"Uy," I snapped. I could not explain her reaction.
"Waaaah!! Nakakalungkot! Nangyari ba talaga yun?" She blurted nang finally matauhan na siya.
"Mukha bang gawa gawa ko lang yun?" Mataray kong tanong. Napalamukos naman ito ng mukha niya.
"Hindi! Pero kahit na! Bakit kasi hindi mo sinabi sa akin? Malay mo nagawan ko ng paraan! Nakalimutan mo na ba, close kami ng mommy mo!" Ani nito habang mahina akong hinahampas ng paulit ulit.
"Iba naman kasi 'to." I sighed. "Paulit ulit niyang sinasabi na wag muna, pero sinuway ko pa din siya. Kahit sino naman sigurong nanay magagalit, diba?"
"Sabagay." Suko ni Ayen. "Pero kahit na! Nakakalungkot pa din!" Pahabol niya pa.
"Ang tagal na kaya nun. 2 years na din.." at saka ako mahinang natawa.
"Naka-move on ka na ba?" Seryosong tanong nito. Nakatingin talaga siya ng diretso sa mga mata ko.
"Oo. Syempre. Ano ako tanga? Ang tagal na kaya nun!"
Pinanliitan niya ako ng mata na para bang sinusuri niya kung nagsasabi nga ba ako ng totoo.
"Oo nga! Ang kulit." I said, saka siya inirapan.
She shrugged. "Sige, kunyari na lang naniniwala ako sa mga sinasabi mo."
Pagkatapos nung sinabi niya nagkaroon ng katahimikan sa pagitan naming dalawa. Siya, parang nag-aantay ng sasabihin ko. Ako naman, na parang may gustong sabihin sakanya.
"Alam mo Elle," Pagpapatay niya sa katahimikan na namumutawi. "kung may sasabihin ka sabihin mo na."
I heaved a sigh and said, "Masakit." She didn't speak which was so unlikely of her.
"Hindi naman ako pinaka-nasaktan dahil sa breakup, kundi sa broken promise niya. Ang tanga ko lang, dapat naniwala na lang ako dun sa promises are made to be broken." Dagdag ko.
"Anong pangako?"
"Nung nag-break kasi kami, he made a promise na mag-aantay siya hanggang sa pwede na. No matter what or when. Kahit gaano katagal." Paliwanag ko. "Ako naman 'tong si uto uto, nagpaniwala at umasa."
"Pero promise okay na. Ibig sabihin lang nun hindi siya ang para sa akin kasi hindi niya naman pala akong kayang antayin. Masaya ako para sakanila, bagay na bagay sila. At masaya na ako kay Nico. Ayoko ng gulo." Pahabol ko.
She didn't speak. Pansin ko lang she barely speak simula nung napag-usapan namin 'to.
Instead, I felt her arms around me. She was hugging me, and tapping my back.
This is so not her. I mean, this is not her usual way of comforting somebody. She usually makes use of harsh words na kung hindi ka sanay, pwede mong ikapikon.
"Siguro naman alam mo na yung isasagot sakanya." She said, withdrawn from the hug.
I just gave her a smile.
Friday came.
Dapat kanina pa ako bumangon, kumain, naligo, nagbihis, nag-ready for school, pero guess what?
Andito pa din ako sa kama ko. Prenteng prenteng nakahiga, with matching kumot pa. Anong course ba yung pwede ka lang humiga all day? I'd love to take that.
BINABASA MO ANG
Unexpressed Feelings
Teen FictionRead and make your own description of the story. Unexpressed Feelings by @ohsomefreak_