Chapter 2
[Cyra’s POV]
Andaming tao sa canteen. -____- Si Jake yung pumila para bumili ng pagkain namin. Ako naman, bumili ng inumin namin. Syempre coke para sa kanya. Paborito niya eh. Inantay ko siya nang may nagtakip ng mga mata ko. Sino kaya ‘to?
“uy sino to?” Tanong ko.
Hindi siya sumagot.
“Jake? Hoy ano ka ba umakyat na nga lang tayo!” Nilaksan ko na ng onti yung boses ko.
“Selos naman ako! Jake nalang lagi. Magkasama na nga kayo sa classroom eh.” Si Lance pala.
“Eh para namang makikilala kita kung nakatakip yung mata ko diba?” Tinawanan ko siya.
“Sabay na tayong umakyat, Cy” Alok niya.
Hala. Eh pano si Jake.
“Sige, antayin lang natin si Jake.” Sabi ko.
“Ay, wag na pala. Kila James nalang ako sasabay. Sasabihan nanaman nila akong talkshit.” Sabi niya.
Buti naman. Baka hindi pa ibigay ni Jake yung pagkain ko kung iiwan ko siya.
“O sige. Bye.” Ngumiti na siya paalis.
--------------------------------
Pagkatapos ng lunch, tinuloy na namin yung ginagawa namin hanggang dismissal. 30 students lang kami sa klase at karamihan pa ay nagtetraining kaya madaling maubusan ng studyante yung classroom namin. Sa girls, 3 ang member ng volleyball varsity (Sabrina, Mae at Agnes) at 2 naman sa swimming (Jeanina at Dianna). Sa boys, 4 sa track and field (PJ, Marco, Jan at Chris), 2 sa baseball (Felix at Gavin) at 2 sa basketball (Paulo at Adam). May members din kami ng glee club, hulag (dance troupe), pep squad, debate team at student council. O diba, star-studded ang section namin. 5 lang ang section ng batch naming kaya halos lahat ay magkakakilala. Marami pa ngang nagpapatutor sa amin pag lunch eh. Saya lang no? At least hindi kami binabash at pinagtutulungan nung heterogeneous classes.
“Oy guys, anong homework?” Tanong ni Gavin.
“Wala. Lahat ng teachers binigay time nila para mag-ayos para bukas. Madaya ka wala kang ginawa! Dumating ka pa talaga ah!” Sagot ni Melly.
“Aba mabuti naman!” Sabay tawa niya. Bakit kaya absent itong mokong na to? Mukhang wala naman siyang sakit eh. Mas malakas pa ata sa kabayo to.
Lumapit sakin si Jake.
“Sabay na tayo umuwi. Pareho lang naman dadaanan natin diba?” Alok niya.
“Oo. Pero kakain pa kami nila Melly. Mauna ka na.” Pero sa totoo lang, OO JAKE TEKA TARA UWI NA TAYO, A WALK TO REMEMBER NANAMAN TO! =))
“Tamang tama. Maglalaro pa kami nila Gavin ng COD. 4:00 ha. Wag ka nang maarte at wag kang matagal. Itext mo nalang kung san kayo kakain. Dadaanan nalang kita.” Sabi niya.
Exca-use meh? Ako maarte? Parang hindi naman. Nakakaloko talaga tong si Jake eh. Di ko alam kung anong motibo sa buhay. Hindi naman talaga kami laging nagsasabay pauwi. Mga twice a week lang. Pero lagi pa rin akong kinikilig. Hahahaha.
Nagpunta na kami nila Melly at Jeanina sa Greenwich. Paborito nila dito eh. Ok lng naman sakin kasi may pizza.
“Oy Jeanina hindi ka nanaman nagtraining. Patay ka sa coach mo.” Asar ni Melly.
“Wala kasing training ngayon. Remember, Tuesday? Haller?” Sabi ni Jeanina.
“Ay so wala ring training sila Felix? Kaya pala maglalaro sila ng COD nila Jake.” Singit ko.
“Yes. Free day ng athletes today, ano ba. Pagpahingahin niyo naman kami . Hanggang Saturday kaya may training kami.” - Jeanina
“Wala naman kaming sinasabing magtraining kayo ngayon. Di lang namin memorize ang schedule niyo.”- Melly
“Nga pala, magkasabay nanaman kayo ni Jake kaninang lunch ha” –Jeanina
“Hindi. Eto lang kasing si Mel eh nagbaon. Ayaw naman akong samahan bumili sa canteen kaya si Jake yung kasama ko. Nasan si Nestle?” – Ako
“Sus! Change topic. Pero may meeting daw sa club si Nes. Ano. Tinetext ka na ba niya?” – Jeanina
“Duh! Huli ka na sa balita! Call and text pa sila noh since summer. Nililigawan na nga ata ni Jake tong dalaga natin eh! Hahahaha” – Melly
“Hindi kaya niya ko nililigawan. Mga bastos kayo. Haha!” –Ako :””>
“Landi mo nagbblush ka pa! Eh ano na? Diba second year palang tayo crush mo na yun?” – Jeanina
“Ano naman kung crush ko? Tsaka diba nagkagirlfriend siya tas nitong third year lang naman sila nagbreak nung girlfriend niya. Nagmomove on lang siguro siya.” – Ako
“So rebound ka?? Wag mo nang pagtakpan! Tsaka halata naman na gusto ka niya eh.” – Melly
“Hindi nga kase. Ano ka ba. Saming dalawa, ako lang yung nagkakagusto.” – Ako
“Siya siya sige na nga. Eh pano yun, araw araw kayong magkausap? Anong pinag-uusapan niyo? Medyo antipatiko yun diba?” – Melly
“Ewan ko. Iba siya pag katext ko eh. Makulit tapos palakwento. Di katulad sa personal.” - Ako
“Talaga?! Pabasa nga ng text niya!” – Jeanina
“Wala na. Binura ko na.” – Ako
“Weh? As in LAHAT?!?” – Jeanina
“OO! Kaya kumain na tayo!”- Ako
Sinungaling talaga ko. Yung mga sweet texts niya kasi, sinasave ko sa isang folder sa cp ko. Haha! Para may mabasa naman akong maganda bago ako matulog diba.
4:10 na. Bumaba na kami. Hindi ko napansin na nagtext pala si Jake kanina na naghihintay na pala siya. Pag nakita siya nila Melly, patay nanaman ako sa kantyaw nito! Pero ayoko naman mag-inarte. Kunwari wala akong alam. Kunwari nagkataon lang na nandun siya.
“O Jake! Andito ka pala. Anong ginagawa mo?” Inunahan ko na sila Melly. Mas mahirap magpalusot pag nauna silang magtanong.
“Ha? Anong sinasabi mo. Kanina pa ako dito. Ang bagal mo talaga kahit kelan.” Sabi ni Jake.
“Hoy anong sinasabi mo diyan? Kasalanan ko ba yon. Ano bang ginagawa mo dito?” Nilakihan ko na mata ko. Sana makiride naman tong mokong na to.
“Anong anong ginagawa ko dito? Sa pagkakaalam ko, kasalanan mo to. 4:13 na sa orasan ko oh.” Turo ni Jake sa relo niya.
“Excuse me, andito kami. Pero sige, aalis na kami. Jake ikaw na maghatid diyan ah! Bye!” Sabi ni Jeanina pero tumakbo agad sila palayo. Magagaling na mga kaibigan.
“Ano ba naman yan! Ang tali talino mo tas hindi mo magets na nagpapanggap akong kunwari nagkataon lang na nandito ka!” Sigaw ko kay Jake. Kinikilig ako pero ginagalit ako nito. Tskkk!
“Malay ko bang nagpapanggap kang nagkataon lang na nandito ako. Kung tinext mo man lang sana na tinatago mo ko sa mga kaibigan mo, edi sana nagtago talaga ako.” Sagot ni Jake.
Oo nga naman. May point siya.
“Bakit ba kasi tinatago mo pa ko?” Tanong ni Jake.
Biglang bumagal yung paglalakad namin. Ayoko ng ganito.
“Hindi kita tinatago. Ayoko lang isipin nila na nililigawan mo ko.” Sagot ko.
Hindi na siya sumagot. Kahit sa jeep, tahimik lang kami. Ano ba ‘to. Mas awkward. Malapit na kami sa bahay. Mga isang kanto nalang, pero wala parin siyang sinasabi. Nakakabingi yung katahimikan. Sigurado naman akong wala pang tao sa bahay dahil patay pa yung mga ilaw. Pag dumarating si ate, nagbubukas agad yun ng ilaw eh.
“Sige. Dito na ko. Magtext ka nalang pag nakauwi ka na.” Sabi ko.
“Sige.”
-----------------------------------------------------------------------------------------------------------------------
Hi po. Sorry po sa corny na chapter na to. Haha! Susubukan ko pa pong galingan sana po basahin niyo pa yung mga susunod na chapters at papromote din po ^^