Chapter 10

16 1 0
                                    

Chapter 10

[Cyra’s POV]

Iniisip ko parin kung anong nangyari kay Sabrina at Jake. Tutal Friday naman ngayon at sigurado akong ihahatid ako ni Jake, itatanong ko na rin sa kanya.

“Uhm Jake, kamusta ka naman?” Tinanong ko siya while we’re ordering pizza sa Greenwich.

“Huh? Anong klaseng tanong yan? Kumpleto pa naman parte ng katawan ko kaya okay lang ako.” He brought out his wallet.

“Ako na magbabayad.” He added.

“Hindi na. Ako naman kakain niyan sa bahay kaya ako na. Tsaka nakakahiya sa’yo. Ililibre mo pa ko, hindi ko naman birthday. Haha!” Nahiya rin naman ako siyempre so I also brought my wallet out.

“Ang kulit mo. Sige na, ako na.” Pag-iinsist niya.

“Ako na magbabayad niyan. Ilibre mo na lang ako ng pearl coolers.”

“Ako na magbabayad. Ilibre mo na lang sarili mo ng pearl coolers.”

“Ako na nga sabi!”

“Hoy Cyra hindi na kita ihahatid sa inyo, sige ka.”

“Ako pa talaga tinakot mo? Edi wag!”

“Next please!” Sabi nung waitress.

Naglabas ng 500 si Jake tapos binigay niya sa waitress.

“I’ll pay for her order.” Tapos ngumiti yung waitress.

Umorder na ako. Wala na akong magawa eh. Makulit kasi si Jake. Binigyan kami ng number nung waitress and she told us to wait nalang daw.

“Jake, nabalitaan ko yung nangyari sa tatay mo tsaka sa nanay ni Sabrina.” I told him.

“Huh? Anong nangyari sa tatay ko at nanay ni Sabrina?”

“Huh? Nawalan daw ng trabaho.”

“Hindi ah! May trabaho pa yung tatay ko, pero he’s on leave. May sakit kasi yung lola ko sa America kaya kailangan niyang umuwi. Pero yung nanay ni Sabrina, wala na talaga. San mo naman nakuha yung balitang yun?” He played with his handkerchief.

“Nakalimutan ko na eh. May nagtanong lang sa kin.” I lied. Siyempre ayokong masabihang chismoso yung kaibigan ko.

We remained silent until the pizza arrived.

“Thank you.” Sabi ko dun sa waiter tas umalis na kami

“Pearl coolers” Sabi ni Jake.

“Ha?” Nagulat naman ako dun

“Ikaw pala si Pearl coolers. “ Tapos tumawa siya.

Hala. Weirdo ng lolo mo.

“Pearl coolers na tawag ko sa yo ngayon… Teka, masyadong mahaba. PC nalang.”

“Parang personal computer ah.” I laughed.

“Pwede rin. Haha. Pwedeng painom, PC?” Then he motioned for me to give my drink to him.

“Hoy ano ka sinuswerte? Ayoko nga!!” Pero sa totoo lang, naisip ko baka mag-indirect kiss kami. Hahahha!

“Nilibre na nga kita ng pizza eh! Sige na nauuhaw na ako eh.” He pleaded.

“Sabi ko na nga ba may kapalit yang panlilibre mo eh. Pero, no. Ayaw parin kitang painumin. :P”

“Oo may kapalit talaga yan. Kung ayaw mo akong painumin, samahan mo nalang ako manood ng sine sa Saturday.” Sabi niya.

“Saturday??” Teka, napapasmile ako ng wala sa oras so I turned on the other side.

“Ano?” He asked.

“Teka pinag-iisipan ko pa!”

“Oh talaga? Since kelan ka pa nagsimulang mag-isip? Dali na, iuuwi ko tong pizza mo!”

“Tinatakot mo nanaman ba ko? Nakakailan ka na ah!” Ano ba yan. Nagsisigawan kami habang naglalakad. Hindi naman sobrang lakas ng sigaw namin pero naririnig nung mga nakakasalubong namin.

“Natatakot ka naman. Samahan mo na ko ah. Ok. Pag ako T-ni-S mo..”

“Ano?”

“Kikiss kita. :P”

EEEEHHHHHHHHHHHHHHH!!! :”> ANO? TS KO NA BA SIYA?? =))

“Ay teka, baka i-TS mo talaga ko para i-kiss kita.” Nag- isip siya kunwari.

“Bastos ka talaga! Sira! Dun ka na nga! Manyak! Go! Chupi!” Tapos tinulak ko siya palayo. Nakakaasar talaga tong si Jake. Kinikilig ako masyado. Hahaha.

Pagsakay namin sa jeep, as usual, siya ulit nagbayad ng pamasahe. Yayaman ata ako pag siya ang kasama ko eh. Di ko nagagamit allowance ko kaya marami akong naiipon. Hahaha!

“O pano, Saturday ah? Walang TS! Joke lang yung ikikiss kita! Kala mo naman totoo. Baka tsansingan mo pa ko.” Sabi niya pagdating namin sa bahay tapos umalis na siya.

Ano ba yan. Di man lang ako hinayaang mag explain. May angking kabastusan talaga yun eh. Teka, wala pa akong isusuot. Takbo agad ako sa kwarto at naghanap ng damit. Gaaaahhd! Kulang na lang may lumabas na langaw sa cabinet ko sa sobrang luma ng mga damit. Kailangan ko bumili. I’ll call Melly nalang to go with me.

Kumain ako ng apat na slices tapos tinirhan ko si Nestle. Sigurado akong gutom at pagod yun mamaya.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: May 10, 2013 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

First or Last love?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon