Chapter 1

40 2 0
                                    

Chapter 1

[Cyra‘s POV]

 “Anong coverage ng unit test next week sa Math? How about in Filipino? Simula anong kabanata ba yung test sa El Fili?”

“Hoy magbayad na kayo! Malaki na ang utang natin sa mga nag-abono at marami pa tayong bibilhin! Hoy yung B1- 18 wala pang nagbabayad. Except kay B6. Sa girls G1-9 palang yung nasisingil ko.”

“Kasalanan mo yan! Gumawa ka ng paraan. Walang himala!!”

“…Dapat recycled materials yung gamitin. ‘Yun yung nakalagay sa mechanics!”

“Oy natapon yung ginugupit ko! Dahan dahan naman dyan oh, please lang?!”

Nagkahalo halo na ang ingay sa classroom namin pagpasok ko. Madalas kasi quarter to 7 nako nakakarating ng school. Pero never akong na- late. NEVER. Marami nang tao. Araw araw, riot yung naaabutan ko dito sa school. First section kami pero ang gulo namin. Kakaiba lang diba.

Ako nga pala  si Cyra Enriquez, Sampaloc, Manila, 16! Feeling ko naman beauty queen ako. Haha. Feeling lang naman. Hindi naman masama diba? Sige, idedescribe ko sarili ko. 5’4 height ko, hindi ako ganun kaputi, pero hindi rin naman ako maitim. Sakto lang. Matangos ilong ko (well, mana ako sa tatay ko eh), malamlam ang mga mata ko at naka braces at salamin (minsan contact lens) ako. Betty La Fea lang ba? Haha. Uhm, medyo mas maganda naman ako kesa sa kanya no. Bestfriend ko si Nestle, Melly at Jeanina at nagdadate kami tuwing Tuesday. Crush ko si Jake Vargas! Este, Jake Del Monte. Heehee. :”””> Mga two years ko na siyang crush. Loyal no? :)) Mahilig ako sa vanilla ice cream at pizza lalo na yung New York’s Finest ng Yellow cab. Pero di naman ako choosy. Basta may ice cream at pizza, solve nako. :D Matakaw ako. Sobra. Pero buti nalang, hindi ako tumataba. Haha! Vital statistics ko? 33-25-36. Pwede na diba? :)) Feeler ko talaga. Sorry naman phoewxzsx. Madaldal ako at hindi ako marunong bumulong (sabi ng mga kaklase ko). Masaya naman buhay ko kaya lang wala na parents ko. Last year kasi, naaksidente sila kaya ang kasama ko nalang ay ate ko. Buti nalang naging doctor na si ate bago mamatay sila mama at papa. Actually, step sister ko lang siya. Kapatid ko siya kay papa. Yung unang asawa kasi ni papa, namatay nung 9 years old palang si ate. 14 years agwat namin. Tanda niya na no? :)) Basta, ilan lang yang facts tungkol sakin.

“Cy! Nadala mo ba yung glue gun?” Tawag sakin ni Nestle. Opo, Nestle talaga yung pangalan nya pero di naman sila yung owner ng Nestle na ice cream. Siya ata ang Coco Martin ng batch namin. Artistahin daw siya eh. Sabi ng nanay niya. 

“Oo naman, Nes. Nasa bag ko. Kailangan mo na ba?” Tanong ko habang nilalapag ko ang gamit ko sa upuan.

“Hindi pa naman. Para lang makahiram sa ibang section kung hindi mo nadala.” Sagot niya. Dalawang buwan ko na atang katabi tong si Nestle. At kaklase ko rin siya simula nung first year kami kaya ‘wag na kayong magtaka kung bakit malapit kami sa isa’t isa. Bale, three years and two months ko na siyang kasama! Nakakasawa rin kaya minsan. 

Unti- unting humupa yung kaingayan ng mga kaklase ko. Habang nakikipag kwentuhan ako kila Patricia, Felix at Melly, pumasok yung teacher namin. Aba. Maaga ata siya ngayon.

“Good Morning, class.” Taas nanaman ng heels at kapal nanaman ng eye shadow niya. -___-

“Goooood mor-ning Ma’am Re-yeeees” Pang-aasar ng mga kaklase ko. Gustong gusto nilang pinapahaba at pinuputol putol ang pagbati dito kay ma’am. Nagcecrescendo pa pagdating dun sa yes sa Reyes. Mga weirdo.

“Please sit down. Class secretary, please check the attendance. Are there absentees?” Tanong ni Ma’am.

“One absentee for today, Ma’am: Gavin Villaruel.” Lumapit na si Jane sa teacher’s table para ilista yung absent.

“Gavin again? Okay.. I will give you my period to prepare for the contest tomorrow. Are you almost done with the decorations? How about the food that you will give to the judges?” tanong ni Ma’am. Bukas na kasi yung “Pista” na contest in celebration of the buwan ng wika. Idedesign namin yung classroom na parang may fiesta. Ang naassign sa year namin ay Maskara Festival. Madali lang kaso maraming gastos tsaka kailangan recycled materials yung gamit.

“Ma’am we’re already done with the decorations. We just need to stick them to the wall and… the board.” Sagot ni Felix, president namin.

“Okay good. Just tell me if you need me, I’ll be in the faculty room.” Nagpaalam na si Ma’am. Buti naman at may oras pa kami magprepare. Nagsinungaling lang naman si Felix na ididikit nalang yung mga decorations. Well, partly true kasi natapos na namin yung benteng malalaking maskara, mga maliliit na maskara na ididikit sa paligid at yung mga bamboo na tinayo sa entrance. Kulang nalang yung mga bulaklak, yung poster, yung mga pinapagupit na crepe papers at pagkain.

Nilagay na sa gilid lahat ng upuan para makapagtrabaho na lahat ng maayos. Well, hindi naman talaga lahat kailangan magtrabaho. Onti nalang naman kasi yung kailangan gawin. Karamihan eh mga bibilhin nalang. Sumama ako sa grupo ng mga naggugupit ng crepe papers.

Malapit nang mag lunch. Grabe nahihilo nanaman ako. Binitawan ko muna yung crepe paper na ginugupit kong parang bulaklak at uminom ako ng Biogesic.

“Ano, hilo ka nanaman Cyra?” tanong ni Jane.

“Medyo eh.”

“Sige maupo ka nalang muna jan. akin na yung ginugupit mo. Wala naman akong ginagawa eh.” Iniabot ko na kay Jane yung gunting at crepe paper. Lumapit ako kay Melly.

“Mel, sabay na tayo bumiling lunch”

“Sorry Cy, may baon ako eh. Yun si Jake oh, diba laging bumibili yan?” Sabay turo kay Jake.

“Ano yon?” Parang gulat na tanong ni Jake.

“Bibili ka ba? Sabay nako.” Sabi ko. ‘Ba yan, kakahiya pero kailangan tarayan para di obvious na crush ko sya.

“Sige.” Sagot niya. Ang sungit talaga nito kahit kelan. First year palang kami masungit na to. Pero pag katext ko, hindi naman masungit. Gulo lang no?

--------

Pababa na kami. Andaming tao sa corridor pero tahimik lang kami. Ewk-weeerd.

“Hindi ka ata kumain eh.” Nagulat ako sa tanong ng masungit na to.

“Uy joke ka ba? Ako nga ata pinaka matakaw samin nila Melly eh.” Narealize ko na parang totoo.

“Matakaw daw. Eh bat nahihilo ka nanaman kanina?” Uy wait bakit alam niya? Tinitignan niya ako?? Hahaha! Uy ano ba yan bakit kinikilig ako. Enebeee.

Kaya lang, akala mo ipinaglihi sya kay Miriam Defensor. Masungit talaga. Napatingin ako sa mata niya. Ngayon ko lang napansin. Mapungay pala ang mga mata niya. Ay Grabe! Wait napatigil kame sa paglalakad dahil sa eye-to-eye namin. Shet lang.

“Ano?” Tanong niya.

Leche sabi na nga ba magsusungit nanaman to.

“Wala. Inisip ko lang kung bakit ang sungit mo.” Palusot ko.

“Aba aba. Ako masungit? Asa! Humanda ka pag puro gulay binebenta sa canteen ha.”

“Mas humanda ka pag isda yung binebenta. :P” Natawa kami pareho.

Bakit kaya ganito si Jake? Ang sarap itanong kung ano ba ko sa kanya. Ayoko rin naman kasing umasa. Mahirap kayang magpigil ng nararamdaman.

--------------------------------------------------------------------------------------------------------------

Tapos na po chapter 1. Onting tiis pa po sana po basahin niyo pa! Thank you!!! ^^

First or Last love?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon