7th Expression

35 3 0
                                    

Bumalik na kami sa loob. Tapos na din pala silang manuod kaya hinahanap na kami ni Nico kanina. Nagkkwentuhan na sila. Ganun ba ako katagal sa labas? Saktong pagkapasok namin, nakita naming humikab si Yana. Madaling araw na din pala.

"Matulog na tayo, guys. Inaantok na yung birthday girl." Pang-aasar ni Ayen kay Yana.

"Oy hindi ah." depensa naman ni Yana pero halata naman na antok na nga ito. Kahit ako ay inaantok na din.

"Sus, muntik na ngang mapunit yung bunganga mo sa hikab mo." Pang-asar talaga itong si Ayen kahit kelan.

"Hindi ah. Grabe ka!" ani ni Yana.  Pero nahikab lang ulit siya. Nagtawanan naman kami. Hindi pala inaantok ah.

"Action speak louder than words, Yana babe. Tara na, matulog na tayo. Bukas naman." Saka ni Ayen inangkla yung braso niya sa braso ni Yana. "Wait, saan pala tayo matutulog?" Dagdag niya pa.

"Basta share kami ni Elle." Pagloloko ni Nico. Siniko ko nga. Ang harot!

Pero ibang iba yung Nico kanina sa labas sa Nico ngayon. No sign of any sadness yung ngayon. Naguguluhan na talaga ako sa lalaking 'to.

"Bawal! Kayo ni Craig ang magsshare. Alam ko yang mga galawan mo!" Pagsusungit ni Ayen sakanya. Cat-Dog talaga ang dalawang 'to.

"Ilan ba ang available rooms niyo, Yana?" Asked Karen who was sitting next to him, who was on his phone.

"Dalawa lang. But we can use my older brother's room since he's not here. Pwedeng dun yung boys. Tapos sa room ko dalawa, and dalawa din sa guest room." Pag-eexplain ni Yana. Tumango naman kami.

"Tabi kami ni Elle!" Sigaw ni Ayen na papuntang kusina. Manginginain na naman ang isang yun.

"Okay. Kami naman ni Karen ang magsshare. Nico, Craig, nasa dulong left yung kwarto niyo." Paliwanag ulit ni Yana.

"Okay." Said Nico with a thumb. While the other just nodded.

"Okay, good. Thank you talaga sa inyo, guys. I had the best birthday, all thanks to you. Goodnight na. Text niyo lang ako pag may kailangan kayo. Salamat ulit." Saad ni Yana saka isa isa kaming niyakap.

Tumaas na sina Karen, Yana at siya. Aantayin ko na lang si Ayen na nasa kusina pa. I sat on the couch. Nico sat beside me.

"Di ka pa matutulog?" He asked habang sinasabit sa may tenga ko yung buhok na halos nasa mukha ko na. I like it everytime ginagawa niya 'yon.

"Antayin ko na lang si Ayen. Ikaw, ba't di ka pa tumaas?" tanong ko naman pabalik.

"Gusto pa kitang makasama." Paglalambing niya. Napangiti na lang ako at pinisil yung ilong niya ng mahina.

"May bukas pa naman. Tapos may susunod pang bukas, tapos yung susunod pa sa susunod na bukas, at marami pang kasunod. Matulog ka na, inaantok ka na oh." Ani ko. Ngunit nginitian niya lang yung litanya ko na yun.

"Umuwi na si Papa." Pag-iiba at kaswal na sabi niya habang pinaglalaruan yung kamay ko.

Nandito na pala Papa niya. His father works abroad. 3 consecutive years ng hindi nakaka-uwi, sabi niya. Tas ngayon, nandito na ulit.

"Talaga? Kelan pa?" masiglang tanong ko. Masaya ako na kasama na nila ulit ang papa niya. Panigurado namiss siya ni Nico.

"Nung isang Friday."

"Ah. Kaya ba absent ka nun? Ayun yung araw na dapat mag-uusap tayo diba?" ani ko. He nodded.

'Di ba dapat masaya siya? Kasi finally kasama na nila ulit ang papa niya. Nung nagtrabaho sa ibang bansa yung daddy ko sobrang saya ko nung umuwi siya eh. Pero bakit parang iba kay Nico. I can see no joy nor excitement in his eyes. Diba dapat masaya siya? Ilang taon din niyang hindi nakita yung papa niya. Ito na yung chance nila mag-catch up at magbonding na mag-ama.

Unexpressed FeelingsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon