Chapter 7

20 0 0
                                    

Chapter 7

[Jake’s POV]

Ang bagal naman magtext nitong si Cyra. Paano bang pag-eedit ang ginagawa niya sa essay niya?

Grabe. Hindi ko inakala na masasabi ko sa kanya yung mga nasabi ko kanina. Pero wala na kong magagawa. Wala nang saysay pa kung itatago ko yung mga gusto kong sabihin. Hindi naman siguro siya ganun kamanhid para hindi mafeel yung nararamdaman ko para sa kanya. Hindi ba obvious? Halata rin namang gusto niya ako kahit hindi kami ganun kadalas mag-usap sa school.

Naalala ko yung pinag-usapan naming ni PJ nung naglaro kaming COD.

“Bro, seryoso ka ba dun sa sinabi mo na liligawan mo si Cyra?” - PJ

“Ewan ko. Siguro. Bakit?” - Ako

“Di naman sa nakikialam, pero wag mong paasahin yun bro ah? Ilang taon na tayong magkakaklase. Ayokong mag away kayo dahil lang dun. Tsaka, patay ka kay Nestle pag sinaktan mo yun.” - PJ

“Sige. Alam ko naman yun eh.”- Ako

Naalala ko tuloy nung kami pa ni Margaret. Ako lang naman yung nagmahal saming dalawa eh. Sobrang saya ko nung sinagot niya ako pero pagkatapos nun, puro sakit na yung naramdaman ko. Parati niyang pinaparamdam sakin na napilitan lang siyang sagutin ako. Parati ko naman siyang nireregaluhan at binibigyan ng bulaklak pero hindi pa rin niya naaappreciate. Akala ko gusto yun ng mga babae. Hindi ko talaga sila maintindihan. Ako na rin yung nakipagbreak. “Let me be the one” by Jimmy Bondoc ang peg ko eh.

Hindi ko pa rin alam kung liligawan ko na si Cyra. Baka mamaya, maging over attached nanaman ako na lahat ng lalaki pinagseselosan ko. Okay na siguro tong iniiwasan ko siya sa school. Para at least, alam ko na hindi kami. Alam ko yung limit ko. Kung hindi ko kasi siya iiwasan sa school, baka mamaya masyado ko siyang mahalin. Baka mamaya kahit hindi kami, marami kaming pag- awayan tulad namin ni Margaret.

Nakakabagot naman. At ang emo ko pa. Gagawin ko na nga lang din yung essay ko. Hindi ko pa pala nasisimulan eh 9 na.

Hindi naman ako masyadong nahirapan sa essay ko. Ewan ko. Ideas just come out of my mind. Hindi ko na to ieedit.

Pagkatapos kong magshower at magbihis, nabasa ko yung text ni Cyra. Nagmadali akong magreply syempre.

“Maaga pa ah. 9:30 palang. Usap muna tayo.”

Totoo naman ah. Ang aga pa. Dapat sa babaeng yon alas dose na natutulog eh. Para pagdating sa school, tahimik dahil bangag! Hahahaha.

“Sige.”

Humiga ako. Wow. Ang sarap naman magpahinga. Matutulog na lang rin ako.

“Ay sige wag na. Matulog ka na pala. Good night! Sweet dreams! I miss you!”

Matulog na tayo, Cyra. Masyadong sweet yung kama ko at ayaw niya na akong paalisin.

 “K. Night! Sweet dreams din! Miss you too.”

Miss din pala niya ako. Pero hindi nagtetext. Anong klase to. Hindi na ako nagreply. Matutulog na talaga ako.

Ay teka! Si Sabrina! Itetext ko muna siya baka kung ano nang nangyayari.

“Sab?”

Hindi siya nagreply.

“Sab, if you need anything, just text me okay? J”

Ayan. At least wala na yung guilt ko na inabandon ko naman siya. Tinext ko na sya. Okay na yun.

-------------------------------------------------------------------------------------------------

Author's note:

gentleman lang po tlga tong si Jake kaya parang medyo paasa yung labas niya. 

Yey natapos ko rin ang chapter 7 ^^ Sana po subaybayan niyo pa ang story nila jake at cyra!! ^^

First or Last love?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon