Chapter 9

19 0 0
                                    

Chapter 9

[Nestle’s POV]

Ilang araw na akong halos 10 nakakauwi dahil sa practices para sa play sa October. Malas naman. Sa Antipolo pa kasi yung bahay namin eh. Sa kasuluk-sulukan ng Antipolo. -________-

“Nes, balita ko nagsisimula na kayo magpractice para sa play ah?” tanong ni Cyra. Blooming siya ngayon ah.

“Oo. Last week pa! Kung hindi lang ako yung asst. director uuwi ako ng maaga eh. 8 pasado na rin kasi natatapos yung practices. Minsan nageextend pa! Alam mo naman kung gano kalayo yung bahay namin diba? Mga pitong bundok pa. Minsan nga alas dose na ko nakakatulog eh. Sabi ng nanay ko awang awa na raw siya sakin”

“Grabe naman maka awang awa yung nanay mo. Kala mo binubugbog ka. Hahaha! Eh pano yun? Wala ka bang matutuluyan muna na kamag- anak dito malapit sa school? Delikado na rin kasi. Balita ko marami raw ninanakawan tas pinapatay tas kinukuhanan ng lamang loob sa Antipolo eh.”

Aba. Tinakot pa ako ng babaeng to.

“Grabe! Sa Antipolo lang?! Hindi ba pwedeng sa buong Pilipinas naman yung maraming yun?”

“Hindi eh. Sa Antipolo lang daw.”

“Ano ba yan. Ewan ko. Wala naman kaming kamag-anak dito. Yung mga kamag-anak ko nasa Aklan pa. Wow lang diba.”

“Mas mapapalayo ka pa pala. Hahaha!”

Parang ang saya saya ni Cyra ah. In love siguro. Aba itong babaeng to hindi nagkukwento.

“Alam ko na, Nes! Dun ka nalang samin muna! Magpapaalam ako kay ate. Para may kasama kaming lalaki, Para pag sinubukan kaming nakawan ng Budol budol gang, nandun ka!”

“Hala! At ako pa talaga gagawin mong bodyguard ah. Papahirapan mo pako. Eh pano kung manakawan nga kayo? Baka bugbog sarado ako niyan sa mga magnanakaw!”

“Ano ka ba! Joke lang yun. Magpaalam ka sa nanay at tatay mo ah. Isang week nalang naman diba? Sana payagan ka.”

“Sige. Sana rin pumayag yung ate mo.”

Pagkauwi ko, nagpaalam agad ako sa nanay at tatay ko. Yung tatay ko, pumayag. Si mama, hindi.

“Ma, malaki na ko. Tsaka nahihirapan narin ako sa araw araw na gabing gabi na umuuwi.” Pinipilit ko parin nanay ko.

“Okay na ‘yun kesa naman makikigulo ka pa dun kila Cyra. Nakakahiya rin sa ate niya.”

“Ano ba naman yan, ma. Parang others naman sila Cyra oh. At isa pa, siya rin naman yung nag offer na dun muna ako. Kung gusto mo araw araw kitang tatawagan para mapanatag yan loob mo. Isang week lang naman po eh”

Natahimik yung nanay ko. Nag-iisip siguro. Siya yung nagsasabing nakaka awa ako tapos siya yung ayaw pumayag.

“Nestle, matulog ka na. Bukas na natin yan pag-usapan.”

What?! Ano yun?! Papayag ba o hindi? Nakakainis naman oh.

“Pa. kausapin mo nga yang si mama. Siya itong awang awa sakin pagdating ko tapos ayaw niya pumayag.” Pati tatay ko kinuntsaba ko na.

“Sige. Magimpake ka na. Ako na bahala dito sa mama mo.”

Yes! Kakampi ko talaga tong si papa.

“Salamat pa!”

“Basta wag kang gagawa ng kalokohan, Nestle ah. Nakakahiya dun kila Cyra.”

“Siyempre naman po. Ano ba naman kayo.”

Nag- impake na ako. Maaga na lang ako pupunta bukas para madala ko muna tong bag ko kila Cyra.

Tinawagan ko na siya para ibahagi ang aking good news. Natuwa rin naman siya. Sabi niya, sabay na raw kaming pumasok bukas. Basta dapat 6:10 nandun na ako sa bahay nila.

