Sa kwentong ito, makikilala niyo ang dalawang lalaki: Si Jake at si Lance.
Antipatiko; Matalino; Goal-oriented at Minsa’y pasaway. That's Jake. Kasama siya sa top 10 sa batch namin. ‘Pag nakakasalubong mo sa corridor, hindi mo aakalaing kasama siya sa Debate team namin dahil madalas, tahimik lang siya. Pero promise, isa sya sa mga taong may sense kausap. Marunong siyang maki ride. Mayaman sila pero mas pinipili niyang magcommute araw araw dahil sayang raw ang gasolina. Takot siya sa mga multo, pero gusto niya yung mga palabas na halos magsuka na ako sa torture na napapanood ko. Kadiri lang diba.
Hindi ko alam kung pano ko idedescribe si Lance dahil nag-iiba ang ugali niya, depende sa mga kasama nya. Kaklase ko sya nung first at second year kami. Natanggal siya sa first section nung nag third year kami. Palatawa siya at mahilig magjoke. Mahilig rin siyang tumugtog ng instruments. Araw araw nga ay may dala ata siyang gitara. Simula nung second year kami, apat na ata ang naging girlfriend niya. Nagbago ang ihip ng hangin ngayong graduating na kami, dahil hindi na sya sumubok manligaw ulit… Sa pagkakaalam ko.
Magkaibang magkaiba ang ugali nila, pero isa lang ang pinagkapareho nila:
Sa isang punto ng buhay ko, akala ko, isa na sa kanila ang para sa akin.
--------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------
This is my first story po. Sana po pagtiyagaan at magustuhan niyo! ^^