KURTNEY'S POV
"ang sweet nyo naman Kurtney at Ram T^T nakaka-inggit :(" sabi ni Trishia na halatang malungkot
"kung natututunan mo naman kasi ako mahalin, eh di sana, ganyan din tayo" sabi ni Allan habang tinatapik yung likod ni Trishia
"putang ina mo, nasabi ko lang yun kasi namimiss ko na yung ex ko. Yung first boyfriend ko. Yung unang lalaking nagkaroon ng lugar sa puso ko. Yung lalaking minahal ko ng sobra" sabi nya habang may pumatak na luha sa mata nya. Kilala ko kasi ex nya. Si Jeremy. Yung manlolokong playboy
"pero" sabi ni Trishia
"niloko nya 'ko" pahabol nya. Halatang-halata sa kanya na sobrang lungkot nya at dumadaloy na ang kanyang mga luha sa nag-gagandahang mata nya. Shett nakakahawa naman yung iyak nya T^T
"wag 'kang magalala, ako? hindi kita lolokohin. Kahit pa ipagtabuyan mo ang. Nandito lang ako palagi" sabi ni Allan habang nakataas ang kanang kamay na ang ibig sabihin ay "promise" at nagdrawing pa ito sa dib-dib ng pa-cross bilang sign na "cross my heart"
"aww tama na yan!! Nilalanggam na kami dito eh!! Baka magkaroon pa dito ng blue na langgam. Hahaha" biro namin ni Ram sabay lapit kay Trishia at cinomfort namin sya.
"Kurtney, sigurado ka bang sa olx na tayo mamimili ng costume?" tanong ni Allan
"hmm, medyo sinisipag ako ngayon soooooooo wag na tayong mag-olx maboboring lang tayong lahat lalo noh" sabi ko
"ohh tama na yan!! Sayang ang pagkain oh?" sabi ko
Nang nakaupo na kami para kumain may biglang nagbukas ng pinto
"hello world! Hello philippines! I'm back!! Woooooooh!" sabi nung bumukas ng pinto. Teka, si George ba 'to?
Ngumiti si Trishia "ui Bro!!" sinalubong nya si George "George ikaw ba talaga yan?" tanong ko na may halong pagta-taka sa mukha "George! We miss you!" sinalubong din ni Ram si George
"ako nga!!" sabi ni George
Naiwan si Allan sa upuan nya. Tss.
Sino ba si George? Sya yung kaibigan at classmates naming nung grade 3 hanggang grade 6. Nung niloko ni Jeremy si Trishia, sya ang nagsilbing bestfriend ni Trishia at si George din ang nagpagaan ng loob ni Trishia nun. Ano namang nagawa ni George para sa akin? Nung nagka-family problem kami, sya mismo ang nag-volunteer para tulungan kami. Anong nagawa ni George kay Ram? Sya yung laging tumutulong kay Ram dumiskarte sa babae nuong nerd pa si Ram. Oo, nerd si Ram pero nung grade 3 at 4 lang.
Pinadala kasi sya ng tatay nya sa ibang bansa kasi grounded sya. Dun rin nya ipinagpatuloy ang pag-aaral. May ginawa kasing napakalaking kalokohan 'tong si George sa school pero mabait yan ;)
"oh? Nakauwi ka na pala. Di mo man lang sinasabi. Oh? Bat ka pala napadalaw?" tanong ko kay Georege habang magkayakap sila ni Trishia ng mahigpit "dito daw ako magii-stay!! Woooooohooooooooo!" sabi nya sa amin.
"teka nga. Sino ka ba?!" matapang na tanong ni Allan
pumunta muna si George sa kitchen at kinain ang pancake ni Allan "ako lang naman si George." sabi nya
"may isa pang rason kung bakit ako magii-stay at napadalaw dito" sabi nya. Hmm? ano kaya yun????? Nakaka-curious naman! (Chitanda's curiosity mode: on!!) Hehehe, favorite ko si Chitanda sa hyouka. Lagi syang curious
"ano?" tanong ni Trishia habang tinabihan at sinabayan pang kumain si George
"may ipagtatapat kasi ako kay Trishia" tumigil sa pagkain si Trishia at George. Si Allan naman, umaapoy na yung mata!!
"ano yun?" tanong ulit ni Trishia
"mahal kita. DATI PA" wooooooooooh!!!!!!! Party-party! Ayy! Naku po! Si Allan! Nga-seselos na!!!!! Love triangle na this!
"ikaw? Mhal mo rin ba ako?"
***********************
end of chapter 45!!!!
BINABASA MO ANG
Ms. Astig
Teen FictionNagkukunwari lang naman tayo diba? Eh bat yung feelings ko sa'yo, nagiging totoo na?