Chapter 8
Cyra’s POV
Pagdating ko sa school, inaasahan ko nang magulo nanaman ang classroom namin. Pero, kakausapin na kaya ako ni Jake ngayon? Sabay na kaya kaming maglulunch? Ihahatid niya kaya ako pauwi? Hay. Andami kong tanong. Nakasabay ko si Lance paakyat.
“Uy Lance! Kamusta? Bakit may dala kang pampintura?”
“Uy! Okay naman ako. Eh kasi pinapadala ni Nestle sakin. Kailangan daw pinturahan yung boards para sa play sa October. Ikaw? Kamusta na?”
“Ok lang din naman. Theater arts ka nga din pala. Sinong director niyo?”
“Si Marian ng IV- Molave. Pero si Nestle assistant. Siya na rin nag-iintindi dun sa mga props at costumes.”
“Aba. Sipag pala ng bespren ko. Anong role mo dun?”
“Secret! Panoorin mo nalang. Hahaha!”
“O sige ba! Ano, may bago ka ng girlfriend?”
“Wala ah. Ayoko na muna. Masyado akong pogi para sa mga babae sa batch natin ngayon. Tsk.”
“For a change! Wait natatangay ako ng hangin!! Hahahah. Yabang mo ah. Sige pasok na ko sa classroom.”
“Sige bye!”
Nakakamiss din pala yung ibang mga kaklase ko dati. Feeling gwapo parin tong si Lance. Pero okay lang, gwapo naman. Minsan lang nasosobrahan sa self- confidence.
Kasalungat ng inaasahan ko, hindi pa rin ako kinakausap ni Jake sa personal. Grabe naman. Nagdududa na tuloy ako kung siya ba talaga yung kausap ko kagabi. Kaboses naman niya kaya imposibleng ibang tao. Nabubura ba memorya nito pag gising niya sa umaga? Ano kayang iniisip niya?
Nakakainis. Dun pa naman ako pumwesto sa harap niya. Absent kasi yung nakaupo dun. Tapos di rin pala niya ako papansinin. Nakakapagtaka talaga kung bakit siya sweet kapag hindi namin kita ang isa’t isa tas hindi kami nagpapansinan pag nasa school kami. Kaya nagiging awkward eh.
--------------------------------------------------------------------------------------------------------------------
Sorry po medyo maikli tong chapter na to :>