[Cyra’s POV]

Yes! Dito matutulog si bespren for 1 week. Sabi ni ate dun na lang daw matulog si Nes sa kwarto ko. Tapos tabi kami ni ate sa kabilang kwarto.

Tutal wala rin naman akong ginagawa sa bahay pag-uwi ko, sasama na lang ako sa practices nila. Para mapanood ko sila. Masaya yon! Hahaha! Kakailanganin rin nila ang acting skills and expertise ko. Forte ko yata yun. Hahaha! Feeler ko talaga.

Tinext ko si Jake tungkol dun sa pagsstay ni Nestle. Medyo hindi raw niya gusto. Nalungkot naman ako dun. Siyempre gusto ko rin kasama si Nestle tapos ayaw naman niya. Hay nako. Bahala nga siya.

“Hoy bangon na. Malapit nang mag 6. At nandito na rin si Nestle. Nakakahiya ka yung bisita mo naghihintay!” Ginising na ako ni ate.

“Ano? Anjan na si Nes? Bakit ang aga? Excited siya masyado ah.”

Paglabas ko ng kwarto, nagkakape si Nestle. Wow. Pwede nang pang commercial ng Nescafe. Coco Martin na Coco Martin eh. Yammy! J)

“Hi Nes. Ligo lang ako. Ang aga mo ata?”

“Hinatid ako ng tatay ko. Excited din ata siyang palayasin ako sa bahay eh.” Natawa siya.

“Sus. Ikaw ata hindi nakatulog eh! Hahaha!”

Pagkatapos kong maligo at magbihis, kumain ako ng dalawang tinapay tapos umalis na kami. Saktong 6:30 kami nakaalis sa bahay.

“Nes, pwede ba akong manood ng practices niyo?” Tanong ko sa kanya bago kami sumakay ng jeep.

“Pwede naman. Kaso wala ng thrill. Alam mo na yung storya.”

“Ok lang yun! Masaya naman eh.”

“Wow. Pano ka nakasiguro?”

“Wala lang. Nafifeel ko lang.”

“Ah. Sige. Good luck. Ay Cy, nabalitaan mo na ba na nawalan ng trabaho yung tatay ni Jake at nanay ni Sabrina?”

Hala. Ano yun?!

“Anong sinasabi mo? Hindi pa. Walang nasasabi sakin si Jake.”

“Kagagawan daw ng lolo ni Sabrina. Ewan ko. Eh diba magkatrabaho yung tatay ni Jake at nanay ni

Sabrina? Marami rin daw tinanggal sa trabaho eh. Nakaka awa kaya.”

“Eh bakit? Araw araw ko naman nakakausap si Jake pero wala siyang nakukwento.”

“Hindi ko alam. Itanong mo nalang sa kanya.”

Pagkatapos nun, tahimik alng kami hanggang pagbaba ng jeep. Nakasabay ulit namin si Lance paakyat ng building.

“Nestle, pwede bang hindi muna magpractice mamaya?” Tanong ni Lance.

“Bakit? BAWAL UMABSENT DIBA?” Sabi ni Nestle. Grabe siya. Galit agad?

“Eh may sakit ako eh.”

“Kawawa ka naman. May sakit rin ako eh.” Sarcastic talaga tong si Nestle.

“Uy Lance wag ka umabsent! Manonood pa naman ako mamaya!” Sumagot na ako.

“Tsk. Sige na nga. Bahala ka Nestle ah pag nagkasakit talaga ako.”

“Bakit ba ako? Kay Marian ka kasi magpaalam. Ok lang naman sakin. Baka lang kainin tayo ngbuhay nun pag umabsent ka.”

“Ay wag na pala. Mamamatay muna ko bago ko kausapin yung si Marian.”

“Bakit? Anong meron kay Marian?” Ano ba yan. OP ako. -____-

“Dragona yun eh! Parating galit yun nakakatakot kaya.” Sabi ni Lance.

“Grabe. Ayoko na tuloy sumama sa practice niyo.”

“Wag. Manood ka. Para mahiya si Marian. Para hindi magalit samin.” Sabi ni Lance.

“I second the motion! Sumama ka nalang lagi.” Sabi naman ni Nestle.

Okay. Ako yung natatakot nito eh. Hayy.

-----------------------------------------------------------------------------------------------------------------

First or Last love?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon