"TRUTH OR DARE!!" Sigaw ulit ni Ayen na akala mo bahay niya.
Tapos na kasi yung mini-party ni Yana. May mga pumunta ding classmates niya pero nagsi-uwian din lahat. Kami na lang ang natitira dito; ako, Nico, Ayen, Karen, and him.
Since 9pm pa lang naman, masyado pang maagang matulog, nagtatanong muna si Yana kung anong gusto naming gawin. Na truth or dare nga daw sabi ni Ayen.
"No!/Game!" We said in chorus.
Ako yung no, while the 3 of them said 'game'.
"Ayokong sumali. Kayo nalang." I refused. Ayoko talaga. Iisipin ko palang na maglalaro kami, parang natatae na ako kahit wala naman.
I stood up, pupunta nalang akong kusi--
"Upo. Bawal kang hindi sumali." Ayen commanded like she's my boss. She even pulled me pabalik sa kinauupuan ko. "Sasali siya, joke lang yun. Tara, game na!" She glared at me and grinned.
"Pakyu." I whispered.
"Love you too, Elle." Sagot niya na may kasama pang kindat.
We formed a circle. Ayen and Nico were beside me. Karen sat next to Nico and he sat next to Yana, si Yana katabi si Ayen.
"Lagyan natin ng thrill!" Suggest ni Ayen. Ang dami nitong pakulo.
Lahat kami nakatingin sakanya.
"Truth or dare pa din. Pero, ibubulong nalang nung magtatanong or magde-dare yung tanong or yung dare. Tapos sasagutin or gagawin nung taya."
"Ay madaya--"
"Teka Nicolas!" Tinapon niya kay Nico yung unan na malapit sakanya. "Hindi pa ko tapos. Respeto sa magandang nagsasalita!"
"Ang kagandahan nito, may chance na hindi nila malaman yung tinanong sayo or yung meaning nung ginawa mong dare." Dugtong niya pa.
"Paano?" I asked out of curiousity. Ang daming pabitin effect.
"Gamit ito." Naglabas siya ng 5 peso coin. "Pipili yung taya kung head or tail. Kapag natalo siya, irereveal yung tanong or dare, kapag hindi, edi safe. It's just between you and the one who asked." Paliwanag niya. "Ano, game?"
They all nodded. I seemed to like the concept, pero narealize ko lang na na never pa ako nagkaroon ng luck sa coin toss. Ayoko nit--
"Game na! Ako na magsspin. Birthday ko naman." Presenta ni Yana.
Kada ikot nung bote, hindi ako mapakali. Kung may sakit ako sa puso, ikamamatay ko 'to ng maaga. Naka-hinga ako ng maluwag nung si Ayen yung naturo.
"Truth or Dare?" Ako na nagtanong. Naexcite ako bigla.
"Actually guys, kanina pa talaga ako nababanyo! Yana, san ba ang banyo---" Pag-iiwas niya.
Akma namang tatayo itong si Ayen kaso nahawakan namin siya ni Nico.
"Wala! Bumalik ka dito. Pina-alis ko na yung banyo nila. Pinagawa kong photobooth nila Yana. Upo!" Pagbibiro ko na ikinatawa naman ng lahat.
"Natatae na talaga ako bes." Pagmamakaawa niya sa akin kaso hindi tumatalab sa akin kaya balik siya sa mataray na aura. "Pakain ko 'to sayo."
"Sus, tigilan mo nga ako. Nagbanyo ka na kaya sa bahay!" Pakikipagtalo ko.
"May stomach absence ako!" Palusot nito. "Seryoso, hindi ata nagustuhan nung tiyan ko yung cupcake na ginawa niyo kanina."

BINABASA MO ANG
Unexpressed Feelings
Teen FictionRead and make your own description of the story. Unexpressed Feelings by @ohsomefreak_