Chapter 35

410 14 1
                                    

KURTNEY'S POV

"wag kang matakot. Madali lang 'to! Madali lang sa kamatayan ng lahat!" mas lalo akong nanginig at natakot sa sinabi ni Brielle

"tatlo lang 'to noh. Una, kailangan mong umakyat ng building na may 100 floors ng hindi gumagamit ng elevator. At hahanapin mo ang susi ng padlock kung san nakakulong ang mga umattend ng party mo. Yun ay para makawala sila. Pangalawa, pagka-hanap mo ng susi, maglalakad sa sa sahig ng walang tsinelas o sapatos. Yayapak ka sa mga pako na nakadikit sa sahig. At ang pangatlo, pag dating mo dun sa loob ng kwarto, pipili ka ng taong pwedng mamatay. Yung nasa buong kwarto lang. Pipili ka ng isa dun. At dun na kayong lahat ay makakalaya" sabi ni Brielle sa walang kaawa-awang tono.

Nantaas ang mga balahibo ko sa katawan ng marinig ko ang dapat kong gawin. Hindi rin na'man ako pwedeng tumanggi dahil nakasalalay dito ang buhay ng mga mahal ko sa buhay.

"pag di mo nagawa yan...... sorry kayo. Hahahahaha. Lahat kayo, mamamatay! Hahahaha" lagi na lang ako kinikilabutan  sa tawa nyang nakakairita

may nilagay syang maliit na bagay sa gown ko " camera yan. Papanoorin ko kung nandadaya ka. Wag kang magalala, hindit 'to mamamatay tao" sinamaan ko sya ng tingin 

binuksan na nya ang pinto at agad agad naman akong lumabas. Paglabas ko, agad bumungad sa akin ang isang building na napakataas. Inisip ko na ito yung tinutukoy ni Brielle na building na may 100 floors. Agad ako tumakbo papunta duon ngunit may humarang na mga security guards. Nagmakaawa akong papasukin ako ngunit hindi sila pumayag. Tinulak ko sila at nagmadaling umakyat

Hirap na hirap akong umakyat ng dahil sa gown ko. Pati na rin sa heels na suot ko. Hinubad ko ang heels na suot ko upang di mabagalan at di sumakit ang mga paa ko.

-***-


napatigil ako 54th floor ng may narinig akong speaker "hay na'ko kurtney.. bilis-bilisan mo naman! Tumingin ka kaya sa likod mo!" alam ko na... si Brielle

tumingin ako sa likod ko pero wala naman. Bumaba ako ng 1 hakbang at yun, nakita ko ang mga security guard na hingal na hingal kakahabol sakin. Nagulat ako kaya tumakbo ako paakyat. Wag kang susuko Kurtney! Pigilan mo ang sakit!  Nagdasal ako ng taimtim na iligtas kaming lahat ng panginoon. 

-***-

nakarating na'ko ng 85th floor. Napatigil ako ng napansin kong wala ng humahabol sa'kin napaupo ako sa sahig at umiyak. Nagdasal ulit ako na bigyan pa ako ng konting lakas pero naisip ko.. bat ba akong sumusuko? bat ako naduduwag? bat ako natatakot?

nagpatuloy ako sa pagtakbo. This time, binilisan ko lalo.

within a minute siguro bawat floor.

nandito na ako sa 91st, kurtney, titigil ka pa ba? yan lang ba kaya mo?

tumakbo ulit ako. Hingala ako ng hingal. Pero naniniwala akong kaya ko 'to!

sa wakas! Nakarating na'ko ng 99th floor! ilang hakbang na lang ay 100th floor na'ko! pero pag akyat ko sa 100th floor, nakita ko ang sahig, punong puno ng pako. 

"welcome to the 2nd task Kurtney!" may narinig akong nagsalita na speaker pero di ko pinansin yun. May napansin kasi akong susi sa gilid ng mga hagdan Kinuha ko iyon at nagpatuloy sa paglalakad. Ilang hakbang lang 'to kaya mo 'to kurtney! Tiwala lang! Nagdasal ako ng paulit-ulit. 

Tumakbo ako sa sahig na punong puno ng pako. Ang sakit.

ang hapdi

arayy.

sobrang sakit..

pero.. binale wala ko iyon at hindi pinansin! Ang kailangan kong tuunan ng pansin ay ang mga taong umattend sa party ko.

-***-

isang hakbang na lang kurtney! Makakarating ka na sa kwarton 'yun!

Napangiti na lang ako at pasimpleng humakbang at kinuha ang susing kinuha ko kanina at binuksan ang isa kwarto na bumungad sa'kin.

Pagbukas ko ng pinto ay naluha ako sa saya at nakita ko ang mga taong umattend ng party ko na nakatali.

"Conggrats Kurtney! You passed the 2 tasks! Now it's time for the final task! Hahahahahah!" tawa nya ulit. Tumawa sya ng ubod ng lakas.. at duon nagising ang lahat

"ram!" tumakbo agad ako kay ram pagkagising na pagkagising nya

*******************

end of chapter 35!!

oh yeahhhhhhh :3 xD



Ms. AstigTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon