Chapter 6

27 2 2
                                    

Chapter 6

[Cyra’s POV]

Pagcharge ko ng cellphone ko, nagtext si Jake.

“Nakauwi ka na?”

“Oo. Ikaw?”

“Pauwi palang. Pwede ba kitang tawagan mamaya?”

“Bakit ka tatawag? Ok lang naman. Wala naman akong gagawin eh. Yung essay lang.”

Hindi na siya nagreply. Nagpatugtog nalang ako.

The thing about love

Is I never saw it comin'

It kinda crept up and took me by surprise

Shet. First line palang kinikilig na ako. Naalala ko tuloy yung kasabay ko syang bumili ng lunch tapos yung paghahatid niya sa akin. Alam ko sobrang simple lang ng mga bagay na yun, pero sino ba namang mag-aakala na pwede pala yung mangyari? Na pwede pala yung magawa ni Jake?

And now there's a voice inside my heart that's got me wondering 

Is this true, I want to hear it one more time 

Move in a little closer 

Take it to a--

Tumigil yung kanta. Tumatawag na pala si Jake. Teka, kinakabahan ako. Tinawagan niya na ako dati pero ewan ko. Kakaiba yung feeling ko ngayon. Nagpunta ako sa terrace bago ko sagutin yung tawag niya. Mas malamig kasi dun eh. Para feel na feel ko.

“Hello?” Sabi ni Jake.

“Hi, Jake.” Eeeehh!! Napasmile ako kaasar lang. Feeling ko ang ganda ko. Tinatawagan ako eh. Hahahha! Feeling lang naman ano ba kayo. Pagbigyan please?

“Hello? Hoy anjan ka ba? Hello? hello?”

Ano ba yan. Ang sweet sweet nung Hi Jake ko tapos hindi pala ako naririnig? Wow lang ha. -___-

“Hello!! Ano ba? Hello!”

“Wag kang sumigaw! Hindi ako bingi!”

“Eh hindi mo nga ako marinig kanina eh. Hindi raw bingi.”

“Eh kasi mahina yung signal dito sa kwarto ni July. Palabas na nga ako sa garahe eh.”

“Sinong July? So kailangan ko mag thank you kasi lumipat ka?”

“Babaeng to talaga. Kapatid ko yun. Ang kulit eh. Kanina pa humihingi ng pasalubong pagdating ko. Ayaw akong tigilan.”

“Ang cute naman! Hahaha! Ako nga gusto ko magkaron ng maliit na kapatid eh. Tapos ikaw tinataboy taboy mo lang. Kawawa naman siya.”

“Antaba taba nga nito eh. Parang bola ang sarap ibato.”

“Huy ang sama mo naman. Kahit kailan ang sungit mo talaga. Meron ka ba?”

“Anong meron? Bastos ka ah!”

“Eh ang sungit mo eh. Daig mo pa nagmemenopause.”

“Hindi ah. Ano, tapos mo na yung essay?”

“Malapit na. Onting edit nalang. Andami naman kasing words. 350 ba naman. Baka maubusan ako ng words nito at kailanganin ko pang humingi sa kapitbahay namin.”

“Bakit hihingi ka pa sa kapitbahay niyo, edi sakin ka nalang humingi. Mas marami naman akong mabibigay sigurado ako.”

“Hoy ano ka taga UP yung kapitbahay namin!”

First or Last love?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon