1st Expression

67 3 1
                                    

Happy Monthsary! I love you.

A smile automatically flashed my mouth after I've read his message first thing in the morning.

Today's our 8th month. Hindi na ako nag-abalang sumagot, wala rin naman akong load. We'll just be seeing each other in school, dun nalang ako mag-ggreet.

Malayo pa lang, alam ko nang siya yun. I walked towards his direction silently.

I covered his eyes with my hands, "Guess who?"

He held my hands, which were on his eyes and smiled sweetly "Mahal,"

Tinanggal ko na yung kamay ko sa pagkakatakip sa mata niya. And faced him. "Happy monthsary!" I greeted.

Nakatingin siya sa akin na parang nag-aantay ng kasunod. Alam kong kulang yung sinabi ko. I'm just not that type of person.

He just shrugged and sabay na kaming nag-lakad papunta sa aming mga klase.

Nang mag-uwian, nahalata ko na simula pa kaninang umaga ay hindi umiimik si Nico. Pati mga classmates namin nakakahalata. Tinatanong nga nila ako kung nag-aaway ba daw kami.

"What's wrong?", I asked habang naglalakad kami palabas ng campus. Hindi na ako nakatiis. Gusto ko lang din malaman kung ano ba talaga ang problema niya. Pero hindi niya ako pinansin. Tuloy lang siya sa paglalakad, hindi niya ako kinikibo.

Tumigil ako sa paglalakad, at hinarangan siya. Hinarap niya naman ako na bagot ang itsura. "Nico, ano ba talaga ang problema mo?"

He tried his best to smile and uttered, "Wala" pero halata namang peke.

I looked at him seriously and he was doing the same. After a minute or two, I finally broke the staring game. Knowing him, I could never make him admit his problem.

"Nico," I once again called but he just sighed.

"Wala naman kasi talaga. Masama lang pakiramdam ko." He grabbed me by the hand "Tara na." And we walked our way out of the campus.

Siguro kung ibang couples, since monthsary, magddate after school o kung ano pa man. Pero hindi sa amin. Strict ang parents ko at walang kahit anong rason ang katanggap tanggap para sa kanila kung uuwi ako ng medyo late na. Madalang lang kaming nakakapag-date ni Nico, pero alam kong hindi naman yun ang problema.

"Nicoooo", pangungulit ko habang naglalakad kami.

"Hmm?"

"Hindi ako sanay! Magsalita ka naman." dugtong ko pa. Natawa naman ito ng mahina.

"Ng?" natatawang tanong nito

"Kahit an--" Natigilan ako nang biglang may bumunggo saakin mula sa likod.

"Sorry. Sorry!" She was panicking. She even bowed and wore that worried face. Ang bait naman niya, nasabi ko na lang sa isip ko.

"It's okay." I said while smiling. Pampagaan ng mood dahil mukhang natataranta siya.

"Sorry talaga ulit." Pag-uulit niya na sinagot ko naman ng ngiti. Matapos nun, nagbow ulit siya at saka umalis na.

Unexpressed FeelingsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon