Chapter 4

19 0 0
                                    

Chapter 4

[Jake’s POV]

Nagvibrate ulit yung cellphone ko.

“Ok. Good night! Sweet dreams! J” -Cyra

Napangiti ako. Kahit may pagkataray talaga itong si Cyra, masarap siyang kausap. Kahit weirdo siya, napapatawa niya ko. Bumaba agad ako ng sasakyan pagdating namin sa bahay para i-charge yung cellphone ko at nagreply na ako kay Cyra.

“Good night, Cy. Sweet dreams din. I miss you. J”

Totoo naman eh. Miss ko na siya. Masarap nga kasi siyang kausap. Tinext ko na rin si Sabrina.

“Sab, sorry kakacharge ko lang. Sana okay na yung parents mo. Dito lang ako lagi.”

Gising pa pala si Sabrina.

“Jake, nandito kami nila mommy kila tita. Maghihiwalay na ata talaga sila. L”

“Wag kang panghinaan ng loob. Magkakaayos din sila, Sab. Sige magpapahinga na ko. Good night.”

“Thank you, Jake. Sating dalawa lang to, okay?”

“Oo naman. Parang hindi tayo magbestfriend nito oh. J”

Naaawa ako kay Sabrina. Sana hindi maghiwalay yung mga magulang niya. Hindi ko alam kung paano ako makakatulong kasi kahit magkakilala parents namin, wala parin naman akong magagawa para mapag-ayos sila. Bukas, ihahatid ko nalang siya. Baka mamaya, kung san nanaman magpunta tong babaeng to. Tulad dati, umuwi raw ng lasing nung unang nagbantaan yung mga magulang niyang maghihiwalay sila. Ayoko naman na mamatay sa pag-aalala yung magulang niya. Ayokong madagdagan yung mga problema nila. Okay lang naman siguro kay Cyra kasi hinatid ko na siya kanina eh. Tsaka, parang wala namang pakialam si Cyra kahit hinahatid ko si Sabrina sa bahay nila.

Hay, ayoko nang problemahin yung problema nila. Basta kung may magagawa ako, tutulong nalang ako. Ayokong masabihang pakialamero. Magpapahinga na nga ako. Maaga pa ang pasok bukas.

--------------------------

“Jake, wake up. It’s 5:15 na.” Ginising nanaman ako ni Manang Dolores.

“Hmm? Ok. 5 minutes.”

Eto yung ayoko pag pumapasok eh. Ang aga aga gumising. Hay nako. Fine. Tatayo nako. Ayoko namang si dad pa yung pumunta sa kwarto ko para gisingin ako.

Umalis nako sa bahay ng 6:00. Hindi na ko nagpapahatid sa driver namin dahil sayang naman yung gasolina.  At kaya ko rin namang magcommute. Isang jeep lang naman. Pagdating ko sa school, napansin kong wala pa si Sabrina. Well, wala pa rin naman si Cyra, pero alam kong late na talaga siya dumarating.

“Sab, papasok ka ba?” tinext ko nalang siya.

Ang tagal magreply. Ano ba naman ang mga babae. Akala ko sila yung mga hindi bumibitaw sa cellphone pero ang babagal magreply.

“No, Jake. I’d rather stay with mom here. J” Sa wakas nagreply narin.

“Okay. Take care. J” Pinatay ko na ang cellphone ko.

Tumulong ako kila PJ magdikit ng decorations sa board at sa wall. Ilang minuto nalang, 7:00 na. Wala parin si Cyra. Ano ba namang nangyayari sa mga babae ngayon. Lahat sila late. Late magreply, late pumasok. -___-

[Cyra’s POV]

“Cy! Good morning! Pahiram naman ako nung gown na sinuot mo nung nagprom tayo last year. Kailangan ko kasi eh. May paggagamitan lang sa province. Padala mamaya ah? J” –Nagtext si Aiko.

“Hala. Bakit ngayon mo lang sinabi. Buti nalang nasa bahay pako. Sige hahanapin ko.”

“Sige sige! Thank you!”

Shet ano ba naman to. 6:30 na ngayon lang nagtext tong kaklase kong ‘to. Five minutes ko lang tong hahanapin. Pag hindi ko nahanap, sorry nalang Aiko.

…..........

Five minutes na. Last na cabinet nalang to. Pag wala talaga dito, hindi ko na hahanapin. Haggard nako oh.

AYUN!

Buti nalang small bag yung dala namin ngayon. Anlaki laki ng box na to.

Dala dala ko yung box hanggang Espana. Tapos, sumaakay nako ng jeep. Nakasabay ko naman si Lance sa jeep. Akala raw niya props para sa classroom yung dala ko.

“Lance, ang traffic! 6:45 na! Late na tayo.”

“Chill ka lang. May alam akong short cut. Takbo nalang tayo.”

“Wow ha. Short cut. Pero pano ko tatakbo eh pasan ko ang daigdig?”

“Chill ka lang ulit. Ako na magbubuhat niyan. :D”

Chill ng chill to ah. Ayokong malate no! Pre-school palang ako, never nakong naabutan ng bell!

Bumaba na kami ng jeep. 6:50 na.

“Lance ano? San na tayo?”

“Eto na. Kaliwa ka dun sa 7-11. Tapos deretsuhin mo hanggang moon leaf. Paglabas mo, lacson na yun.”

Tumakbo na ko. Iniwan ko na si Lance. Kaya na niya yung box na yun. Macho naman siya eh. Hahaha!

Sinundan ko yung instructions niya. Akala ko naman madali lang. Ang hahaba naman ng eskinita dito eh! Pagtigil ko sa lacson, tumingin ulit ako sa relo ko. 6: 55.

Shet! 5 minutes! Pag talikod ko, nandiyan narin si Lance. Bilis niya ah.

“Oy Cyra dali! Habang red pa yung stoplight!”

“Oo nga pala. Hiningal ako eh.”

Takbo kami ng takbo. Sumasakit na yung tagiliran ko. Pawis na pawis narin kami. Hay buhay. Bwiset na gown to. Ang bait ko rin naman kasi eh. Hinanap ko pa. -___-

6: 58. Onting takbo nalang, nasa high school building na kami!

6:59. Sakto! Yes!

Nag swipe na kami ng ID.

Sa wakas. Di kami nalate ni Lance. Buti nalang may alam siyang shortcut.

Naglakad na kami paakyat ng classroom. Inayos ko muna yung buhok ko. Nakakahiya naman. Baka makita ako ni Jake na parang binagyo.

 -------------------------------------------------------------------------------------------------------------------

First or Last love?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon