KURTNEY'S POV
Hayyy ang gwapo talaga ni Brian nalove at first sight ako hahaha xD
Tumahimik ang lahat sa gitna ng pagpapakilala namin sa isa't isa ni Brian. Tumayo na ako ng maayos at nginitian si Brian
"Hoy!" Pamilyar yung boses na yun ah? R-r-Ram!!?
Dumiretso na si Ram kay Brian at binugbog. Nagka-black eye si Brian pero nakabawi naman sya.
"Tama na!" Pilit kong paghihiwalay sa dalawa pero di sila tumitigil
"Sabi ng tama na e!" Sabi ko pero di sila nakikinig
"Ram! Alang-alang man lang sakin! Tumigil ka na! Ito ba ang regalong matatanggap ko ngayon sa birthday ko!?" Sigaw ko. Natahimik ang lahat na parang nasa simbahan lang kami
"Ra-ha-m. Tigil na. Di na kita mahal." Sabi ko. Sinabi ko lang yun para tumigil sya. Napatingin ang lahat sa akin except kay Brian
"Tara na..Mika at Alyssa.. uuwi na tayo" sabi ni Ram kay Mika at alyssa. May nahulog na papel at box si Mika
"Mika! May naiwan ka!" Sigaw ko ngunit kahit isa man lang sa kanila, hindi lumingon at pinansin ako.
Hayst. Kinuha ko yung papel at box at itinabi muna ito. Muli, nagsaya ako, ng parang walang nangyari. Pilit kong binabale wala ang lahat ngunit di ko napipigilan ang luha ko sa paglabas sa mga mata ko. Habang sumasayaw, luha ako ng luha
"Kurtney, okay ka lang ba?" Tanong sakin ni Trishia. (Inimbita rin nya po si Trishia)
"Hindi ko alam kung bakit ko yun nagawa trishia" tuloy uloy na pagdalos ng luha ako nadama ng mukha ko. Umupo muna kami ni Trishia
"Sige lang. Sabihin mo ang nararamdaman mo. Ilabas mo yan" sabi sa akin ni Trishia
"Di ko alam kung bakit ko nagawa yun. Kung bakit ko nasabi yun. Kahit di naman yun totoo. Tulungan mo ako, Trishia. Di ko na kaya ang mga pinaggagagawa ko.tulungan mo naman ako. Ayoko nang mapagisa ulit. Wala nakong lakas magsaya. Pilit kong binale wala ang lahat ng nangyari at ginawa ko ng para bang walang nangyari. Pero hindi ko magawa. Hindi magawang bale walain ang mga nangyari. Hindi magawang magsaya sa Sweet 16 ko. Bat ganun Trishia? Bat ganito ang nararamdaman ko? Inlove na ba ako?" Sagot ko
"Ah eh.. isa lang yan Kurtney. Oo, inlove ka na. " sabi nya
"Anong gagawin ko trishia!? Ang sakit pa rin!" Tuloy na pagdaloy ng mga luha ko sa mukha ko.
"Kung ako ikaw, puntahan mo sya. Kausapin mo. At aminin mo. Hindi yung mahirap sayo, hindi ka sinasabi ang totoo." Sabi ni Trishia.
"T-trishia... ikaw na muna mahala dito." Mukha syang nagtaka sa sinabi ko. Kumuha muna ako ng tissue at kinuha yung box at papel na naiwan ni Mika.
Kailangan kong gawin 'to. Ngayon din
*********************
End of chapter 30!! Woooh!Saan kaya pupunta si Kurtney?
Ano kayang nilalaman ng box at papel na naiwan ni Mika?
Abangan
BINABASA MO ANG
Ms. Astig
Teen FictionNagkukunwari lang naman tayo diba? Eh bat yung feelings ko sa'yo, nagiging totoo na?