakin." Sabi ko

Napatingin ang tatlo sakin

"MINAHAL MO BA TALAGA AKO!?" Tanong ko. Di ko namalayan, Lahat ng tao ay nakatitig samin

"Ahh eh---"

************
End of chaper 30!!

Mahal na nga ba talaga ni ram si Kurtney?

Itutuloy...

Ms. AstigTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon