Chapter 3
[Cyra’s POV]
‘Pag magkasama kami ni Jake, parating awkward. Dalawa lang naman nangyayari eh: Minsan hindi kami nagsasalita, minsan naman nagsasagutan lang kami. Kung tatanungin niyo ko kung gusto ko si Jake, siyempre oo. Pinaparamdam niya rin sakin na gusto niya ko. Pero sa text nga lang. Pag nasa school naman, bihira lang talaga kami mag-usap. Kapag hinahatid niya lang ako. Ang gulo namin no? Wala rin naman kaming relasyon. Sana kung gusto man talaga niya ko, sabihin niya ng maayos. Feeling ko kasi minsan, trip lang niya ko. Marami din naman kasing nagsasabing si Sabrina yung gusto niya. Sinasabi pa nga ni Jeanina na pinapanood daw ni Jake minsan magtraining si Sabrina eh. Minsan iniimagine ko na pag nagtetext kami ni Jake, katext din niya si Sabrina. Hindi ko alam kung bakit kailangan niya kaming pagsabayin. Pero kahit alam ko na sweet siya samin ni Sabrina, ayokong lumayo sa kanya.
Siguro tanga lang ako para manatili sa sitwasyon namin. Basta, ayoko lang na mawala siya. Siyempre ngayon lang naman niya ako napansin simula nung nagbreak sila nung girlfriend niya na taga ibang section, kaya papalampasin ko pa ba to?
Feeling ko nga minsan, mali na eh. Kasi, ako mismo yung kumukunsinte dun sa maling ginagawa niya at ako mismo yung umaasa. Pano kung alam din ni Sabrina na may something kami ni Jake? Tapos gusto niya rin pala si Jake?
Ayokong iwan ako ni Jake. Pero ayoko ring ako yung umiwan sa kanya.
Patas na laban lang ‘to sa pagitan namin ni Sabrina. Kasi kung gaano kadalas lang ako kausapin ni Jake, ganun kadalas lang din siya kausapin ni Jake. Siguro nasusungitan ko siya pag magkasama kami, pero wala akong lakas ng loob na itanong sa kanya kung sinong mas mahalaga samin ni Sabrina. Baka mamaya, masaktan lang ako.
Nagtext na si Jake.
“Cy, nakauwi na ko.”- Jake
“Mabuti naman. Hindi traffic?” – Ako
“Papuntang Espana traffic, pero pagkalagpas namin dun, wala na. Gawa mo na?”
“Wala. Kakatapos ko lang kumain ng hapunan.”
“Kain nanaman? Kakatapos niyo lang kumain nila Melly diba? J) “
“Eh pizza lang naman kinain namin dun eh.”
“Isang oras kayong kumain ng pizza? Grabe kayo. Baka tumaba ka na niyan ah.”
“Nagkuwentuhan din kasi kami. Ikaw, anong ginagawa mo?”
“Hinihintay ko si dad. Sabi niya magdidinner daw kami mamaya sa West Ave.”
“Ah. Sosyal naman. Dun pa magdidinner. Haha.”
“Birthday kasi ng kapatid ko.”
Kung saan saan na napunta yung usapan namin. Hanggang bago ako matulog, kausap ko pa rin siya.
“Jake, matutulog nako. Ingat nalang kayo pauwi.”
“Matutulog ka na? Tabi tayo ah. J “
“Anong tabi tayo?”
“Kunwari tabi tayo. Wag mo akong aagawan ng unan ah. Wag ka rin maghihilik baka mapuyat ako.”
Para namang totoo. Sige, makikiride nalang ako. Haha.
“Oo na. hindi ako naghihilik no! Baka ikaw. Pagod ka pa kasi lumabas kayo.”
“Parang yun lang eh. Hindi naman ata ‘yun nakakapagod. Sige na tulog ka na. J”
“Ok. Good night! Sweet dreams! J”
“Good night, Cy. Sweet dreams din. I miss you. J”
Hindi na ako nagreply. Ayokong kiligin masyado. Hahaha!
---------------------------------------------------------------------------------------------------------
