3rd Expression

52 3 1
                                    

F L A S H B A C K

At dahil hindi ko alam kung nasaang lupalop ng mundo si Ayen at Yana, mag-isa akong kakain ngayon. Nakakatamad silang hanapin. Bakit mo naman hahanapin yung ayaw naman magpakita sayo? Mahihirapan ka lang.

"Elle, best frieeend!" bungad ni Ayen at Yana na galing kung saan.

"Anong meron, Ayen? Ang creepy mo." puna ko habang kumakain.

"Ay? Pag ba nakangiti ako, creepy na kaagad? Judgmental ka ah!" ani niya saka nakisubo sa pagkain ko.

"Kung si Yana sana, hindi. Pero nung ikaw, oo. Tell me, anong meron?" pagtatanong ko habang umiinom nung juice na binili ko.

"Grabe na talaga mga judgmental sa mundo." umiiling na sabi naman ni Ayen. Napataas na lang ako ng kilay. She's acting weird.

"Hi, Elle." Bati ni Yana. Kanina pa sila andito, ngayon niya lang ako naisipan batiin? Ang weird lang nilang dalawa. Pero wala akong oras isipin kung bakit sila nagkakaganyan. Nagpatuloy lang ako sa pag kain ko. Pero nahahalata ko, parang kinikilig yata itong dalawa?

"Musta yung Craig? Kilala mo na ba?" tanong ni Ayen na muntik naman magpasamid sa akin.

"Hindi. Maliit lang ang campus, madali ko lang yan makikilala." sagot ko saka kinain yung panghuli kong subo.

"I agree. Lalo na kung malapit lang naman pala sayo--ng literal, yung hinahanap mo. Diba, Yana?" dugtong naman ni Ayen.

"Yep!" pagsang-ayon naman ni Yana.
"Ewan ko sainyo." dagdag ko habang inuubos ko yung juice na binili ko.

"Elle, paano kung gusto ka pala nung Craig na yun kaya ganun?" seryosong tanong nitong si Ayen.

"Magpakilala kaya muna siya?" wala sa sariling sabi ko naman.

"Pag nagpakilala ba siya, magugustuhan mo na din siya?" pangungulit pa nito.

"Grabe agad agad, Ayen? Hindi naman yun ganun."

"Pero susubukan mo naman diba?" This time it was Yana's turn to ask me. Nagtataka na talaga ako.

I shrugged.

"We'll take that as a yes." sabay nilang sabi, saka nag-apir pa.

"No," pahabol ko. Magsasalita pa sana ako nang magsalita si Yana.

"Pwede kumain muna tayo? Nagugutom na ako eh." Reklamo ni Yana. Oo nga pala. Ako pa lang yung kumakain. Kung saan saan kasi galing 'tong dalawang 'to.

Nag-order na sila at kumain. Inantay ko na lang silang matapos kumain dahil tapos na ako. Buong lunch din kinukulit lang ako nila Ayen at tungkol sa Craig na 'yon. The hell is wrong with them?

"CraiElle! Ang cute kaya!" Nagsisimula nanaman silang asarin ako pagkarating na pagkarating namin sa classroom.

Dumiretso na ako sa seat ko. Magkakahiwalay kaming tatlo ng upuan. Magkakatabi talaga kami nung simula nung school year eh, pero pinaghiwalay kami kasi maingay. Well..

Unexpressed FeelingsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon