Chapter 5
[Jake’s POV]
Tumingin ulit ako sa relo ko. 6:59 na ah. Wala pa si Cyra. Absent din kaya?
Bumukas yung pinto. Si Lance may dalang box. Ano kayang ginagawa niya dito. Eh hindi naman na namin siya kaklase. Nagkamali ata ng pasok.
“Oy pre, ano yan? Gown? Hahahaha!” Sigaw ni Felix
“Oo gown to! gown ni Cyra! Di akin to no.” Sabay batok kay Felix. Tapos lumabas na rin siya.
Gown ni Cyra? Para san kaya yun. Wala naman akong alam na pag-gagamitan niya nun. Lumapit si Aiko dun sa box.
“Eh asan kaya si Cyra? Hiniram ko to sa kanya eh.” Tanong ni Aiko
Ah. Siya pala ang gagamit. Siguro nalate ng gising si Cyra. O kaya naiwan niya sa bahay tapos binalikan pa niya yung gown.
Aray! Takte. Na thumbtacks ko sarili ko.
“Oy sinong may band aid jan? May sugat si Jake!” – PJ
Pumasok si Cyra.
“Hoy band aid daw!” – Aiko
“Band aid? Ako meron! Sinong may sugat?” Sabi ni Cyra sabay kuha ng band aid sa wallet niya.
“Ako.”
Parang nagulat si Cyra. Ayaw pa niyang lumapit. Hay nako. Nagvovolunteer magbigay ng band aid pero parang ayaw naman ibigay. Ako na nga lalapit.
“Thanks.” Tumalikod nako tas tinuloy ko na yung ginagawa ko. Bangag pa ata siya.
[Cyra’s POV]
Sa lahat naman ng masusugatan bakit si Jake pa. Akala ko man of steel siya. Nakakahiya. Sana pala hindi ko nalang sinabing may band aid ako. Huhu.
Natapos ang nakakapagod na araw na to. Hindi man kami nagchampion, 1st runner up naman kami. Okay na rin yun diba? At least pangalawa sa limang sections.
Umuwi ako kasabay si Melly. Nalaman kong type pala niya si Gavin.
“Ay. Taray mo, teh. Si Gavin pa gusto. Hahahaha!” Asar ko sa kanya.
“Eh kasi ngayon ko lang napaniwalaan na gwapo nga siya. Tapos ilang araw ko na rin siyang katext. We’re getting there you know.”
“Getting where?”
“Ligaw stage. I can feel it!”
“Hahaha! Hoy bruha ka. Ligaw agad? Ilang araw pa lang kayo magkatext.”
“Umamin siya. Matagal na raw niya akong crush no! In fact, inantay niya ako sa benches kanina at sabay kaming pumasok. :P”
“Okay? Corny niyo.”
“Inggit ka lang. Hindi ka kasi inaantay ni Jake pag umaga!”
“Hinahatid naman niya ako pauwi!”
“Ah hinahatid pauwi ah? Eh asan siya ngayon? Anyare??”
“Hindi pa ako tapos excited ka sumagot eh. Hinahatid niya ako pauwi… Tuwing Tuesday at Friday!”
“May schedule talaga ah. Eh pano pag may hinahatid rin pala siya kaya hindi ka niya hinahatid tuwing Monday, Wednesday at Thursday?”
“Edi may ihatid siya! School service kaya yon!”
Nag smirk lang si Melly. Pano kaya kung tama siya? Kaya pala may schedule lang yung paghahatid niya ay dahil may hinahatid siyang iba. Eh. Ayoko nang isipin. Hindi naman kami eh. HINDI KAMI.
---------------------------------------------------------------------------------------------------------